Pagkatapos no’n ay nagpasunod agad ako sa driver namin, sakto na pagka-uwi ko sa bahay ay nakatulog agad ako dahil sa pagod. Nagising ako sa madaling araw at napasilip sa cellphone ko nung tumunog ito.

Eni_pascual posted a picture.

She just smiling in the picture with an attached song. Nakatitig lang ako ro’n habang naka play sa background ang Santa Tell Me by Ariana Grande.

I scrolled down in her comment section boredly and stucked with that one comment.

Belly0123: @Rouis00 punyeta roylan gumising ka *-*

Naningkit mga mata ko. What? Are they together na? Wala akong nabalitaan ah. . . Mas lalo akong nakuryoso hanggang sa umabot na ako sa mismong account ni Roylan. May isang post siya ro’n na nasa library siya at mukhang stolen shot pa ’yon.

“Dumbass. . .” I said out of nowhere. Aalis na sana ako sa application no’ng aksidente kong napindot ang heart sa post niya. And that post was months ago! Goddamn it.

Napasabunot ako sa buhok ko at blinock nalang siya para walang problema, at minamabuti ko na dinelete ko na ’yong application na ’yon para hindi ko na ma-open at maalala ’yong nakakahiyang ginawa ko.

Everything went smoothly. Nakalimutan ko naman ’yong nakakahiyang ginawa ko at ngayon ay nakahalubilo na ako sa mga kaklase ko habang dala-dala ang mga regalo namin. Our plan for the party works, mabuti at tama rin ang mga naka-assign na pagkain na dinala nila. Kahit ang pa-games ay sakto rin sa plano — pero boring nga lang. I didn’t participate any games during the party.

When it’s time for the ‘manita-manito’, tumayo na ako para sabihin sinong nakuha ko since everyone here hide their identity with their codenames kaya kailangan i-aanounce sa gitna para malaman nila.

“Blacknight. . .” naghiyawan agad sila at nagtitinginan kung sinong tatayo kung kanino man ang codename na ’yon. I saw how Roylan immediately stood up shyly, everyone clapped their hands and even called Enitha to tease him. I blinked twice as I reach my gift to him.

Sayang, mas mabuti kung bato nalang ’yong ni-regalo ko.

Ramdam ko agad na nawalan ako ng gana makihalubilo na, parang na-drain bigla ang social battery ko kahit wala naman akong masyadong ginawa. My eyes immediately went to Enitha who’s silently sitting at the side waiting for her turn to speak in front.

She’s wearing a pink dress. Parang pang korean ang dress na may strawberries design at may malaking boots siya na puti. I heard earlier that she’s pulling off a barbie theme style. Wala namang dress code na nabanggit sa plano namin, kaya ayon iba-iba na damit ng mga tao dito. Someone even wore an olaf suit, feeling ko nga ma-featured siya sa school at baka ma-lagay sa year book dahil epic na epic ang suot niya. I’m just wearing a simple blue polo shirt, naghihinayang nga ako, I wanted to wore pink earlier when mommy told me that Enitha wore pink pero hindi ko na lang ’yon ginawa dahil baka mag-assume siya na ginagaya ko siya?

I immediately stood up and get some drinks when I accidentally saw Roylan outside holding my gift. I scoffed, I bet he can buy that, why he’s so fascinated as if he didn’t experienced recieving that kind of gift on his entire life. Tinignan ko pa siya hanggang sa sinukat na niya ’yon at tinignan ng maagi. Napakunot lang ang noo ko, gaano ba kaganda ang regalo ko. . . parang sapatos lang? I shrugged my head.

Hindi ko na ’yon masyadong iniisip, maybe he didn’t expect to receive those kind of gift. Baka nga akala niya mareregalohan siya ng bato, kahit ano ba naman ang sinulat sa wishlist.

After the hell ass party, nagsimula na kami maglinis dahil bukas ng umaga ang party para sa buong school. And as expected, Enitha didn’t bother talk to me, hindi na rin ako nag abala na makipag-usap sakanya siguro siya na itong galit sa akin.

Us Again (Losers Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن