EPISODE 8: The Game Of Death 3

0 0 0
                                    

EPISODE 8: THE GAME OF DEATH 3


PAULINE

Mga nakamasid na mga mata, ‘yan ang kanina ko pang nararamdaman. Hindi ako mapakali lalo na sa tuwing nakikita ko si Liza na nakatingin sa akin. Nag emergency alert na nga ako sa mga magulang ko hindi lang ako sigurado kung mapasok sa kanila dahil walang signal sa Lugar na ito.

“Guys uuwi na muna ako babalik na lang ako bukas.” paalam ko sa kanila, hinihiling na pumayag sila sa desisyon ko.

“Bakit? Matatagalan ka pa maka hanap ng sasakyan diyan saka mamaya kung ano pang mangyari sa ‘yo, sabay sabay na tayong umuwi dalawang araw na lang naman tayo rito e.” Tama rin naman si James pero may kakaiba talaga akong nararamdaman pakiramdam ko hindi ako ligtas dahil sila ang kasama ko o dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

“K-kailan e, saka wala na akong panty. Kaya ko naman mag isa ma update na lang ako kapag naka uwi na.” pag rarason ko at bahagya pang napatingin kay Liza na seryoso lang na nakatingin sa akin.

“Ikaw ang bahala.” sagot naman ni James sa akin pero kahit anong hinga ang gawin ko subrang bigat talaga ng nararamdaman ko. Ilang minuto pa akong nag hintay sa labas ng mansion umaasa at nag darasal na may dadaanan na sasakyan ngunit wala talaga kaya naisipan ko na lang na mag lakad lakad na muna at kalimutan ang kabang nararamdaman ko. Habang nag lalakad naman pakiramdam ko may nakasundo sa akin kaya hindi ko magawang lumingon sa likod dahil subra na ang takot na nararamdaman ko. Binibilisan ko na rin ang pag lakad at mas lumakas pa ang pakiramdam ko na binibilisan rin ng sumusunod sa akin ang pag lalakad.

“Tangina lord, tulungan mo ako.” mahinang dasal ko.

“Walang tutulong sa ‘yo.” napahiyaw naman ako ng may bumulong no'n sa likoran ko kaya tuluyan akong napahinto sa pag lalakad na mas lalo pang kinabahan. Tangina Lord tulong! Dahan dahan akong humarap sa taong nag salita at pag harap ko naman mas lalo akong napasigaw at napadaing sa sakit na nararamdaman ko dahil sinasaksak ako nito sa balikat.

“Diyos ko, parang awa mo na ‘wag mong gawin sa akin ito.” umiiyak na pag mamakaawa ko pero tumawa lang ito at kinaladkad ako. Habang Hila hila niya ang braso ko at ako naman itong nanghihina may kinakanta siya ngunit hindi ko maintindihan kung ano, tumatawa rin siya na para bang nababaliw na.

“Pakawalan mo na ako parang awa mo na.” umiiyak na sabi ko kaya huminto siya sa pag kaladkad sa akin at binitawan ako.

“Takbo.” nakangiting sabi niya kaya kahit nang hihina dahil sa saksak tumakbo ako sa abot ng aking makakaya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko kabisado ang Lugar na ito, hindi ko na nga alam kung pabalik ba ako sa mansion o hindi basta ang alam ko lang nasa gitna ako ng kagubatan.

“O my god! Please lumayo ka! Hindi ko kayo inaano! Wala akong ginagawang masama sa inyo!!” umiiyak na sigaw ko.

“Ngunit kasama ka na sa larong ito.” lakad at takbo ang ginagawa ko makalayo lang kay Liza. Hindi ko alam kung napapaano siya, nasaniban man o ano pero gusto niya akong patayin!!

“Hindi.. Diyos ko.. Liza... 'wag parang awa mo na.” umiiyak na sabi ko sa kaniya habang umaatras ako habang naka upo.

“Hindi ako si Liza at wala akong awa." Muli akong napasigaw ng saksakin ako nito sa kabilang braso, nanlalaban ako ngunit malakas siya habang ako ay nanghihina, walang awa niya akong tinatadadtad na para bang isa akong karne.

“Rest in peace Pauline Bayonito. Mag kita na lang tayo sa empyerno.”





ALEAH ANGELES


Lahat kami ay natatakot, hindi namin alam kung bakit pare-pareho kami ng nararamdaman.

“Kanina pa wala si Liza. Saan na naman kaya ‘yun nag punta?”

“Nag pahangin lang. Nag exercise.” lahat kami ay napatingin sa pinto ng pumasok si Liza, nakangiti ito na napansin kong mas ikina weird niya.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo? No'ng nakaraan ay nag rereklamo ka dahil masakit ang ulo at katawan mo diba?” tanong ni Lie

“Oo. Ayos na ayos na ako.” muling naka ngiting sagot nito.

“Mag merienda ka na.” Aya ko sa kaniya at inalis ang tingin isinawalang bahala ang iniisip.

BEEP**

Ikaw ang sunod.

Napakunot ang noo ko sa notification na natanggap ko mula sa laro. Ako ang sunod na ano? Bakit kaya ang weird ng larong ito? Parang ewan pa dahil ayaw ma un-install. It's creeping me out!

“You okay?” tanong ni Shara na ikinatango ko.

“Nag message na ba ulit sa ‘yo, ‘yung game?” tanong ko naman sa kaniya at umiling naman siya.

“Weird nga ng laro na ‘yun but Liza is weirder.” kabit balikat na sabi niya kaya napatingin naman ako sa gawi ni Liza na kinabigla ko ng bahagya dahil nakatingin rin pala ito sa akin o amin ni Shara? Ano kayang nangyayari kay Liza? Bakit tila bigla siyang nag iba?

“Paano kaya natin malalaman kung naka uwi na si Pau?” tanong ni Yuri.

“Oo nga, mamaya tayo ang masisi ng mga magulang no'n dahil hindi natin sinamahan maka uwi sa kanila.” sagot naman ni Dona.

“Pinipigilan naman natin siyang umalis, choice niya na umalis siya.” sagot ni Liza.

“Still tayo ang masisisi kung may mangyari na hindi maganda sa kaniya. She's acting weird kaya kanina parang may tinatakbohan o may iniiwasan sa grupo natin.” sagot ni Dona sa kaniya na ikina irap na lang ni Liza na ikinakunot ko dahil hindi niya ‘yun ginagawa sa amin.

Nag katinginan naman kami ni Lei mukhang pareho ang nasa utak. Pauline. Asan ka na? Safe ka lang kaya?

Beep**

READY KA NA BA?

Napakunot noo naman ulit ako ng may ma received akong notification galing na naman sa laro.

“Ano kaya ang ibig sabihin nito?? Sunod na ako? Saan? At ready na ba ako? Saan rin?”  umiling na lang ako at ni silent ang aking phone.

“Akyat lang ako sa taas. Tara Liza sa taas.” Sabi ni Jerlay at pinagmasdan ko naman silang dalawa hanggang sa mawala sa paningin ko.

“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ako makahinga ng ayos? Dahil ba sa high blood o low blood ako o dahil kinakabahan ako?” Sabi ni Lei habang hawak ang puso niya.

“Ako rin, naninikip ang dibdib dahil siguro ‘yan sa kaba maski ako ay kinakabahan hindi ko malaman kung bakit.” Sabi naman ni Ivan. Bakit ito nangyayari sa amin? Bakit kami nakakaramdan ng ganito?



A_Bitch_Lady







   

THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now