XII. Dark Soul

8 2 0
                                    


Napahinto si Sunoo sa paglalakad. Napatalikod siya at saka na pinagala-gala ang tingin niya sa paligid. Nang wala siyang makitang tao ay muli siyang humarap sa nilalakaran niya at muling naglakad. Ngunit ilang sandali lang ay muli siyang napahinto.

Sigurado si Sunoo. Sigurado siyang may sumusunod sa kanya.

Marahang pinasok ni Sunoo ang kanang kamay niya sa loob ng dyaket na suot niya. Matapos ay hinawakan niya ang punyal na nakatago sa loob nito. Pinakiramdaman niya muna ang paligid, at nang may marinig siyang yapak ay agad siyang napatalikod, sabay na tinutok ang punyal na hawak niya sa ere.

"Woah woah woah woah!" pag-atras ni Nicholas, habang nakataas ang dalawang kamay niya sa ere. Napatitig siya sa talim na hawak ni Sunoo na ilang pulgada lang ay tatama na sana sa leeg niya. "I-It's me—Nicholas," ngatal niya.

"Nicholas," kunot noo ni Sunoo. "Sinusundan mo ba 'ko?" sita niya.

"Ha?" tigalgal ni Nicholas. "H-Hindi," iling niya. "Nakita lang kita, habang naglalakad ako. Kaya nilapitan kita," paliwanag niya.

Tinitigang maigi ni Sunoo si Nicholas at saka niya pinalibot ang tingin sa paligid. Matapos ay muli niyang binalik ang tingin niya sa binata at dahan-dahang ibinaba ang punyal mula sa pagkakatutok nito kay Nicholas.

"Sorry," paumanhin ni Sunoo. Muli niyang ipinasok ang punyal niya sa loob ng dyaket. "May kailangan ka ba?"

Napalunok si Nicholas. Ibinaba niya ang dalawang kamay niya matapos matago ni Sunoo ang punyal nito sa loob ng dyaket nito.

"May itatanong lang talaga ako," tugon niya.

"Ano 'yon?"

"Uhm, actually, I was looking for an orphanage. Itatanong ko lang kung may alam ka bang mga lumang orphanage rito sa Samcheok."

"Orphanage?" Napailap ang mga mata ni Sunoo, habang nag-iisip. "Ah." Napatingin siyang muli kay Nicholas. "Tanungin mo si Ni-Ki. Baka may alam siya."

"Ni-Ki?" Muling inalala ni Nicholas kung saan niya narinig ang pangalan na ito. "Ah! 'Yung boyfriend mo?"

"Eh?" Napakurap nang maraming beses si Sunoo, habang inilalayo ang tingin kay Nicholas. "H-Hindi ko siya boyfriend."

"Really?" ngiti ni Nicholas. "I have a chance then."

Napatinging muli si Sunoo kay Nicholas. "Ha?"

"Why don't you help me look?" tanong ni Nicholas, habang ngiting-ngiti pa rin ito kay Sunoo.

"No," seryosong tugon ni Sunoo. "Kasasabi ko lang na mas matutulungan ka ni Ni-Ki."

"I don't think he'll help me."

"Paano mo naman nasabi? Ni-Ki is a helpful person. He doesn't think twice about helping," komento ni Sunoo.

Ilang linggo na silang magkatrabaho ni Ni-Ki, kaya alam niya na kahit sino ay tutulungan nito. He cares so much about people that the guests almost rely on him and look for him every time. Kahit nga hindi na sakop ng trabaho nila ay ginagawa pa rin nito. He always reminds Sunoo of Jungwon. Both are so much alike.

"You sound as if you like him," saad ni Nicholas.

Napailap ang tingin ni Sunoo. "I'm just... saying what I see."

Napangisi si Nicholas. "Interesting," komento niya. Napatingin namang muli sa kanya si Sunoo. "I'll just look it up myself. Thank you, Sunoo-ssi."

Blossom (SunKi AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon