Chapter 1: First Day Of School

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nothing.” Maikling sagot nito sa‘kin.

Ito namang si Aiden ay may pag-kakapareho sa pinsan niyang si Dashiell. Cold, seryoso, tahimik at kung sasagot ay maikli lamang or kung minsan ay tatango lamang ito o iiling. Pero ang napansin ko sa kanilang tatlo ay ito lagi ang gustong mapag-isa kung minsan libro ang kaharap na namana niya sa kan’yang ama. Gusto niya ang tahimik na lugar ayaw niya ring ginugulo siya kapag-nag-babasa.

“Kung gano‘n, halika na at bumaba na tayo para makakain na kayo ba ka ma-late pa kayo.”

Agad naman nilang kinuha ang kanilang mga gamit bago kami sabay-sabay na bumaba at dumiretso sa dinning area.

Nang makarating ay sinalubong kami nina Mommy, Daddy, Kuya Michael, Lolo at Lola na hinihintay pala kami.

Masaya kaming nag-salo-salo sa pag-kain ng matapos ay agad na kaming lumabas nang sabihin saamin ni Ate Helen na nandiyan na daw ang karwahe na nag-mula sa paaralang papasukan ng mga anak namin ay agad na rin kaming lumabas upang ihatid silang tatlo sa labas nang palasyo.

Nang maayos na ay nakita kong kumaway pa si Daphne habang matamis na nakangiti saamin habang ang dalawa ay seryoso at tahimik lamang na naka-upo habang nakatingin sa direksiyon naming lahat.

Agad namang pinatakbo ng driver ng karwahe upang makaalis na silang lahat kaya naman ay tinanaw na lamang namin ang mga ito habang pa-alis ng palasyo.

Samantalang sa loob nang nasabing karwahe kung saan nakasakay ang tatlo ay tanging si Daphne lamang ang maingay sa kanilang tatlo.

“Ano kaya itsura ng Griffinlor Academy sa picture ko lang kase nakita eh. Maganda kaya iyon sa personal?” Excited na turan nito bago tingnan ang dalawa sa kan’yang kanan at kaliwang bahagi na tahimik lamang.

Maya-maya lamang ay agad natigilan ang tatlo ng huminto ang karwaheng sinasakyan nila bago tumingin sa maliit na bintana upang tingnan kung bakit sila huminto ngunit agad may nag-bukas nang pinto bago sila alalayang bumaba.

Pag-baba ay agad humanga sa laki at ganda ng paligid si Daphne habang ang dalawa nitong kasama at tahimik na nakamasid lamang.

Inilabas nang batang babae ang papel bago pinabalik-balik ang tingin sa papel na hawak at sa harapan nito ngayon.

Kita sa arko ng nasabing bukas na mga higanteng gate ang pangalan ng kilalang eskuwelahan sa mundong ito ang Griffinlor Academy.

“Wow! Ang ganda nito sa personal!” Daphne exclaimed.

Habang pumapasok ay pinagmamasdan nila ang buong paligid sa gitna ng daan ay may malaking fountain sa gilid nito ay may mga puno at tanim na pulang rosas bago sila makapasok sa mismong main door nang eskuwelahan.

Pag-pasok nila ay agad nilang nakuha ang attention ng mga kapwa mag-aaral sa nasabing paaralan ang iba ay nag-bubulungan habang ang iba ay nakamasid lamang sa kanila.

“Sila ba ‘yung sinasabing mga bago?”

“Sila nga ata.”

“Pero ang gwapo nung dalawang kasama niya noh?”

“Ba ka mga kapatid niya?”

“Ba ka nga,”

“Mukhang may crush na agad ako.”

“Hindi na ako aabsent.”

“Saan kaya silang section? Hope kaklase natin sila.”

“True.”

“Tsk, mag-bubulungan na nga lang yung naririnig pa natin.” Asar na ani ni Dashiell na mahinang ikinahagikgik sa tawa ng kapatid niyang si Daphne.

Ngunit tahimik lamang si Aiden na nakasunod sa kanila.

“Ang bad mo talaga kuya at isa pa humahanga lang sila.” Saad ni Daphne sa kapatid.

“Tsk! Whatever.”

Nag-tungo ang tatlo sa Dean Office ng nasabing eskuwelahan upang alamin ang kanilang section.

“Tok-tok-tok”

“Come in.”

Pumasok ang tatlo bago sila sinalubong ng matamis na ngiti ng isang lalaki na hindi naman katandaan at parang ang edad nito ay nahahawig sa mga magulang ng kanilang ina.

“Have a sit.” Paanyaya nito sa tatlong bata.

“So, kayo ba ang mag-pipinsang Velasco?” Tanong nito na tinanguan ng tatlo.

“Kung gano‘n. This is your schedules, locker key, books and your classroom number. Welcome to Griffinlor Academy!”

Nag-pasalamat ang tatlo bago lumabas sa office ng Dean.

“Uy, patingin ng section n’yo?” Pag-tatanong ni Daphne sa dalawa.

Ipinakita ng dalawang batang lalaki ang papel na ibinigay ng Dean sa kanila kanina na siya namang tiningnan nito.

“Kyaaahhh! Same class tayo!” Tili nito bago masayang hinatak ang dalawa na sila namang nag-pahila.

Sa isang silid sa loob nang paaralan ay agad naging tahimik ang kaninang silid na maingay dahil sa pag-pasok ng isang gurong lalaki bago ngumiti sa mga ito.

Moon Light (Moon Trilogy 3) {BL} [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon