52. Batis Ng Katotohanan

Start from the beginning
                                    

Napangiti si Luna sa kanyang nasasaksihan. Iniaangat niya ang kanyang kamay at sinubukang hawakan ang imahe mula sa kawa. Ngunit nagulat siya nang mawala ito dahil sa kanyang paghawak.

Bumalik muli ang imahe sa silid ng mga yumaong sanggol. Doo'y mag-isa na lamang ang sanggol na naglalabas ng dilaw na mahika. Unti-unti'y humiwalay sa sanggol ang mahika at lumabas mula sa bintana.

Matapos ang ilang sandali'y bumalik ito at sa pagbalik ay may mga nilalang na nakasunod. Dalawang babae at isang lalaki. Ang isa sa mga babae ay kinuha ang sanggol. Nilingon nito ang dilaw na mahika at nagpasalamat dito.

At sa pag-uwi'y masayang hinagkan ng babae ang sanggol. "Ikaw si Sol, mahal ko. Sapagkat dala mo ang kapangyarihan ng diyos ng araw na si Apolaki."

"Si Sol?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Luna. Inayos niya ang suot na salamin at bahagyang napangiti.

Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit naging magkaibigan silang dalawa. Sapagkat noon pa ma'y tunay na silang magkakonekta.

Ngunit napalitaan ang ngiting iyon ng pagkunot ng noo ng muling nabago ang imahe sa kawa.

Ngayo'y lumitaw ang isang matandang babae. Sa kasuotan nito'y nababatid ni Luna na isa itong babaylan.

"May pangitain ang mga diyos. Tuluyan nang isinilang ang nilalang sa sinaunang tagna, ang bakunawa. At sa pagdating ng tamang panahon ay muling magbubukas ang portal. Ito'y sa sandaling muling angkinin ng bakunawa ang buwan maski ang araw. At sa muling pagbukas ng portal, kaguluhan at kamatayan ay matutunghayan."

Napaatras si Luna. Sa kanyang isipan ay batid niyang hindi ang literal na eklipse ang tinutukoy ng babaylan. Ang buwan ay siya at ang araw ay si Sol. Ang bakunawa ay ang nilalang sa sinaunang tagna.

Kung tunay ang kanyang mga nakikita sa kawa ay ang ibig sabihin lamang nito'y nasa panganib sila ni Sol sa kamay ng bakunawa.

Naglakas ng loob si Luna na muling humakbang palapit sa kawa upang bigkasin ang pinakahuli niyang katanungan. "S-Sino ang nilalang sa sinaunang tagna?"

Unti-unti'y naglaho ang mga imahe sa kawa. At sa pagbalik nito'y nakita ni Luna ang larawan ni Malayah.

--

"Malayah!"

Napalingon si Malayah sa kararating pa lang. Si Sol. Malawak ang ngiti nitong sinalubong ng yakap ang dalaga. Sa likuran nito'y nakasunod si Luna.

Kunot-noo lamang nitong pinagmasdan si Malayah. At nang lumingo'y napansin ito ni Sol.

"Bakit sa mukha mo'y parang hindi ka natutuwang narito si Malayah?" Biro ni Sol sa kaibigan.

Hindi ito nilingon ni Luna at mariin lamang na nakatitig kay Malayah. Malinaw pa rin sa kanya ang mga nakita sa mahiwagang kawa ni Dalikmata na matagal nang gumugulo sa kanyang isipan. At sa pagdating ni Malayah ay lalong lumubha ang kanyang pangamba.

"Ako'y nagtataka lamang kung bakit siya nagbalik dito."

Bahagyang ngumiti si Malayah. "Narito ako upang ipagpatuloy ang pagsasanay ko bilang isang alabay."

"Magandang balita 'yan!" Bulalas ni Sol at ipinalupot ang kamay sa braso ni Malayah. Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi hayaan ito. "Halika na! Tiyak akong matutuwa ang punong babaylan kapag nakita ka."

Sa paglalakad ay magiliw ding ipinalupot ni Sol ang kabilang kamay sa braso ni Luna at sabay-sabay silang nagtungo sa tahanan ng punong babaylan.

--

Sinabihan ng punong babaylan si Malayah na magtungo sa tahanan nito sa pagpatak ng alas-singko ng hapon.

At iyon naman ang ginawa ni Malayah.

MalayahWhere stories live. Discover now