KAELA
Okay nga lang. Mawawala rin 'yan. Nagulat lang ang mga red blood cells kaya nagwawala pa sila.

CLIEF
Ha?

Tumawa nang mahina si Clief. Nagkibit balikat lang si Kaela, may ngiti sa labi na pinipigilan pang ipakita. Salamat sa buhok niyang nakaharang, hindi ito napansin ni Clief.

CLIEF
Mabait ka raw sabi ni Cia.

Napaangat ang tingin ni Kaela galing sa cellphone patungo sa mga mata ni Clief.

CLIEF
Naniniwala ka do'n?

Tinignan naman siya nang masama ni Kaela dahilan ng pagtawa niya.

CLIEF
Pero hindi ko inexpect na may kakilala ka rito. No'ng first day kasi, wala ka namang pinapansin o kinakausap.

KAELA
Lolo ka na pala.

CLIEF
Ha? Bakit?

KAELA
Unang tanong mo kaya sa'kin, kilala ko ba sila Ivan. Edi nag expect ka na may kilala ako.

CLIEF
Ay, oo! Naks, naaalala niya pa. Pero iba rin naman kasi 'yong kilala mo sila sa pati ikaw kilala nila. Gano'n. 'Yong latter 'yong tinutukoy ko.

KAELA
Ah.

CLIEF
Mga classmate ko kasi halos lahat 'to. Most ng population kasali sa block section. Tapos lagi naman kaming evening class kaya hindi ako nag expect.

KAELA
Kaklase ko sila Joven at Cia no'ng grade 11. Kaya siguro kilala nila ako.

CLIEF
Ah. Edi kilala rin nila kambal mo?

KAELA
Hindi ka pa tapos diyan?

CLIEF
Hayaan mo nga akong ma-amaze na may kambal ka.

Natawa nalang si Kaela habang umiiling.

KAELA
Hindi ko alam. Siguro. Ewan.

CLIEF
Ay, bakit? Hindi ba kayo classmate ng kambal mo no'n?

KAELA
Hindi.

CLIEF
Ah, magkaibang strand?

KAELA
Hindi rin.

CLIEF
Ah… magkaibang school?

KAELA
Oo.

CLIEF
Sa'n ka pala nag SHS?

KAELA
Sa Miraya.

CLIEF
Sa'n 'yon?

KAELA
Malayo rito. Probinsiya.

CLIEF
Eh 'yong kambal mo, sa'n nag-aral?

KAELA
Dito.

CLIEF
UM?

KAELA
Oo.

CLIEF
Hala, ang layo ni'yong dalawa?

KAELA
Hindi naman talaga kami magkasamang lumaki.

Kita sa mukha ni Clief ang gulat pero bago pa siya makapagsalitang muli, sumulpot na sila Joven pati ang professor nila.

JOVEN
Eto na sandwich mo, Clief!

MGA KAKLASE
Good evening, Sir.

Inilapag ni Clief ang isang sandwich sa hand rest ng arm chair ni Kaela.

CLIEF
Sa'yo 'yan.

KAELA
Huh? Hindi ako nagpabili.

CLIEF
Alam ko, pang sorry ‘yan sa'yo.

KAELA
Sabi ko naman ayos lang. 'Tsaka hindi ako gutom.

CLIEF
Tanggapin mo nalang. Promise walang lason 'yan. 'Tsaka wala naman akong sinabing gutom ka.

KAELA
Talaga ha? Baka hindi ka lang maka move on sa nangyari no'ng first da—

CLIEF
Shh. Start na ng discussion.

Nakanganga at hindi makapaniwala ang nakasulat sa buong mukha ni Kaela sa sinabi ni Clief.

KAELA (pabulong)
Pucha. Ako pa ang na-shh.

Sa gitna ng leksyon, unti-unting kinain ni Kaela ang sandwich na bigay ni Clief habang masinsinan pa ring nakikinig. Sa gilid niya, palihim na lamang na napapangiti si Clief.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now