Prologue

4 0 0
                                    

..........................................................

                            Lumuluha ang mga mata, napatingin si Rosalia sa kalangitan habang yakap ang mahal. Kasabay non ang syang pagbagsak ng mga talutot ng rosas mula sa katawan ni Asura. Labis ang syang naghihinagpis sa nangyari kaya naman ay tumingala ito at mapait na tumingin sa kalangitan. Galit at poot ang syang lumiliwanag sa mga mata ni Rosalia. Sa pagluha ay dumilim ang kalangitan, natakot ang mga mamamayan sa Maraya at saka sila nagdasal sa Dyosa. Tumingin sa kalangitan si Rosalia ng puno ng sakit. Pagkatapos ay sumigaw ito ng malakas, dama sa boses nitong dumagundong sa kawalan ang pait at pighating nararamdaman ng Dyosa. Pagkatapos ay hinaplos nito ang mukha ng mahal habang ang mga luha ay nag uunahang pumatak. Ang kanyang damit ay unti unting nagbago. Nawalan ito ng kulay at naging itim. Ang dating masiglang kulay ng Rosario ay napalitan ng dilim at lungkot. Ang mga bulaklak sa Rosarium ay naging itim rin, hinawakan ni Rosalia ang kamay ng mahal nito at patuloy na umiyak. Unti unti ay nagbago ang kapangyarihan ni Rosalia. Ang dating pag ibig ay napalitan ng poot, pangungulila at pagluluksa.

...............................................................
Author's note:

Lahat ng mga pangalan, lugar, hayop, at mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat.

@Xiara xyrx
@Lily xyrx

RosaliaWhere stories live. Discover now