Jayefaire Hera Adies

10 1 0
                                    


It was sunny day.

The production team was busy on preparing the photoshoot. Maraming sikat na tao ang darating at kailangan naming maghanda. Kailangan ay maganda ang set namin para naman mailabas sa mga TV news ang pangalan ng team namin.

I was busy fixing my camera when one of the members of our team called me.

"Jayefaire! Kain muna raw tayo." aya nito sa akin. Tumango ako at iniwan ng maayos ang gamit.

I touched my arms and it's so hot. I need to wear my shades and put a lot of sunscreen. Masusunog na ang balat ko. I tried to cover my arms with my scarf but it still didn't help. Mas lalo lang uminit ang pakiramdam ko. Parang gusto ko ng maligo ng yelo. They were all waiting for me when I came to the tent. Nasa ilalim kasi ng puno.

"Nandito na si ma'am Jaye! Kain na tayo!" sigaw ng isa sa mga kasama namin. Siniko ako ng katabi ko. It was Renzee.

"Nuks! 'ma'am' daw!" bulong niya. Pabiro kong hinampas ang braso niya. Tumawa lang siya. Renzee is one of my batchmate when I was in college. Parehas kami na professional photographer kaso iba ang gagawin niya ngayon sa set namin. Model din siya kaya minsan ay ginagamit siya ng team namin for our projects.

We prayed before we ate. Nagpabili pa si Renzee ng sampung yelo dahil hindi na niya raw kaya ang init. Ako naman ay naglagay ng maraming sunscreen. Halos maubos ko na iyon.

"Sana umulan ng snow." Renzee said.

"Paulanan kita ng yelo riyan, gusto mo?" natatawang tanong ko.

"Ay bongga! Para naman maging Elsa na ako sa Pilipinas!" pagsabay niya. Napailing na lamang ako.

Nang dumatig ang yelong ipinabili ni Renzee ay humingi ako ng isa. Ayaw niya pang magbigay dahil siya raw si elsa at kailangan niya ng maraming yelo! Muntik ko na siyang batuhin ng yelo dahil doon.

"Let it go~" he started to sing like a crazy witch. Mukha siyang palaka. Yelo lang ang nagdadala ng pagka-elsa niya.

"Stop it. Walang snow sa Pilipinas kaya tigilan mo na 'yan." masungit na sabi ko sa kaniya. Hindi pa nag s-start ang aming team kaya nagpapahinga muna kami.

"Sama ng ugali mo." bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at aambang kukunin ang yelo ng umiwas siya at tumawa. This guy deserves an award for being a joker!

"Mamamo." bawi ko nalang at iniwan siya. Inirapan niya pa ako bago ako umalis.

I fixed my camera. The director said we will start in 5 minutes kaya nag ready na ang karamihan sa amin at natataranta.

Marami ng kotse ang dumarating. Puro mamahalin. Nakasuot sila ng pang summer at puro naka shades. The team greeted them with a cold expensive drink. The director besides me give me a drink too. Ayoko sanang tanggapin dahil hindi ko gusto ang flavor no'n pero ininom ko nalang pang pabawas ng init na nararamdaman ko ngayon.

Halos kumpleto na ang lahat ng may dumating pang isang kotse. It's white. Lumabas ang lalaking sa tingin ko'y ang hinihintay ng director namin. Maraming nag assist sa kaniya. Muntik na ko ng maihulog ang camera ko ng tumingin siya sa gawi ko. Umiwas ako ng tingin. I should focus on my work.

You need to focus, Jaye.

"Excuse me?" A beautiful lady asked me.

"Yes?" I smiled at her.

"Jaye, right? Can you please take a picture of me and my friend?" I'm not shocked when she knew my name. Kilala ko ang kaibigan niya. I nodded with a smile. Sinabihan ko silang magpose ng kung ano'ng gusto nila. They just smiled.

"Thank you! Ang ganda ng mga shots!" she compliment. Tipid lang akong ngumiti. "What's your name pala sa IG? I'll follow you!" tanong niya na sinagot ko naman. She's a famous model.

The man that is on her side is making me feel irritated. She thanked me after I gave her my name on IG.

"Wow, Jaye." said the man. Primo.

"Why?" I asked him.

"Nothing. You really followed your dream." aniya. Inirapan ko lang siya.

"Woah! Hanggang ngayon masungit ka parin! Grabi ka naman!" saad niya at umaktong nasaktan.

"I'm not happy to see you again." masungit kong sabi.

Napahawak siya sa dibdib at tiningnan ako na parang na offend siya sa sinabi ko.

"Ang sama! Parang kala mo hindi kita nilibre no'n ng fishball!"

"I don't care. Piso lang naman ang inilibre mo."

Inirapan niya ako na parang babae. Gumanti naman ako.

"Tingin ka sa likod mo, magiging dos na ililibre ko sa 'yo na fishball." utos niya at ngumiti.

Napatingin ako sa likod ko. It was him! Iyong nasa puting kotse! He's walking in our direction. My heart started beating so fast! I tried to act cool. Dapat professional. Trabaho ang ipinunta ko rito.

"Huy, what if-" tinapakan ko ang paa ni Primo. Wala akong pake kung bisita pa siya. Walang hiya siya!

"Aray!" maarte niyang sabi at pasimpleng hinampas ang braso ko. "Ex mo o-" umamba ako ng hampas sa kaniya kaya tumawa nalang siya. Masisira ko ang magandang pagmumukha nito.

Naka-set na ang camera ko at ready na sa photoshoot. I tried to take a pic. Maganda naman pero mas maganda kung sa tao ko talaga i t-try para makita ang angle na babagay.

"Primo! I need your help." tawag ko sa kaniya. Kaibigan ko naman ito.

"Ha?"

"Hatdog." inis na sagot ko.

"I need a model para mag practice ng pag t-take ng pics." saad ko.

"Hindi ako model pero ready ako." aniya. Pupwesto na sana siya ng may makita.

"Si Cairo nalang! Natatae na ako eh." palusot niya. Nagulat ako ng marinig ang pangalan na binaggit niya. I want to punch him so hard. Cairo is confused. Primo tried to explain it. Napairap nalang ako. Nandito ako para mag trabaho.

Cairo. . .

Ngumisi si Primo sa akin at nag peace. He's just like Renzee! Mag bestfriend sila! Parehong siraulo!

"Hey."

"Pumwesto kana." I tried to be cold.

"Okay po." he said. Napairap ako sa 'po'.

Ngumiti siya sa camera. He looks like a kid. Para namang pinilit siyang mag picture.

My heart wants to melt. Maayos naman ang mga kinuha kong shots at magaganda ang anggulo. Kailangan ko pang ayusin.

"May I see?" tanong niya. Iniabot ko sa kaniya ang camera. He smiled when he saw the shots that I took. Walang pinagbago, guwapo parin.

"It's beautiful po." aniya. Tipid lang akong ngumiti. "Can I take pictures din po?" he asked. Tumango nalang ako at hinayaan siya. Pinanood ko nalang ang ibang model na pinipicturan ng team.

"Tapos kana? I'll take pictures of you. Iyong formal pose naman po." sabi ko. Sinubukan kong hindi maging masungit. He handled me back my camera.

When I said formal, sineryoso niya talaga. He seriously looks at me. Hindi ko alam kung sa akin o sa camera siya nakatingin.

That time. . . I already knew that my heart is captured.

_____________

•jay-feyr•

Captured Hearts (April Series #1)Where stories live. Discover now