Oneshot: Pakipot Lang Ba?

75 7 3
                                    


"Ano ba, Xiumin, layuan mo muna ako!" Sabi ni Renee, nakanina pa ako tinataboy kasi pinapanood ko siyang magdrawing. Tinignan ko ulit si Renee, at ang ganda niya talaga, kahit sabi ng iba na wag ko na siyang ligawan kasi panget siya, para sakin siya pa rin ang pinakamaganda.

"Xiumin, naman! Ayan tuloy, nagkamali." Napakunot ang noo niya at sinamungatan niya ako.

Pero kahit mahal ko tong babae na toh, di ko rin mapaigilan ang mainis. Lahat na lang ng masamang mangyayari sakin sinisisi, di ko alam kung nanadya talaga toh o tinetest ang patience ko, o di kaya pakipot lang talaga.

"Sorry." Matipid kong sabi at umalis na lang ako, minsan kasi nakakainis na eh, pero kinakaya ko, mahal ko kasi siya eh.

"Bro, layuan mo na lang kaya yang si Renee, sobra na kasi manisi tapos sobra pang pakipot." Sabi sakin ng kaibigan ko na si Kai, at napailing lang ako, at sinenyasan ko siya na hinaan ang boses niya, baka marinig ni Renee eh.

"Kai naman, kilala mo naman ako, di ako susuko hangga't di ko nakukuha yung taong mahal ko. Susuko lang ako pag siya na mismo ang umayaw." Sagot ko at tumango naman siya.

"Alam ko naman yun Xiu, pero kasi, yung mga taong tulad mo na ganyan magmahal, dapat dun napupunta sa taong magmamahal rin sayo." Dagdag niya bago siya umalis.

Siguro nga, dapat ako dun mapunta sa magmamahal rin sakin, pero pano kung si Renee yun? Pano kung mahal niya rin ako, pero pinagiisipan niya pa? Susukuan ko ba dapat siya?

***

Pagkatapos ng klase, pinuntahan ko si Renee. Yayayain ko siya para makipagdate sakin eh, hehe.

"Renee-" Tawag ko sana pero isang malaking simangot ang bumungad sakin.

"Ano naman ba?" Mataray niyang tanong sakin at napangisi lang ako. Ang liit niya, mas maliit pa kay Suho, tapos ang taray ng expression, ayon tuloy, instead na nakakatakot ang cute cute niya.

"Busy ka ba mamaya? If not, can I take you somewhere?" Pagpapakyut ko at mukhang nagulat naman siya.

"Sige, pero saan?"

Yes, napayes ko siya! Hehehehe...

"Basta, secret na yun. I'll pick you up at 5 pm." Kindat ko sa kanya bago ako umalis.

Pagnakita niya talaga kung san ko siya dadalhin para sa date na toh, sigurado akong sasagutin niya na ako.

***

Nang nag 5 pm na, nakarating na ako sa labas ng bahay ni Renee. Lumabas na ako at nagsimula nang maglakad papunta sa pinto. Sana naman maayos ang itsura ko, nakajeans, white t-shirt at jacket lang ako tapos Converse na sapatos. Nung nasa harap naka ako ng pinto, kumatok na ako.

Woo, kinakabahan ako. Wooooo, kaya ko toh.

Pagbukas ng pinto, nakita ko si Renee, nakacasual lang rin. Nakasuot siya ng simpleng white shirt, denim shorts, tapos white Vans, pero ang ganda ganda niya pa rin.

"Let's go?" Nginitian ko siya at tumango naman siya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok nako sa driver's seat. Medyo awkward nung simula, pero nagsimula ako ng conversation para makausap ko naman siya.

"Renee, alam mo, ang ganda ganda mo. Kahit nakasimpleng damit ka lang, nakakapatay na." Ngumisi ako sa kanya at nakita kong medyo namula naman siya.

"S-salamat." Sabi niya habang umiiwas ng tingin, pero nakangiti siya, at napangiti naman ako.

"Wala yun, pero alam mo, dapat mas lalo ka pang ngumiti. Mas gumaganda ka pa." Dagdag ko at kinurot niya ako habang namumula siya.

"Aray!" Nagpout ako sa kanya at tinawanan niya lang ako.

"Minseok, wag ka kasi malandi. Baka mabangga pa tayo." Pagsermon niya pero nakangiti siya.

Ang sarap pala ng pakiramdam na lagi ko siyang napapangiti, napapatawa, at napapasaya, sana lagi na lang kaming ganito.

***

Isang oras na kaming bumabiyahe at nakatulog naman si Renee. Nagsimula na ngang umulan eh, pero medyo malapit na kami dun sa venue ng date namin, mga kalahating oras na lang.

Pero habang nagdadrive ako, bigla namang bumagal yung kotse at tumigil. Tinignan ko yung gas pero puno pa naman. Pero ayaw gumalaw! Shet, wag naman ngayon, ngayon pa na first date namin.

Lumabas ako kahit umuulan at nalaman ko na yung battery pala yung problema, nakalimutan kong palitan ng bago. Pumunta naman ako sa sa likod ng kotse para tignan kung meron ba ako na sakaling extra, pero wala talaga.

Stranded kami ni Renee, tapos umuulan. Buti nalang Saturday bukas, walang pasok, pero shet, patay ako sa kanya.

"Xiumin?!" Narinig kong sigaw ni Renee at nakita kong lumabas siya ng kotse.

"Renee! Pasok ka! Mababasa ka at magkakasakit!" Sigaw ko pabalik.

"Ayoko! Ano bang nangyayari?" Tanong niya habang naglalakad papunta sakin.

"Yung battery ng kotse, namatay. Kailangan nating magpajumpstart sa iba, kaya stranded tayo." Sagot ko.

"Kasalanan mo toh eh! Kung di mo ko yinaya edi sana, di tayo masasastranded!" Sisi niya sakin, at uminit naman yung dugo ko.

"Ako na naman?" Seryoso kong tanong.

"Oo, ikaw!" Sigaw niya.

"Lagi na lang ako! Lagi na lang ako ang may kasalanan! Di mo ba naiisip na di ko kayang kontrolin kung anong mangyayari, ha?! Di ko naman ginusto toh eh! Di ko naman ginusto yung mga pagkakamali ko! Kaya wag kang umasta na lagi ako ang may kasalanan, ikaw nga tong laging galit sakin eh, tinitiiis ko lang, kasi mahal kita eh!" Galit kong sigaw sa kanya at narinig ko ang bawat hikbi niya.

"Xiumin... sorry, di ko kasi alam kung paano..." Sabi niya.

"Paanong ano?" Tanong ko.

"Kung paano ko itatago yung nararamdaman ko. Natatakot kasi ako eh, natatakot ako ng sobra. Ngayon lang kasi ako nakaranas ng may lalaking nagkakagusto sakin, at nagkataon pa na siya rin yung lalaking gusto ko, kaya di ko alam kung paano ako aasta." Sagot niya, at naramdaman kong tumalon ang puso ko.

Yinakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko yung noo niya.

"Sorry, mahal rin kita." Bulong ko sa kanya.

"Mahal kita." Bulong niya pabalik.

Siguro lahat ng pagtitiis ko sa pakipot na toh, worth rin. Kasi in the end, narinig ko na rin yung tatlong salita na matagal ko ng inaasam.

All Rights Reserved 2015.

Oneshot: Pakipot Lang Ba? >> Kim Minseok (au)Where stories live. Discover now