Kabanata 1 (Warning)

1.5K 33 1
                                    

Kabanata 1: Aia's Pov








“Kumusta ang kiffy mo?!” 



Napatayo pa si Fresly.



Hindi ko naman kinukwento sa kaniya ang buong nangyari sa condo ng lalaki. Pero ganito na ang naging reaksyon niya. 



“Hindi ko alam kung saan ako mag-aalala sa'yo.” Umupo siya sa tabi ko, problemado masyado. 


“I'm sorry, Fresly… Hindi ko talaga sinasadya. Promise mag-iingat na ako.”


“Dapat lang. Naku, Aia, hindi mo pa kilala ang lalaking iyon. At mas lalong wala kang alam tungkol sa kaniya.” 


“P’wede bang…”


“Hindi p'wede!” 


Napasimangot ako. Wala pa nga akong sinasabi, e. 


“Kung a-absent ka mamaya, hindi talaga p'wede, Aia. Oras na umabsent ka, papalitan ka agad ng manager. Lalo na at bago ka pa lang at may mga naghihintay na magkaroon ulit ng pila sa pagwi-waitress sa bar na iyon.”


Napabuntong-hininga ako. 


“Oras na matanggal ka…mahihirapan ka ng humanap ng trabaho rito.” 


Para akong binagsakan ng langit at lupa ngayon. Sino nga ba ang tatanggap sa akin rito, eh, high school graduates lang ako. 


“Wala ka na ring makukuhang trabaho na medyo malaki ang sahod.”


Malaki na ang one thousand five hundred ko sa isang araw sa bar na iyon. At kung may tip pa ang customers sa akin ay malaki laki pa ang makikita ko. 


Kahit pakiramdam ko ay lalagnatin ako, pumasok ako. Pinatawag pa ako ng manager. Inaasahan ko na pagagalitan nila ako, pero nagpasalamat lang ako nang sabihin nilang wala akong babayaran sa mga nasira ko kagabi dahil binayaran na raw iyon. Hindi ko alam kung sino, pero pasalamat na lang din ako dahil hindi makakaltasan ang sahod ko. 



“Bawal dito ang bastusan. Lalo na ang bastusin ang waitress,” saad ni Kera.



“Pina-demanda na ni Madam ang nang-harass sa'yo kagabi, Aia. Mabuti at kilala ang lumigtas sa'yo,” sabi naman ni Tin.


Mga bartender na kilala ko sa bar na ito. “Sana ‘wag ng maulit para walang gulo,” sabi ko. 


“Sana nga.” 


Nagpasalamat ako sa dalawa matapos kunin ang tray ng inumin. Dinala ko iyon sa table na humingi kanina nang madaanan ko.


“Kumusta?”


Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaki sa table na pinagdalhan ng inumin. 


Ngumisi siya sa naging reaksyon ko. 


“Kung ako sa'yo, bumalik ka na sa quarters niyo at magpalit.” 


Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inayos ko na lang ang mga inumin sa table nila at niyakap ang tray. 


“Thank you, sir.” Bahagya akong yumuko sa kanila. 


Pagtalikod ko sa kanila ay sumalpok ako sa matigas na dibdib. Nalanghap ko agad ang pamilyar na pabango. Bumilis agad ang kalabog ng dibdib ko. 


Iiwas na ako para lampasan siya ngunit agad akong pinigilan ng kamay niyang lumipad sa baywang ko. Napapikit ako. Jusko naman, hayaan niya na lang ako, please, please, please.


“Running away from me again, huh?” saad niya. 


Anong sasabihin ko?! 


“H-hindi naman ako tumatakbo.” 


“Magpalit ka na.” 


Kumawala ako sa kaniya. Taas noo ko siyang tiningala. “Mukha mo magpalit,” sabi ko at nilampasan siya. 


Dali-dali akong bumalik sa bar island. Hindi ko na napansin ang mga sinasabi nina Kera at Tin sa akin dahil sa inis sa lalaki. Pursigido akong magtrabaho pa. Sino siya para sundin ko! 



Pumunta ako sa ibang table para mag-alok ng drinks.


“Sir, drinks pa po?” 


“Oh, sakto. Yes, miss, please–,”


“She’s off now,” sabat ng kalalapit lang na lalaki. 



Paglingon ko ay halos magdikit na ang katawan namin. Nilapitan ng isang waitress ang mga inumin na dala ko. Pagbaling ko sa customers ay kumunot lang ng saglit ang noo nila at binaling na sa iba ang atensiyon. 



Hinila ako ng pakialamerong lalaki papalayo sa table. Nang dumaan kami sa medyo madilim na parte ng bar ay binawi ko ang kamay ko. 


“Dinaig mo pa ‘yung nambastos sa akin kagabi sa ginagawa mong ito sa akin ngayon.” 


“I just taking you home,” aniya. 


Home. Home niya mukha niya. 


“Sino ka at para gawin ‘yun?” 


“Kailangan bang may papel muna ako sa buhay mo?” 


“Oo!” 


Sira ulo ba siya? Alangan namang hayaan ko siyang manggulo sa akin kung hindi ko naman siya kaano ano? Ni hindi ko siya kilala. Maski pangalan niya ‘di ko alam!


“Bukas ko dadalhin ang papel,” sabi niya at hinila na naman ako. 



Ano ba ang nakabara sa utak niya?! 



Binawi ko ulit ang kamay ko bago pa kami makalabas. “P'wede ba, lubayan mo na ako?” 


Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Wala akong mahawakan sa likuran upang mabalanse ang katawan, kaya napahawak ako sa balikat niya. 


“Magwi-waitress ka rito o pakakasalan mo ako?” 


Nanlaki ang mata ko. “Magwi-waitress–,”


“Sinabi ko bang mamili ka?” 



Ha? 



“Wala ka ng kawala. Nandito ako para dakpin ka.” 



Mas napahigpit ang hawak ko sa balikat niya nang lumapit pa siya at yumuko para pantayan ang tingin ko. 



“Hindi ko masasabi na isang pagkakamali ang nangyari sa atin kagabi…” 



Nagsimulang manlambot ang tuhod ko. Pinapaalala niya pa talaga! Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa.



“If that was a mistake for you…then it will be your beautiful mistake, darling.” 




To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #2)Where stories live. Discover now