Prologue

1 0 0
                                    

"ANO BA!? ANG PANGET MO!" halos umalingawngaw sa buong mansyon ang sigaw ko dahil sa lalaking nasa aking harapan na may kunot sa noo. Ang lakas ng tama nito ah!

"I SAID! GET OUT!" sigaw niya pabalik. Wow, tapang ha, 'kala mo naman kaniya 'tong bahay. Kapal lang ang PEG.

"E, KUNG AYAW KO? MAY MAGAGAWA KABA HA! MERON BA?!" pagtataray ko rito na siyang mas lalong nagpakunot sa noo niya.

"WHAT THE HELL DO YOU WANT AND YOU'RE SHOUTING AT MY OWN HOUSE WOMAN!!" halos mapaawang ang aking labi sa pagsigaw niya. Taena niya! Siya pa may ganang manigaw hmp!

"E-" magsasalita pa lang sana ako nang lumabas at patakbong pumunta sa amin si Manang. 'Yong naghatid sa'kin papunta rito sa loob ng mansyon dahil nga, ipinadala ako ng wala kong kwentang Tiya upang magtrabaho raw at bibigyan ko na lang sila ng sweldo ko. Duhh! As if naman! Pagkatapos ng lahat nang ginawa nila sa'kin? No way!

"Nako po sir..sorry po, huwag na po kayong sumigaw" hingi nang paumanhin ni Manang sa lalaking halos sasaksakin na ako sa tingin. Dahil isa akong timang, syempre inirapan ko siya, malay ko bang driver lang pala 'yan dito tapos gana'n.

"I DON'T WANT TO SEE THAT FUCKING WOMAN'S FACE!" duro nito sa'kin. Napalaki naman ang aking mata bago itinuro ang aking sarili. Napatingin tuloy si Manang.

"ANG KAPAL MO! IKAW NGA, DRIV-" hindi ko na ito naituloy pa nang hawakan ni Manang ang aking braso at saka umiling. Ha?

"Bakit po?" para akong kawawang aso na napaamo ni Manang. Hehe, sino ba namang hindi 'diba?.

"Siya ang anak ng Senyora, dapat igalang mo siya" bulong nito na siyang nagpatakip sa aking bibig. Gauge!

Napaayos ako nang tindig at saka tumingin sa lalaking may masama paring ekspresyon ang muka. Labag man sa aking kalooban ay nginitian ko siya.

"Pasensya na ho..hindi ko lang PO alam" wika ko sabay diin sa pagbigkas ng 'po'. Napairap siya. Lalaking 'to, kung 'di lang anak ni Senyorita ay baka tinadyakan ko na ang kaligayahan niya.

"Tss. Ang sungit kanina tapos ngayon parang tutang napaamo. Tss, tss." bulong niya pa. Sira ulo ba siya o ano? Bubulong-bulong, e rinig naman.

"Hotdog" bulong ko rin bago siya sarkastikong nginitian. Napakunot ang kaniyang noo dahil sa ibinulong ko.

"What? Tss. I don't care anyway. Manang, tell to that puppy of yours, 'wag siyang sigaw nang sigaw. Nakakairita." sabi niya kay Manang bago muli akong pinasadahan nang masamang tingin at tumalikod na.

"Puppy, puppy daw. Tsee" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa papalayo niyang likuran. Muka namang narinig iyon ni Manang kaya napailing siya bago umalis. Ay wow! Iiwan pa ata nila ako rito ah!

Bago pa man tuluyang makaalis si Manang ay agad ko na siyang hinabol. Okay lang maghabol basta hindi masasaktan choss!

"Manang! Sandali lang ho!!" sigaw ko at dali-daling binitbit ang aking bag bago tumakbo patungo kay Manang

****

"ARAY KO NAMAN!" halos mapasigaw na lamang ako dahil sa inis nang patidin ako ni Unggoy. Nang tingnan ko siya ay nakangisi pa habang nakasandal sa pintuan ng kaniyang kwarto. Matalim na titig ang binigay ko sa kaniya. Kung alam ko lang na papatirin ako ng Unggoy na 'to baka sinapak ko na 'to kanina pa.

"What? Are you just going to be there? Ohh damn it, It's like you're praising me. Nice job, puppy" ngisi nitong sambit. Marahas naman akong bumuntong hininga bago inis na tumayo at kinuha ang bag ko.

Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Hay! Kung hindi lang siya anak ni Senyorita baka kanina ko pa 'to naupakan. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Salamat po Senyorito. Hindi naman po yata tama na patirin niyo ako lalo na at hinahanap ko lang ang maids quarter" magalang kong sagot at saka ngumiti.

"And do you think, I'll believe it?" Napaawang ang aking labi dahil sa tinuran niya. Gago ba siya? O sadyang may sayad?

Ngumisi itong muli bago dahan-dahang lumapit sa'kin na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo na tanong ko. Hindi siya nagsalita at patuloy lamang na lumapit sa akin habang may ngisi sa labi. Agad na hinanda ko ang aking bag. Mahirap na, baka biglang may kung anong gawin 'tong Unggoy na 'to.

"Hoy! Anong ginagawa mo!" sigaw ko pa nang inilapit niya ang muka niya sa muka ko at dahil doon ay hindi ko napigilang itaas at ihampas sa kaniya ang bag na hawak ko.

"Ah!" sigaw niya nang tuluyan ko siyang mahampas. Napaawang ang labi ko bago dali-daling nilapitan at tiningnan ang kaniyang pisnge.

"HA!! sorry, sorry. 'Di ko sinasadya! Sorry Unggoy!" natatarantang wika ko at saka pilit na pinagpagan ang kaniyang pisnge kahit na iwinawaksi niya ang aking kamay. Siya kase e.

"S-Stop!" napaatras na lamang ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nang tumingin siya sa akin ay nakita ko ang nagbabagang galit sa mga mata niya. Aba! Siya naman nauna e!

Pilit akong ngumiti sa kaniya bago nag peace sign.

"GET THE DAMN HELL OUT OF MY FACE!" at ayan na naman siya sa sigaw niya. Nakakainis lang kase siya pa may ganang magalit, ang kapal talaga ng muka niya.

Napayuko ako at kinuha ang bag kong pinanghampas sa kaniya. Muli akong tumingin sa kaniya at nakita ang namumula niyang pisnge. Halos napamaang ako nang mapagtantong may padlock na bakal sa aking bag. Tumingin ako sa kaniya at sa bag. Tokwa! Humampas pa 'ata sa kaniya 'yong padlock jusme! Pero deserve niya naman!

"WHAT?! DON'T STARE AT ME! GET OUT FROM MY MANSION!" omo! Okay, sa puntong ito. Galit na siya, anong gagawin ko? Wala akong pupuntahan! Mama save me!

"Teka lang naman. Nagpunta ako rito para sa trab-" hindi ko na ito naituloy pa nang tinalikuran niya ako at akmang isasara ang pinto nang muli niya akong nilingon at tiningnan nang walang emosyon.

"I don't gave a damn. Leave." napatitig na lang ako nang isarado niya ang pinto. Hindi lang pala siya Unggoy, bastos rin hmp!

A/N: Hi readers! Sorry pala sa mga bad words😞 Hindi ko naman intention na nagmura but need 'yon kase e. Hoping maintindihan niyo kung bakit gana'n ako HAHAHAHA in any ways, Thank you for reading this and naka post din ito sa fb just visit my fb for my update hehe 'yon lang and sana masuportahan niyo ito haggang dulo. THANK YOU! ARIGATOU GOZAIMASU!

Sorry baby for I have liedWhere stories live. Discover now