EPISODE 7: The Game Of Death 02

0 0 0
                                    

EPISODE 7: THE GAME OF DEATH 02


PAULINE

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, dahil na rin siguro sa mga ikinikilos ng mga ka grupo ko. Gusto ko mang umalis pero masyado ng malalim ang gabi. pinagmasdan ko sila at mahihimbing naman ang tulog nila hindi ko alam pero simula ng dumating kami sa bahay na ito mas naging weird silang lahat sa paningin ko.

“Oh, fuck! Ngayon pa talaga sumakit ang tiyan ko!” Sabi ko at bumangon para mag Cr. Habang nag lalakad papunta sa banyo pakiramdam ko may sumusunod sa akin kaya kinakabahan ako, natatakot naman akong lumingon.

“Pau?” nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Yuri kaya tuluyan na akong lumingon sa likod ko. Mas nakahinga ng maluwag dahil wala namang tao o kung ano.

“Hindi ka rin ba makatulog?” tanong niya sa akin kaya napatango ako at nag paalam nang ma Cr.

“Tulong...” napamura ako ng mahina nang makarinig ako ng isang boses, hindi ko mawari kung guniguni ko lang o talagang may nag salita. Dahil sa takot na nararamdaman dali-dali akong nag linis para makalabas ng banyo.

“Ay putangina!” halos mawalan ako ng hininga ng makita ko si Liza na naka tayo sa tapat ng pinto.

“Girl anong trip mo?!” inis na sabi ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin na mas kinakaba ko kaya binangga ko siya para maka alis sa harap niya at nag lakad pabalik sa kwarto pero ng muli ko siyang tingnan nakatingin ito sa akin habang nakangiti putangina! Ang creepy naman niya!

“Okay ka lang?” tanong ni Lei ng makabalik ako sa kwarto. Tumango ako sa kaniya at inayos ang buhok ko.

“Nakita mo ba si Liza sa labas?” tanong niya sa akin kaya napatitig naman ako sa kaniya.

“A-ah oo nasa banyo.” sagot ko at muling inisip ang nakakalukong ngiti sa akin ng kaibigan niya. Si Liza rin kaya ang nag salita ng tulong habang nag babanyo ako? Tangina nakakakaba silang kasama!


DONALYN ALOG


Panaginip. Panaginip na kakaiba na naman, mga taong namatay, hindi ko alam kung sino siya, kung sino sila pero malakas ang pakiramdam ko na parte ito ng nakaraan ko o siguro past life? Pero possible ba ‘yun? Bakit ko nakikita ang nakaraang buhay ko kung ganon?

Nag sisimula na kaming mag asikaso para sa pag shooting, ang iba ay nag kakabisa na ng script at ang iba naman ay nag aasikaso ng idadamit nila.

“Asan ba si Liza?!” naiinis na sabi ni Jerlay.

“Andito lang siya kanina ah baka nag banyo?” Sabi ni Aleah, napahinto naman kami nang lahat ng phone namin sabay sabay na nag tunog.

NAG SISIMULA NA.

Napatingin ako sa kanila dahil sa nabasa ko sa larong ni install namin kagabi.

“Nag notif rin ba sa inyo ‘yung laro?” tanong ni Jhames at tumango naman kami.

“Nag sisimula na ang alin?” tanong ni Maria kaya napatingin ako sa kaniya.

“Ganiyan rin ang notif sa akin.” sabay na sabi namin ni Jerlay.

“Putangina!” malutong na mura ni Pauline habang nakatingin sa pinto kaya napatingin rin naman kami sa pintoan at nakita namin doon si Liza na nakatayo at nakatingin sa amin habang nakangiti.

“Putanginang babae ‘yan kagabi pa ‘yan nakangiti!” Sabi ni Pauline kaya ang kagabing kabang nararamdaman ko ay muling bumalik. Pakiramdam ko talaga may iba at may mali sa kaibigan namin.

“Saan ka naman galing?! Para kang baliw alam mo ‘yun? Basta basta ka nawawala at bumabalik!” Sabi ni Jerlay habang palapit sa amin si Liza.

“Mag sisimula na.” nakangiting sabi niya kaya napatingin naman ulit ako sa cellphone ko at muling binasa ang notif sa laro NAG SISIMULA NA.

“Ang alin?” tanong ni Uel.

“Ang shooting..” nakangising sagot nito na nag papikit sa akin. May mali, pakiramdam ko talaga may mali.

“Tara na nga mag shoot na tayo!” Sabi ni Yuri kaya sumunod na kami sa kaniya.


“Nice one!” sabi ni Uel, successful ang shooting lalo na sa part ng patayan at habolan nina James at Lei. Muli akong tumingin kay Liza na ngayon ay kasama si Jerlay. Nakangiti si Liza at pinagmamasdan ang ginagawa ng iba pa naming kaibigan.

“Baka umuwi ako mamaya.” biglang Sabi ni Pauline kaya tumingin ako sa kaniya.

“Bakit naman?” tanong ko at tumingin naman siya kay Liza na nakatingin rin sa p’westo namin na muling ikinakaba ko, para bang nakikinig siya sa usapan namin na hindi ko maintindihan.

“A-ah kailangan lang saka babalik rin naman ako k-kinaumagahan.” sagot niya at muling tumingin sa p’westo ni Liza kaya napatingin ulit ako kay Liza at seryoso itong nakatingin sa amin o kay Pauline?

There's something wrong with her. May kakaiba kay Liza hindi ko alam kung ano pero. Para siyang sinaniban dahil sa kakaibang ikinikilos niya pero kingina ‘wag naman sana! Sana mali ang iniisip ko!

“Rolling!!” sigaw ni Uel kaya umayos na ako at nag focus sa shooting. 3:30 ng hapon ng matapos kami at inayos na ang mga gamit.

“Guys uuwi na muna ako babalik na lang ako bukas.” paalam ni Pauline sa amin.

“Bakit? Matatagalan ka pa maka hanap ng sasakyan diyan saka mamaya kung ano pang mangyari sa ‘yo, sabay sabay na tayong umuwi dalawang araw na lang naman tayo rito e.” Sabi naman ni James.

“K-kailan e, saka wala na akong panty. Kaya ko naman mag isa ma update na lang ako kapag naka uwi na.” sagot naman agad nito tila hindi mapakali.

“Ikaw ang bahala.” sagot naman ni James at muling nag ayos ng gamit kaya nag paalam na rin si Pauline sa amin at pinagmasdan ko naman siya hanggang sa maka labas siya ng mansion.

“Asan na naman ba si Liza?!” Sabi na naman ni Jerlay habang pababa ng hagdan.

“Alam mo naman na kabote ‘yun basta basta mawawala mamamalayan mo andiyan na. Kung saan lang ‘yun nag punta mag merienda na tayo.” sagot ni Aleah kay Jerlay. Pero nasaan nga kaya si Liza? Saan naman ‘yun pupunta e hindi naman niya alam ang Lugar na ito at wala pa siyang kasama ni isa sa amin. Hindi naman niya siguro sinamahan si Pauline na maka alis diba?

“Naka alis na ba si Pau?” tanong ko.

“Siguro? Wala ng nakatayo sa labas ng gate e.” sagot ni Lei na naka silip sa labas pero bakit nakakaramdan ako ng kaba? Bakit mas lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang may mangyayaring masama?



A_Bitch_Lady



THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now