CHAPTER TWO

10 2 1
                                    

3 months later..

“congrats sa bagong kasal!” bati ng mga tao na nakidalo sa kasalan

“congrats vince,pare” kanyang kanya lapit ang mga ito para bumati sa bagong kasal,makikita mo sa mukha nila ang saya at kung gaano nila ka tanggap ang kasalan na nangyari.

habang ako tulala at wala sa sariling nakaupo sa wheelchair habang nakikinig sa mga taong nasa paligid ko,para akong nasa gitna ng mga taong nagsisayawan sa tuwa hanggang sa ang makikita ko nalang ang mga galaw nilang kasingbilis na naging blurred nasa panangin ko.

bakit ba ako nandito?

“congrats anak,vince alagaan mo ang anak ko ikaw na ang bahala sakanya mahal na mahal ko to” kahit malayo sila saaken ay naririnig ko pa din ang boses nila.

“salamat nay, mahal na mahal din kita”

sana namatay nalang ako sa mga oras na yon magkasama sana kami ng anak ko ngayon hindi tong mga taong akala ko magiging kakampi ko sa lahat.

“congrats leah and vince! congrats sa newlyweds!” sobrang sakit sa sobrang sakit hindi ko magawang umiyak para akong namanhid sa nangyari una ang pagtataksil nila saaken,pangawala ang pagkawala ng anak ko sa disgrasya.

nakuha pa nilang magpakasal pagkatapos.

ang akala nila wala na akong nararamdaman ang akala nila ay ayos lang saakin ang lahat pero ang hindi nila alam ay gabi gabi kong iniiyakan ang nangyari,gabi gabi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari.

next month ikakasal ako sa taong hindi ko kilala,natupad din ang gusto ni mama.

“isulod na si aya sa iyang kwarto day” utos ni mama sa babaeng kasalukuyang mag aasikaso saaken

“tara ma'am pasok na daw tayo” pagkarating ko sa kwarto ay agad akong nagpatulong sa kasama ko na maihiga sa kama dahil pagod na pagod ako pero kahit anong gawin ko para lang makatulog ay hindi ko magawa dahil rinig na rinig ko sila sa labas,pero mas nangingibaw ang boses ng lalaking dapat ay para saaken nasasaktan lang ako dahil  ngayon ko lang ulit narinig na ganon siya ka saya.

Ganon ba siya sa ka saya sa kapatid ko? ilang taon niyang tinatago na hindi na pala siya masaya saaken? bakit wala siyang sinabi? e di sana tinulungan ko siya hindi na sana siya masaksaktan at magtiis ng ganoon katagal.

nakakatawa dahil mas iniiisip ko pa ang ang nararamdam niya sa kabila ng lahat.

pero ang pinalamalaking katanungan na nasa isip ko ay kung bakit? ginawa ko naman lahat ano bang meron sa kapatid ko na wala saaken?  naging mabait akong kapatid simula pa lang naging mabait din akong anak.
bakit?

kinakain na ako ng kalungkutan hindi ko na alam kung nasa tamang pag iisip pa ba ako,unti unti kong ginapang ang papuntang bintana hirap na hirap ako sa sitwasyon dahil hindi ko magawang hilaan ang sarili ko sa bigat mas lalo pa akong nahihirapan sa sobrang sakit na nararamdam wala akong magawa kundi iyak ng iyak at parang mawawalan na ng hinihinga

hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakaupo na ako na pala ako sa bukana ng bintana,wala paring tigil sa kakaiyak makakasama ko na rin ang anak ko don lang siguro ako sasaya kasama siya..
ng tatalon na ako ay biglang may humila saaken pabalik sa loob naramdam ko nalang ang sakit sa braso ko ng tumama ito sa sahig

“vince!” ? nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at napalakas ang pagtulak dahilan para gumawa ng malakas na tunog

“vince ayos ka lang?” narinig kong sigaw ni leah anong ginagawa niya dito? kaya napaangat ako ng tingin gulat pa akong nakitang ginigising ni leah vince na nakahilata sahig

Anong nangyari?

“ikaw!”bigla nalang lumapit saaken si leah at Malakas na sinampal

“anong ginawa mo?! kahit anong pagmamakaawa mo kay vince at kahit magpakamatay ka pa diyan wala ng paki sayo yong tao! kaya pwede wag kang mag inarte!” hindi ko alam kong anong nangyayari sa lakas ng sampal niya ay para akong nahilo saglit parang mawawala ang pandinig ko

“leah! anong nangyayari dito?” biglang nagsidatingan yung ibang Kasama sa bahay at tinulungan si Vince na buhatin pababa ng bahay

“ma'am,ayos ka lang wala bang masakit sayo?” nag aalalang lumapit saaken ang kasama ko kanina

-----

pagkatapos ng gulong yon ay nag desisyon sila na kailangan ko ng umalis ng bahay pero dahil nakaupo pa ako sa wheelchair ay mukhang matatagalan ang gusto nila dahil hindi muna ako kukunin ng mapapangasawa ko hanggat hindi pa ako nakakalakad.

kaya ginawa nila ang lahat para mapadali ang recovery ko.

“nababaliw na siguro ma nako pag yan natuluyan hindi na yan kukunin dito,at kung mangyari yon tayo ang mag aalalaga diyan buong buhay” siguro nababaliw na talaga ako dahil walang araw akong hindi umiiyak at nagwawala..

napapadalas kasi ang masama kong panaginip at tungkol lagi sa nangyari nong araw ng aksidente.
hindi ko parin matanggap hanggang ngayon ang pagkawala ng anak ko.




shattered hearts series #1 Ruthless him Where stories live. Discover now