Chapter 53: Bothered

Começar do início
                                    

"Well, I'm honored," Samantha said shyly.

Of course, she has to act!

Tsk.

Dapat talaga sinamahan niya mag-audition ang mother-in-law niya. Sayang ang talento niya sa pag-arte, aba.

"It's his honor that you fancy him, really,"

Samantha lowered her head. It seems that the woman in front of her is very enthusiastic about her relationship with Arem.

"Oo nga pala nakausap ko na si Silang about sa Sandoval family, if you guys want, we can all go to the Rivera family to—," sandaling napatigil sa pagsasalita ang magandang abogada dahil sa cellphone nitong nagba-vibrate sa loob ng bulsa nito. "I'll answer it first,"

Kaagad namang tumango si Samantha. Sinundan niya ng tingin ang babae bago siya bumaling sa triplets na nakatitig sa kanya at hindi niya mapigilang magtaka dahil parang on guard ang pagkakatingin ng mga ito sa abogada na kaibigan ng kuya nang mga ito.

"What's the problem?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

Masyado siyang abala sa pakikipag-usap kay Attorney Pilar, at nag-aalala siya na baka mahalata nito ang lihim nilang dalawa ni Arem kaya naman naka-focus lang siya dito habang nag-uusap sila.

Kahit na maayos na nakikipag-usap si Samantha dito, hindi niya mapigilang maging vigilant dahil pakiramdam niya ay inoobserbahan din siya nito ng matiim.

Kung may motibo man ito o wala sa magandang pakikitungo na ginagawa nito, hindi iyon mahulaan ni Samantha. Basta ang masasabi lang niya, it's not imposible for the beautiful lawyer to fall in love with Arem, after all, that guy looked so good that even if he became a house husband, Samantha would willingly work hard just to support him. Anong malay niya, baka ganoon din ang iniisip ng abogada.

With her current job as a lawyer, she can afford to raise him.

"W-wala kaming problema ate. Medyo naiilang lang po," kaagad na sagot ni Arya.

Tumingin naman si Samantha sa dalawang binatilyo para makita kung ganoon din ba ang opinyon ng mga ito. Magkasabay naman na tumango ang dalawa.

"Okay, pagkatapos nito, ihahatid muna natin si Nanay Siony then pupunta tayo sa bahay ng mga pinsan niyo. Are you prepared?" Tanong ni Samantha sa mga ito.

Sabay-sabay na tumango ang tatlo. Pero bago pa sila magsalita ay kaagad ng nakalapit si Attorney Pilar sa kanila.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Samantha sa abogada. She can clearly see the troubled expression on her face.

"It's about your uncle,"

Uncle?

Sinong uncle?

Sa pagkakatanda ni Samantha. Hindi naman niya ka-close ang uncle niya sa dela Vela family. At mas lalong hindi niya kilala kung sino ang mga uncle niya sa Salvador family.

"Uncle?" Hindi niya mapigilang itanong.

"Your uncle-in-law. Arem's uncle. Mr. Gustavo Herrera. Mrs. Amanda's husband,"

Lalong kumunot ang noo ni Samantha. Hindi kaya totoo ang hinala niya na may lihim na pagtatangi ang abogadang ito kay Arem kaya hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito? Bakit hindi kaya nito tapusin ang sinasabi para hindi siya nag-o-over think, ano?

"Inako niya ang lahat ng kasalanan. Sumuko siya sa pulisya at sinabi niyang inudyukan niya lang ang kanyang asawa na kapatid ng mother-in-law mo na kuhanin ang lahat ng mga ari-arian na nasa pangalan ni Arem. Dahil siya ang nakapirma sa lahat ng mga transaksyon, ikinulong siya ng mga pulis pero pinalaya si Ginang Rivera. Umalis na sila sa villa na pag-aari noon ng mommy ni Arem at pinaalis na rin nila ang lahat ng mga umuupa sa apartment complex. Hindi sila makasuhan dahil walang ibedensya laban sa kanila at tanging si Mr. Herrera lang ang pwede nating kasuhan sa ngayon,"


Napakagat-labi ni Samantha.

"Nasaan na sila ngayon?"

