Chapter 5: First encounter

Start from the beginning
                                    

Kita ko ang pag-kabigla nito ng makita kami.

“Guys, meet our parents and Tito's.” Saad ni Clementine sa exciting na boses.

“Mom, Dad. This is Aiden, Dashiell and Daphne their twins. Cousin naman nila si Aiden.” Si Liam ang nag-pakilala saaming tatlo na siya namang niyukuan namin upang gumalang.

“Aiden..? Ow! Ikaw ba yung nag-iisang anak ni Calvin?” Pag-tatanong bigla nung mother nina Liam sa akin na ngayon ang lahat ay sa akin ang tingin.

“I am.” Maikli kong tugon at walang emosyon ko lamang itong tiningnan.

“I'm Christian Marquis Pascua Ramos–Galvez and I am your mother's friend. Call me Tita Chris na lang.” Pakilala nito sa akin bago ako yakapin gano‘n rin ang kambal.

“This is my husband his name is Lucas Gavin Cortez Galvez ang Daddy nila Liam.” Pag-papakilala nito sa asawa niyang seryosong nakatingin sa direksiyon ko.

What's wrong with him?

Doon ko nakitang nilingon niya ang katabi nitong lalaki na nakatingin rin pala sa akin pero doon ko lang napansin na mag-kahawig kami ng taong yun.

Or ba ka coincidence lang?

“Mom, punta na po kami sa taas dahil gagawa na po kami ng project.” Si Clementine iyon kaya sa kan’ya nalipat ang tingin ng lahat.

Tumango na lamang ang ina nito bago kami muling ngitian.

Agad akong hinila ni Liam dahilan upang muli kong lingunin ang mga taong hanggang ngayon ay ramdam kong nakatingin parin saamin.

Tama nga ako nakatingin sila saamin.

Pag-pasok namin sa isang silid ay may isang king size bed ang bumungad saamin at doon ko napansin na nandirito na pala ang mga gagamitin namin naka-set na ang mga ito ang tanging gagawin na lamang namin ay gawin ang dapat gawin.

Nakatoka ako sa pag-e-edit nang ginawa namin habang si Dash ay sa music background namin samantalang si Daph at Clementine ay sa design para maging maganda ang aming project na ipapasa, si Liam naman ay siya ang gumawa ng mga dapat naming sabihin at kumuha ng mga anggolo.

Nasa kalagitnaan kami ng aming ginagawang project nang bigla na lamang may kumatok sa pinto ng guess room kung na saan kami ngayon bago iyon bumukas.

“Meryenda muna kayo.”

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Tita Chris at may dala itong tray na may lamang pag-kain kasunod nito ang asawa na si Tito Lucas na may dala ring tray ng juice.

Agad muna naming iniwan ang aming ginagawa at lumapit sa mini sala ng guess room.

“Wow! Spaghetti!” Daphne exclaimed in a joyful tone of her voice.

Narinig kong mahinang tumawa si Tita Chris dahil sa pag-tapik ni Dash sa kapatid ngunit inikutan lamang ng mata ang katabi.

Nang matikman ko ay napatigil ako saglit dahil ang sarap noon.

“Tita, ang sarap po nito.” Masayang ani ni Daph sa ina ni Liam.

“Natutuwa ako dahil nagustuhan n’yo.”

“Sabi naman sainyo masarap mag-luto ang mommy eh.” Turan ni Liam na katabi ko.

Pag-katapos naming mag-miryenda ay agad rin naming tinuloy ang naudlot naming ginagawa.

“Haysstt! Tapos rin!” Wika ni Liam bago nag-unat-unat na ginawa rin namin.

Nilingon ko ang malaking bintana dito sa guess room at nakita kong hapon na dahil kita mula rito ang kahel na kulay ng ulap na ang gandang pag-masdan.

“Tara! Punta muna tayo sa hardin bago man lang kayo umuwi.” Yaya ni Clementine saaming tatlo.

“Game!” Excited na sagot naman ni Daph bago naman kami hilahin palabas nang mag-kapatid.

Nandirito kami sa hardin ng palasyo at ang ganda ng mga bulaklak rito dahil iba’t ibang klase kaysa sa labas mismo ng kaharian ay puro sunflower lamang ang makikita mo.

Abala ang apat sa kanilang pag-lalaro sa hardin ng hindi nila alam na meron rin na pupunta doon.

Napatigil ako ng may marinig na mga yabag na papalapit kaya naman ay tiningnan ko ang apat na busy sa pag-lalaro.

Nilingon ko ang daan na nilakaran namin bago kami makarating dito ng makita kong pumasok ang mga taong nakilala namin kanina sa living area ang kaibahan lang ay wala si Tita Chris pero meron silang kasamang limang babae na siya ring ikinahinto nila ng makita kami.

“Daddy!” Sigaw naman ng mag-kapatid habang kumakaway kay Tito Lucas.

Nakita ko naman na nag-lakad ulit sila upang puntahan kami ngunit natigilan ulit sila ng bigla na lamang may lumabas mula sa mga halamanan sa gilid naming lima.

“Rawrr!” Angil nito habang pasugod saamin.

Class-A: Monster.

Walang pag-aalinlangan nag-palit ang kambal ng kulay ng mga mata bago mag-labas nang pheromones upang protektahan ako.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [Completed]Where stories live. Discover now