XIV. Confession

7 2 0
                                    


Umilap ang mga mata ni Sunoo, habang napapayuko ang ulo niya.

"Save?"

Napatingin siya kay Ni-Ki at muling pinagmasdan ang leeg nitong maasul na lila.

"Wae? Why did you risk your life to save me?"

Muling sumagi sa isipan ni Sunoo ang ginawa ni Jungwon no'ng araw na maaksidente sila. Napakunot ang noo niya at tila isang matinis na sipol ang rumirindi sa tainga niya. Napahawak siya sa siderail ng higaan ni Ni-Ki at napasuray nang bahagya.

"Okay ka lang?" Napalapit si Jay kay Sunoo at saka na hinawakan ang likuran nito. "You should lay down."

Napailing si Sunoo. Naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga. Hindi niya gustong humiga at tumingin sa apat na sulok ng silid na ito. Laying down in a hospital room just reminds him of the things he could have done to save Jungwon, rather than comfortably sleeping on a bed. And now, it reminds him of how another person saved him from death while he's unconscious.

"G-Gusto kong lumabas," aniya ni Sunoo.

"Sige. Sasamahan kita," alok ni Jay.

Umiling muli si Sunoo. "I'll go by myself, hyung."

"Sigurado ka?" pag-aalala ni Jay.

Tumango si Sunoo.

Napahinga na lamang si Jay. "Arasseo. Pero bumalik ka kaagad."

Tumango muli si Sunoo at dahan-dahang naglakad palabas mula sa silid. Sinundan na lamang ito ng tingin ni Jay hanggang sa tuluyan nang nakalabas si Sunoo mula sa kwarto.

Pagkalabas ni Sunoo ay napahawak siya sa pader para suportahan ang sarili niya. Pakiramdam niya ay ilang araw na siyang nakahiga, dahil walang lakas ang mga binti niya. Napatingin siya sa mga naglalakad na tao sa pasilyo. Hahakbang na sana siyang muli nang may humawak sa braso niya. Agad na napalingon si Sunoo. Napatingala siya sa isang lalake na nakasuot ng puting kapa na may istetoskopyong nakasabit sa leeg nito. Malawak ang ngiti nito, habang nakaalalay sa braso ni Sunoo.

"Need help?" tanong ng lalake.

Napatingin si Sunoo sa I.D. na nakasabit sa kapa ng lalake. "Dr. Sim Jaeyun," pagbasa ni Sunoo mula sa isipan niya.

Muli siyang napatingala sa lalake. Mailap si Sunoo sa mga tao, lalong-lalo na sa mga hindi niya kilala, pero sa hindi malamang dahilan ay magaan ang loob niya sa lalakeng ito.

Napatango si Sunoo sa doktor.

"Where do you want to go?" tanong nito sa kanya.

"I... I want to breathe," tugon ni Sunoo.

"Alright," ngiti ng doktor sa kanya at saka na inalalayan nito si Sunoo.

Matapos ang maraming hakbang ay unti-unti nang bumabalik ang lakas sa binti ni Sunoo. Pagkalabas nila sa hardin ng ospital ay binitawan na siya ng doktor. Napahinga naman nang malalim si Sunoo, habang dinadama ang sariwang hangin. He could finally breathe.

"Shall we sit?"

Napalingon si Sunoo sa doktor na nakangiti sa kanya. Tumango na lamang siya at saka na nagtungo sila sa mga bakanteng bangko.

Umupo si Sunoo sa isang mahabang bangko, habang umupo naman ang doktor sa kabilang bangko na katabi nito. Pagkaupo nila ay napapikit si Sunoo. Napahinga siya nang malalim at saka na muling inalala ang hitsura ni Ni-Ki kanina. Napatungo siya, sabay lagak ng mga siko niya sa binti niya. Matapos ay isinandal niya ang noo niya sa dalawa niyang mga kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blossom (SunKi AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon