Prologue

62 5 1
                                    

Master of Ceremony: Imee Gabriella Sioson Bachelor of Secondary Education major in Social Science Summa Cum Laude. 

Visitacion: Proud ako sa'yo Imee, alam ko na proud din sayo ang tatay mo kahit hindi natin siya kasama. (Mama habang nakatingin sa mga ulap) 

Imee: Ma huwag ka na umiyak naiiyak rin ako sayo e, atsaka alam ko naman binabantayan tayo ni papa sa langit. (Nakangiting saad ni Imee) 

Konduktor: O yung mga bababa diyan ng ermita dito na lang.  

Imee: Tara na ma. (Inalalayan ni Imee ang mama niya habang pababa sila ng bus)

Imee: Dahan-dahan mama. 

Visitacion: Anak naman kasi bakit hindi nalang tayo nagpahatid kay Fred. 

Imee: Ma!

Visitacion: Imee hanggang ngayon pa rin (Hindi na natapos ni mama yung sasabihin niya pinutol ko na agad.)

Imee: Hindi na siya ang kapatid ko ma, simula nang maging girlfriend niya yang Allyssa na yan. 

Naglakad na kami ni mama at naghahanap na kami ng jeep papunta sa apartment na rerentahan namin habang nandito kami sa Manila. 

Visitacion: Imee naman ikaw ang panganay ikaw na umintindi atsaka ikaw naman ang dahilan at si Anthony kung bakit sila nagkakilala a. 

Pumara na ako ng jeep at sumakay na kami ni mama. 

Visitacion: Imee naririnig mo ba ako? Makipag-ayos ka na kay Fred. 

Imee:  Ma sinubukan ko, ilang beses na ako nagpakumbaba pero wala e mas pinipili niya talagang pakinggan si Alyssa anong magagawa ko mama?  At please ma tantanan mo na ang kaka- Anthony dalawang taon na kaming wala may asawa na yung tao. 

Visitacion: Asus anak miss mo lang si Anthony e hindi ba nga tumatakas ka pa nga sa amin noon makipagkita lang sa kanya in love na in love ka nga kay Anthony e. Akala mo ba hindi namin alam ang mga pa simple mong group projects kuno pero nasaan ka? Nandon sa harap ng simbahan ng Paoay nakikipag date. Hinayaan ka na lang namin at hindi naman nasisira ang pag-aara mo. (Pang-aasar ni Mama) 

Imee: Nagsisi ba kayo mama na hinayaan niyo ako? Sana pala hindi nalang ako tumakas hindi naman pala worth it manloloko yang Thony na yan. (Natatawang saad ni Imee) 

Visitacion: Hindi naman anak balasang ka naman atsaka dumaan rin ako diyan di ba nga days lang kami ng papa mo tapos kasal na kami. (Mama tapos kumindat sa akin.)

Imee: Mama ang corny maisingit lang talaga love story niyo ni papa e ano? 

Visitacion: Miss ko na papa mo, miss ko na kayo makita ni Fred na magkasundo. 

Hindi na ako umimik ayoko na magkaiyakan kami ni mama sa Jeep and si Fred yung kapatid ko? Hay mama kung alam mo lang kung gaano ko na rin ka miss si Fred kaso wala e hindi na siya nakikinig sa akin, hindi na siya nakikinig sa ate niya. 

Ilang saglit lang at nakarating na kami ni Mama ang apartment. Inayos na namin ito at nagpahinga na kami dahil maaga ako bukas para mag review para sa board exam namin maaga akong papasok sa review center. 

ErmitaWhere stories live. Discover now