Chapter 197: The Missing Piece

2K 204 162
                                    

X: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Taking this opportunity to promote Hunter Online book 1, grab your copy now! It covers the whole Battle Cry arc (Chapter 1-52)

Votes, Comments, and Sharing the story is highly appreciated. Thank you!

"WHAT are we going to expect to the Philippine representative for this competition?" Tanong sa akin ng isang reporter at kabi-kabilang flash ng camera ang tumama sa aking mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHAT are we going to expect to the Philippine representative for this competition?" Tanong sa akin ng isang reporter at kabi-kabilang flash ng camera ang tumama sa aking mata. Nasa press conference ako kasama ang mga captains ng iba't ibang team para sa nalalapit na Hunter Online International Tournament.

"We come prepared for this tournament." I assured to them. "Our lineup composed of the strongest players from different local team in the Philippines. We built a lot of strategy and we have a lot in our plates that we can offer to give a good fight." Paliwanag ko.

Umaga pa lang kanina ay kinakabahan na agad ako sa presscon na ito dahil nakakatakot magkamali sa ganitong kalaking event lalo na't napapanood ito internationally. Ang lala pa naman ng cancel culture sa social media at isang maling salita ko lang ay maaari nitong masira ang reputasyon ng Pinas globally.

"Can you give us a hint on what are your plans for this match?" Pabirong tanong ng isang press people.

"Just watch our future matches and we will surprise you." Sagot ko. I chose the safest answer lalo na't kasama ko ang iba-ibang captains sa presscon na ito.

The tournament don't start yet pero nagsisimula naman na kaming pakiramdaman ang isa't isa. Hindi kami tanga na maglalapag ng plano namin sa harap ng libo-libong manonood.

Ang mga kalahok sa pinakamalaking tournament na ito ay ang China, Philippines, Malaysia, Indonesia, Japan, Korea, America, Singapore, Thailand, India, Canada. We are not representing our team anymore, nirerepresenta na namin ang kaniya-kaniya naming bansa.

Nabaling ang tanong sa ibang team at nakahinga na ako ng maluwag. Nabaling ang tanong kay Liangzhi na Captain ng China team. China team is one of the biggest threat pagdating sa competition na ito, I mean, that's China! Halos karamihan ng online game sa mundo ay sila ang nananalo.

"Any message for your opponent, Liangzhi?" Reporter asked.

He just smirked. "Tāmen hěn ruò. Wǒ jiāngyào yíng." Sagot niya at bahagyang natawa. Hindi ko man iyon naintindihan pero alam kong minaliit niya ang bawat isa sa amin.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at pasimoleng nag-type.

Milan:
Anong sinabi ng Captain ninyo?

Pekeng Chinese:
Wow bilis mag-type ah. Threaten ka samin no? HAHAHA

Milan:
Feeling ko palong-palong mang-trashtalk 'tong Captain ninyo. 😂

I need translation from my favorite teammate. 💖

Pekeng Chinese:
Ulol, malamang favorite mo ako kasi wala ka lang choice kasi teammate mo ako sa Battle Cry at Orient Crown

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon