Chapter 198: The Opening

Start from the beginning
                                    

There is a lot of banners around the area na may mukha ng mga players. Ramdam ang hype sa buong lugar. It feels like a concert pero mga matches ang panonoorin ng mga tao ngayon.

Huminto ang van sa parking at maraming mga fans na ang naghihintay sa pagbaba ng mga players. "Paunahin muna natin ang Dominatus Indo." Sabi ni Coach Harris at mula sa bintana ay tanaw na tanaw namin kung paano pagkaguluhan ang mga Indonesian representatives.

Kumakaway sila sa mga gaming fans at pumipirma ng ilang mga merch. They are pretty layback pagdating sa competition na ito, based on our research, their players are already used in international scene norms. Karamihan sa kanila ay in-import na sa ibang bansa para maglaro. Undeniably, their skills are on top and one of the biggest threat para makuha ang Championship.

I inhaled and exhale. I compose myself and do my duty as the captain of the team. Tumayo ako para makita ng lahat. "Once na makapasok na ang Indonesia team sa loob ng arena ay susunod din tayo agad. Watch your things dahil baka may mga importante kayong gamit na maiwan dito sa van, mahihirapan na kayo bumalik dito later." Paalala ko sa kanila at kumilos naman sila.

"Tandaan ninyo, wala tayo sa Pilipinas, be nice to the crowd. Puwede kayong pumirma ng mga merch pero make sure na diretso pa rin sa paglalakad, huwag hihintuan ng matagal. Also, smile lang." I advised to them at hinintay kong bumukas ang pinto ng van.

"Kami na ni Callie mauuna," sabi ni Larkin sa akin at isinukbit ang kaniyang bag. "Baka mamaya kuyugin ka ng mga tao diyan. Bouncer mo kami." He wiggled his brows. Akala mo naman may magagawa siya kapag nagkaroon ng gulo dito, isa pang tamad mag-exercise 'yang si Larkin.

Kabi-kabila ang flash ng camera ang tumama sa mata ko pagkabukas pa lang ng pinto. Diretso kaming naglalakad habang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. I nicely greeted everyone pero nahirapan kami umusad dahil sa dami ng nagpapa-picture kay Callie.

Can't blame them, Callie is an Esports player na sikat internationally. Maraming mga Hunter Online players ang gumagaya sa moves niya kapag naglalaro. Siya lang din naman ang nag-iisang player sa Pilipinas na back-to-back champion sa Hunter Online tournament.

Pagkapasok namin sa backstage ng arena ay doon lang kami nakahinga ng maluwag. "Tangina may kumurot sa akin ampota." Reklamo ni Oli habang hinihimas ang braso niya. "Masira sana charger no'n. Sakit, ah."

"Mukha ka raw kasing unggoy." Sabat ni Noah sa kaniya.

"Ay talaga ba? Gusto mong ihagis kita pabalik ng Ilocos kupal ka?" Ganti ni Oli sa kaniya at nagbangayan na naman silang dalawa. Sanay na rin ako. Maingay talaga ang dalawang 'yan kapag magkasama, kung nandito si Genesis sa Yugto Pilipinas ay paniguradong sira ang inner peace ng batang iyon.

In-assist kami noong staff patungo sa waiting area namin. Kaniya-kaniya kaming lapag ng mga gamit. "Please standby, the program will start around 10AM." She advised to us.

Umupo ako sa bakanteng upuan para mag-cellphone panandalian. Nakatanggap na ako ng iba't ibang message galing sa mga kaibigan ko sa Pilipinas na gino-goodluck ako para sa tournament na ito.

Sa totoo lang ay habang nalalapit ang oras ng laban ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I mean, academically ay naranasan ko rin naman ipadala sa iba't ibang parte ng Pilipinas para mag-compete (especially sa math related) pero iba naman kasi ngayon. Parang buong gaming community ay mataas ang expectation sa laro namin.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now