Nagpaalam na rin si Hayden matapos ang maikling pag-uusap nila sa cellphone. Matapos iyon ay napatulala si Irene at nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Noong nabanggit ni Hayden ang tungkol sa pagkakaroon nila ng baby ay naramdaman niya kung gaano nito kagusto na magkaroon na sila ng anak. Nakakalungkot lang na hindi pa sila binibiyayaan ng baby.

Naniniwala si Irene na magiging isang mabuting tatay si Hayden dahil sa kaniya pa nga lang ay napakabuting asawa na nito.

Sa totoo lang ay isa sa ikinakatakot niya bago naging sila ni Hayden at nanliligaw pa lamang ito ay baka masaktan siya nito. Sa gwapo at estado sa buhay ni Hayden ay hindi imposible na maraming babae ang umaaligid dito. Napakadali rin para kay Hayden na mang-akit ng ibang babae. Natatakot siya na baka lokohin siya ni Hayden. Ngunit nagkamali siya sapagkat kahit isang beses ay hindi niya naramdaman na niloloko siya ng kaniyang asawa.

Hindi siya binigyan ni Hayden ng dahilan upang magselos siya sa ibang babae. Kahit minsan ay hindi niya naramdaman na may ginagawang kalokohan ang kaniyang asawa.

Alam nito kung paano iparamdam sa kaniya na siya ang pinaka magandang babae sa mga mata nito.


-----ooo-----


ALAS OTSO ng gabi ang dinner sa bahay ni Naomi. Thirty minutes bago ang dinner ay nandoon na si Irene. Simpleng odl rose venus cut dress ang suot niya. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang buhok. Pearl accessories ang kaniyang piniling alahas.

"Wow! You're always beautiful, Irene!" Salubong ni Naomi sa kaniya.

Napakaganda at sexy ni Irene sa suot nitong red silk dress na V-neck. Lantad ang malalaki nitong dibdib.

"Wala nang mas gaganda pa sa iyo, 'no!" Nakipagbeso siya kay Naomi at pagkatapos ay binati niya ito ng happy birthday.

"Thank you! By the way, where's Hayden?"

"Nasa office pa niya. Pero mamaya ay nandito na rin siya."

"'Yang asawa mo, ha. Masyadong busy sa work. Baka naman napapabayaan ka na niya," ani Naomi habang naglalakad sila papunta sa dining area.

Napakalaki ng bahay ni Naomi. Very classy and modern ang style.

"Hindi naman. Mas okay nang sa trabaho siya nagpapaka-busy kesa sa ibang babae." Biro niya.

"Sure ka bang walang iba? Joke lang!" Tawa ni Naomi. "Wala naman sa personality ni Hayden ang magkaroon ng kabit. Anyway, ikaw ang pinaka unang dumating. As usual, late na naman ang iba."

Para may ginagawa si Irene ay tinulungan niya ang dalawang kasambahay ni Naomi na mag-ayos ng table. Maya maya ay isa-isa nang dumating ang iba pang bisita. Lahat sila ay nakatira sa subdivision na iyon. Isa na roon si Madel na kilalang tsismosa sa lugar nila. Ito ang palaging nag-i-spill ng tea sa kanila.

Hindi nagtagal ay inumpisahan na nila ang birthday dinner ni Naomi. Lahat ng handa nitong pagkain ay masarap. May seafood platter, steak, chicken alfredo at dark chocolate tart para sa dessert. Ipinagmalaki ni Naomi na ito ang nagluto ng lahat ng handa niya.

"Mag-aasawa ka na ba ulit kaya bigla kang nagkaroon ng skills sa pagluluto?" tanong ni Madel kay Naomi. Nanlalaki pa ang mga mata nito.

"Asawa agad? Hindi ba pwedeng inspired lang?" Hindi naiwasan ni Naomi ang kiligin.

"Naku, Naomi, huwag ka ngang magbibigay ng information diyan kay Madel! For sure, bukas ng umaga ay alam na lahat ng nakatira rito sa village ang sasabihin mo sa kaniya. Pati iyong mga guards at garbage collector!" singit ni Teri.

The Innocent WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora