Chapter 15 - Make Over

Börja om från början
                                    

Sino ba magcocontact lense? Ako? Ayoko nga! Hirap hirap magcontact lense e. Dami pa namang do's and dont's non. Alam niyo naman na dakilang tamad ako kaya hindi ko magagawa ang mga bilin. Hay nako. Bahala na nga. Makiki-go with the flow nalang ako. -____-

Joshter Simon Di Maguiba's POV

"Hirap naman pagtiyagaan nito!" sabi ko sa sarili ko. Nakakainis naman kasi e. Kung hindi lang nasira tong headphones na to, malamang hindi ako mahihirapan pagtiyagaan to ngayon. May tumutugtog naman kahit papaano pero sobrang hina na. Bwisit na Ayah yun! 

[Flashback]

Nags-soundtrip ako sa dito sa garden. Sinasabayan ko lahat ng mga kantang natugtog dito. Ito ang madalas kong ginagawa pag bored at stressed ako. Nakakarelax naman kasi talaga ang makinig sa music.

Habang nagsasoundtrip ako ay biglang may kumulbit sakin. Lumingon naman ako kaagad sakanya at bumungad saakin ang mukha ni Ayah na ngiting-ngiti na parang natataeng ewan. Tinanggal ko ang headset ko at sinabi na niya ang gusto niyang sabihin.
 

"Anung kanta pinakikinggan mo?" sabi niya sabay ngiti ng wagas saakin. Whoa. Trying to be nice? Kaya niya yan. Mukhang may ipaglalaban kaya pagbigyan na.

"Heaven's Door ni Eric Nam. Bakit?" Nakita kong nag-sparkle ang mga mata niya nang marinig niya ang pangalang Eric Nam. Anong meron kay Eric Nam?

"Wow Kpop fan ka din pala. Teka, Eric Nam?! Pakinig nga!" sabi niya sabay hablot ng headphones ko na nakasabit sa leeg ko. Anak ng--!  Adik nga pala tong abnormal na to kay Eric Nam. =_=

"Hoy ano ba?! Di pa nga ko napayag hinablot mo na agad. " sabi ko sabay hablot ng headphones pabalik sakin. Lesson Learned: Wag makikinig ng kanta ni Eric Nam pag katabi mo si Ayah.
 

"Pakinig. Puh-leaaasssseee? Maawa ka. Matagal ko nang hindi naririnig boses ng asawa ko" Napatawa ako nang makita ko ang hitsura niya. Nakadaop ang mga palad niya at parang batang yagit na nagmamakaawang bigyan mo ng barya. Kung nakikita niyo lang siya. Nakakatawa ang hitsura niyang magmakaawa.
 

"Akin na sabi e!" sabi ko sakanya habang pilit na kinukuha sakanya yung headphones. Hindi kasi ako nagpapahiram ng gamit lalo na kung napakahalaga saakin. Natatakot ako na masira iyon.

 
"Eeeeeeh! Pakinig muna kasi." pamimilit niya. Sumasakit na ulo ko sa babaeng to. Napakamapilit!

 "Wala tapos na yung kanta. Akin na!" sabi ko. Pero ayaw padin niyang bitiwan yung headphones ko.

 "Edi uulitin. Sige na kasi!" sabi niya at hinatak niya ng buong pwersa hinila yung headphones k. Napalakas yung hatak niya dahilan para mahulog at masira ang pinakainiingatan kong headphones . Wag niyong sabihing OA ako. Anlakas ng impact ng pagkahulog dude! Tska bigay sakin  yun ni Mama nung birthday ko kaya sobrang halaga saakin nun.

Dinampot ko na yung headphones at chineck kung nagana pero sira na. Natugtog pero napakahina na. May gasgas narin yung buong heasphones at may sira sa wire.

"Leche Ayah! Nasira yung headphones ko sa kakulitan mo. Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga saakin yung headphones na to ha?! Bwisit. Perwisyo." Nadala ako ng emosyon ko kaya nasigawan ko siya. Sobrang halaga sakin nitong headphones na to at kapag sobrang halaga saakin, ayaw na ayaw kong nasisira iyon dahil talagang magagalit ako pag nasira iyon.

 Hindi sumagot saakin si Ayah. Yumuko lang siya atsaka lumakad papalayo saakin.  

[End of Flashback]

 Diba? Nakakainis! Pero parang nakokonsensya din ako. Feeling ko sobrang halaga niya din saakin. Ewan ko ba. Di ko na nga maintindihan ang sarili ko ehh. Minsan mabait ako sakanya, minsan hindi. Hindi ko alam kung bakit ko siya ginaganun. May sakit na ba ko sa tuktok?

"Josh." Tumingala ako para makita kung sino ang tumawag saakin. Bumungad saakin si Ayah na malungkot at may hawak na isang plastic. Iniabot niya saakin iyon at agad kong kinuha.

"Ano to?" sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Bumuntong hininga lang siya at saka ako binigyan ng mapait na ngiti.

"Basta tignan mo nalang." sabi niya sabay alis. Tinignan ko yung laman ng plastic. Isang box at isang papel. Kinuha ko iyon at agad na binasa.

-----------------------------------------------------------------------------------

Sorry Joshter. Ako ang dahilan kung bakit nasira yung pinakaiingatan mong headphones. Sorry talaga. Sa Sobrang kaadikan ko kasi kay Eric Nam, nasira yang headphones mo. :(((( Sorry talaga. Sorry Sorry Sorry Sorry Sorry. /sumayaw ng sorry sorry ng SJ/ Dejuks. Ah ano pala, Peace offering ko nga pala sayo yan. New Headphones. Yan ang bayad ko sa pagkasira ng headphones mo. Sana magustuhan mo. :))) Sorry ulit.  Nyanya.

                                                                                                     --- Ayah.

------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos kong basahin yung note, binuksan ko na yung box. Nakita kong headphones nga iyon. Yung headphones na to ay mas maganda at mas mamahalin kesa sa sira kong headphones. Sinara ko na yung box at isinilid ulit sa plastic. Umalis ako sa garden at hinanap si Ayah.

Nakita ko siya sa cafeteria. At agad akong lumapit sakanya. Umupo ako sa harap niya at nagulat naman siya sa pagdating ko.

"Uh, Ayah. Salamat dito pero hindi ko to tatanggapin." sabi ko. Pag tinanggap ko kasi to parang ang kapal ng mukha ko. Hindi naman dahil sa pride at ego pero kasi nakakahiya din naman.

"Hindi, sige. Sa'yo na yan. Ako naman may kasalanan ng pagkasira ng headphones mo e. I insist. Subukan mong hindi tanggapin, uhhh.. ano. Magbibigti ako!" Napailing at napatawa nalang ako sa sinabi niya.

"Osiya sige sabi mo e.. Salamat ah? Tska sorry kung nasigawan kita kahapon. Nadala lang ako ng emosyon ko." sabi ko saka ko hinakawan ang kanang kamay niya. Napatawa nalang ako nang makita kong namula siya ginawa ko.

"H-ha? Ah eh. Okay lang." Utal utal niyang sabi. Binitawan ko na ang kamay niya dahil parang naiilang yata siya. Nag-stutter siya e.

"Tara! Kain tayo!" sabi ko sabay hinila ko siya palabas ng cafeteria. Sa Labas nalang kami kakain. Wala naman kaming klase ngayon kase clubbings lang naman. Oh diba? College na may clubbings pa? Kakaiba kasi tong school na to e. Abnormal.

Ayah Mikaella Lisanin's POV

"Uy! San tayo pupunta? Nasa Cafeteria na tayo kanina ah?" sabi ko habang hila hila ako ni Joshter. Ewan ko ba sakanya kung bakit hindi pa kami doon sa cafeteria kumain. Nagc-crave pa naman ako sa taho nila dun. >3<

"Sa Labas tayo kakain. Libre ko. Wag ka nang magsalita para magreklamo. Basta sa labas tayo kakain. Peace offering ko to sa pagsigaw ko sayo" sabi niya. Nanahimik nalang ako at di na nagsalita pa para wala nang problema.

Habang hila-hila niya ko, napagawi ang tingin ko sa kamay niyang hila ako. Agad na nag-init ang pisngi ko nang mapansin kong hindi sa wrist ko nakahawak si Joshter kundi sa mismong kamay ko. I felt butterfly on my stomach and I also felt uneasy. Di ko alam ang gagawin ko. Naaawkwardan ako na hindi ko malaman.

B-bakit ganun? Mahal ko na ba siya? Sheez Ayah! What are you talking about?! Ano ka, easy to fall?! Screw this.

***

A/N: ayan medj mahaba na. Ahe. :>

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Där berättelser lever. Upptäck nu