Chapter 11 : justin's party

Start from the beginning
                                    

"aba syempre" nako never tatanggi sa beer!!

"nako wag nyong painumin yan iris nagwawala yan" wika ni ariana at tumawa sila ni leo at matt

"nagwawala ka jan tahimik lang ako noh" mas lumakas naman yung tawanan nila.

"laro tayo, ang hindi makasagot ng tanong iinom ok ba?" paghamon ni josh

"game!!"

"g!"

Nagsalin naman ng beer si josh sa baso at nilagay ito sa gitna ng lamesa

"first question for you justin, what is the capital of south korea?" tanong ni josh kay justin

"easy, Seoul!" sagot ni justin sa tanong ni josh

"magaling magaling, ikaw stell kaylan birthday ni felip?" - josh

"ay! Ang dali naman edi january 12 1997" - stell

"grabe tunay na kaibigan nga, ikaw ariana oh madali lang to 9x3?" - josh

"wala nabang mas hihirap? Edi 27" - ariana

"talino, oh iris madali lang to dapat masasagot ko 'to" pagtawag sakin ni josh

"aba syempre matalino kaya ako" sure akong masasagot ko to dahil madadali lang naman yung mga tanong e, easy

"what is the capital of Australia?" tanong ni josh at napalunok ako bigla... Ano yon? Di ko alam yon!!!

"h.... Ha? Kapital? Ano..." pautal utal kong sabi dahil hindi ko alam!

"girl madali lang yan!" pag cheer sakin ni ariana

"AH! ALAM KO NA" alam ko na ang sagot!!

"ano?" tanong ni josh

"edi, A" confident ako sa sagot ko dahil tama ako ang capital letter ng Australia ay A!

"pffpf" napatingin kami kay ken dahil nasamid ito habang umiinom sya ng kape

"stupid" pabulong na sabi ni ken

"stupid? Tama naman ako letter A" napatingin ako kina ariana at halatang speechless sila... Mali ba yung sagot ko?

"may point ka pero mali, oh inumin mo na to" sabay tawa ni josh

Tinungga ko yung isang baso na may beer iba lasa ang mahal kasi e

"sanay na sanay ah" sabi ni josh at nag lagay ulit ng beer sa baso.

Oras kaming naglalaro at lagi akong talo pano ba naman kasi pag sakanilang tanong napaka dali pag saakin biglang humirap?? Ayos ah

Felip's pov

Wala akong balak na makisalamuha sa kasiyahan nila, hindi ko rin magawa ma pumunta ng kwarto dahil kay justin.

Umupo lang ako sa sofa at pinapanood silang nagkakasiyahan, nagsasayawan sila si iris ay nasa gitna sumasayaw habang nag papatugtog ng fililino 'budots', para syang stick na sumasayaw.

"eeey!!!" sigawan nila ariana at stell habang sumasayaw sa gitna si iris, hindi ba sya nahihiya?

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko nagulat ako nang may humatak saakin

"what the heck iris?" dinala nya ako sa gitna at niyayaya na sumayaw

"sumayaw kana!! sabi sakin ni stell magaling ka raw sumayaw dali na" pagpupumilit neto sakin

"hell no" pabalik na sana ako ng upuan ng harangin ako ni iris at pagewang gewang na sya sa kinatatayuan nya. Lasing nanga sya.

"KEN!! DALI NA!" nagtinginan sina stell, pau, josh, jah, at mga kaibigan nya nang tawagin ako ni iris sa 'ken' na pangalan dahil kilala nila akong lahat as felip.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now