"According to my source, lumipat na sila sa Capital. May sarili silang negosyo at bahay doon,"

"Nakapagpatayo sila ng negosyo at nakabili ng bahay dahil sa ilang taong pamamalakad sa mga negosyong hindi naman para sa kanila. They really are a cunning bastards," halos pabulong na anas ni Samantha.

She narrowed her eyes. She's not expecting this outcome at all.

"Sinabi ko na kay Arem ang tungkol dito at ang sabi niya ay umuwi na lang muna kayo. Gagawa siya ng paraan para ibalik ng mga taong 'yun ang mga ninakaw nila,"

Sandaling natigilan si Samantha.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi siya komportable sa kaalamang may kontak ito at si Arem. Pero wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang sang-ayunan ang babaeng kaharap at pasalamatan ito sa tulong na ibinigay nito sa kanila.

"Thank you. Ihahatid muna namin si Nanay Siony at pagkatapos ay uuwi na rin kami,"

"Your husband paid for my services, so I must help you. It's no big deal,"

Samantha smiled. But it never reached her eyes. Though this woman kept on calling Arem 'your husband', she was still bothered. And she didn't know why she had to feel that way.

Perhaps because she can tell that the two of them are close?

Or because she's not aware of their past?

But, as a wife on paper. Wala naman siyang karapatan na magtanong, magtaka at mas lalong wala siyang karapatan na makaramdam ng ganito.

She's a fake.

And sooner or later, she and him will get a divorce.

Samantha took a deep breath.

It's fine, it's fine. As long as hindi ka niloloko ng harap-harapan, magpanggap kang walang alam. Rendahan mo 'yang damdamin mo Samantha. Hindi magandang sign 'yan. Dahil sa totoo lang, wala kang karapatan.

Muling huminga ng malalim si Samantha matapos sermunan at kastiguhin ang sarili. Pagkatapos ay ngumiti siya ng matamis sa babaeng kaharap.

"Thank you for your help, Attorney Pilar. Pakisabi kay Sir Silang, maraming salamat sa tulong niya. Ihahatid muna namin si Nanay Siony," ani Samantha habang nakangiti. Taos sa puso ang pasasalamat niya. Dahil nakikita niya naman na genuine ang pagtulong na ginawa ng dalawa.

Kahit na may pagdududa siya sa relasyon ng mga ito sa bawat isa, hindi niya pwedeng pagdudahan ang serbisyo ng mga ito para sa mga inosenteng kagaya ni Nanay Siony.

Matapos magpaalam dito ay nagpatiuna na si Samantha sa kotse nila. Pinaupo niya sa tabi niya si Nanay Siony habang magkakatabi naman sa likod ang triplets.

Even though Samantha is feeling a bit down, she doesn't show it on her face.

Nakangiting nakipag-kwentuhan siya kay Ginang Siony.

Habang nasa byahe sila ay ikinuwento niya rito ang lahat ng mga pagbabagong gagawin ni Arem sa farm at sa palayan.

Excited na nakinig naman si Ginang Siony. Hindi niya mapigilang umasa para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang mga anak. Lalo pa at sinabi ni Samantha na plano ni Arem magpatayo ng Elementary School at High School sa kanilang lugar para hindi na kailangang magpunta sa Siudad ng mga estudyante nila doon. Limang barangay din ang malayo sa paaralan. Kaya naman bilang mga magulang na gustong itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak, nagtatiyaga silang lahat na papasukin ang mga ito kahit na napakalayo pa nila sa Siudad.

Kung mangyayari nga ang plano ni Arem. Pati ang karatig baranggay ay matutuwa dahil sa ipapatayong paaralan.

Sa nakikitang saya sa may edad na mukha ng magsasakang si Ginang Siony, pansamantalang nakalimutan ni Samantha ang iniisip niya.

Dahil kung ikukumpara naman iyon sa pinagdadaanan ng mga taong ito, pakiramdam ni Samantha ay napaka-insignificant ng bagay na pinoproblema niya.

Hindi nga ba at divorce naman talaga ang inaasahan niyang magiging ending ng pagsasama nilang dalawa ni Arem?

So para saan 'tong pagdadrama niya?

Wake up, Sam. This is not your world. Sooner or later, you'll have to wake up to reality.

The DivorceOnde histórias criam vida. Descubra agora