Drishti's POV
Sobrang init!
I feel like my skin is about to burn na. Kasi naman, I've been waiting na for hours here sa entrance ng University since today is the first day of our lives as a college student! And what's more irritating is that I have no payong with me.
Last night, I was texting my bestfriend from senior highschool, Kaia. Napag-usapan namin na sabay kaming papasok sa uni but here I am, looking like a burning dumpling in front of the university.
I swear I'm gonna tear that girl into pieces when I see her!
Hulas na ko. I feel like I'm about to cry. Hindi ko kayang mangamoy putok in my first day 'no! Nakakaturn off kaya.
Ang dami na ring ibang estudyante ang tumitingin sa 'kin dito. Girl, sino ba kasi may sabi na dito ako maghintay?! Mukha akong tanga dito. Kung makatingin pa sila akala mo kung sinong judgmental. Wow ha! Perfect kayo? Ano bang magagawa ko kung ito yung place na siguradong agad akong makikita ni Kaia. Tatanga pa naman yun maghanap. Pero sa pogi ang bilis ng mata.
Naghintay pa ko ng ilan pang mga minuto until I saw a familiar face.
Got you girl. You're dead.
Nakita ko si Kaia papalapit sa entrance ng gate kaya naman mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Hindi ako agad nagpakita sa kanya, instead, pumunta ako sa likod niya at pinulupot ang braso ko sa leeg niya. She can't see me since nasa likod niya ko.
"Huwag kang gagalaw ng masama kung ayaw mong dumugo tagiliran mo," saad ko sa malalim na tono kaya naman she suddenly stopped walking.
Edi natakot ka ngayon?! Hmp!
It looks like she's starting to shiver as she stuttered while speaking. "A-Anong kailangan mo? P-Pera?" Kinapa niya ang bulsa niya. Gosh. Gaga! "Marami akong pera! Please don't hurt me. May mga pangarap pa ko!"
"Ayoko ng pera, gusto ko ma-sunburn ka!" Sigaw ko sa kanya at bumitaw sa leeg niya.
Itong babaeng 'to. Hindi pwedeng mahold-up. Bibigay agad.
Lumingon siya sa 'kin and she sighed in relief.
"Tangina mong babae ka! Ikaw lang pala akala ko holdup na! Punyeta ka!"
Napasinghal na lang siya sa inis. Malakas na tawa lang sinagot ko sa kanya.
"Hahahahaha."
Hindi ko mawari yung reaction niya kanina. Akala mo talaga katapusan nang college life niya sa first day of school niya. Ang oa ate ko ah.
"Tinatawa-tawa mo diyan, girl? Walang nakakatuwa." I stopped laughing. "Alam mo, bagay sa 'yo maging holdaper. 'Wag ka na kaya magdoctor at 'yan na lang pagkakitaan mo tutal mukhang professional ka na."
YOU ARE READING
Turn the Tables
RomanceRomance always starts from she fell first but he fell harder trope. But not him. Not Kaiser. He had always adored her and fell for her even more harder and harder each day. However, all these admirations went to downfall one day he took up all his c...
