Tumayo naman si Asher at hinanda ang kakainin ni Ali. Si Asher ang nag guide sa pagkain ni Ali. Pagkatapos niya kumain ay pinaliguan ko naman siya.

Pagkatapos kong bihisan si Ali ay napansin niya ng make up ko sa mata kaya gusto rin daw niya gawin.

"This is eyeshadow." Tinuro ko ang make up palette.

Kinuha ko iyon at nilagyan ng kaunti ang mata ni Ali. Pagkatapos ko gawin iyon ay ngumiti siya ng napakalapad at kumurap kurap.

"You're so pretty."

Tinuro naman niya ang lipstick. Nilagyan ko siya noon. Nag pout pa siya pagkatapos.

Si Asher naman ay nanonood lang saamin habang nag mamake-up.

Kinuha ko ang salamin sa bag ko at ibinigay sa kaniya.

"Wow, I love this, Am I pretty kuya?" Tanong niya kay Asher na pinipicturan na pala kami.

Napangiti ako sa gulat niya at agad niyang tinago ang cellphone.

"Of course, you're so pretty baby." Ngumiti siya kay Ali ng lumipat ang tingin niya akin ay bigla siyang yumuko.

Pagkatapos ay hinilamusan ko si Ali dahil bata pa siya at baka masira nag kaniyang cute na face.

Ilang minuto ay nag-aya si Ali sa Nursery Room. Pumunta naman kaming tatlo at pinanood ang mga baby sa loob.

"You really love babies." Nagulat ako ng biglang mag salita si Asher.

"Uhh, yes." Dati pa man ay madalas na ako sa Nursery Room simula noong madalas akong mag-isa sa bahay. Madalas ko ring silipin si Mommy at Daddy dito sa hospital. Nakikita ko kung paano nila alagaan ang mga batang pasyente at oo aaminin ko na naiinggit ako dahil kahit minsan ay hindi ko naranasan kay Mommy at Daddy yun. Dito ko lang rin nakikita na ngumingiti sila dahil simula ng mawala si Xiara hindi ko na sila nakitang ngumiti kapag ako ang kasama nila. Minsan pinangarap ko nalang din maging pasyente dito para mapansin rin nila ako para kahit minsan man lang ay makita ko silang nag-aalala sa akin.

"Ms.Ferrer?" Napatingin kami sa likod ni Asher ng biglang may dumating na nurse. "Ahh sorry po, madalas ko po kasi kayong nakikita dito kapag gabi kaya nagulat lang po ako na nandito kayo ng umaga at may kasama." Napatingin sa akin si Asher ng marinig iyon. Kailan pa naging chismosa ang mga nurse?

Nginitian ko lang ang nurse at nagpaalam narin siyang lumabas.

"So, madalas ka pala dito?" Tanong ni Asher. Tumango lang ako at tumingin sa mga baby.

Ilang oras din kaming stay doon hanggang sa mag tanghali na. Pagbalik namin sa silid ni Ali ay kumain na kami ng sabay sabay. Natulog ulit si Ali ng mag hapon na dahil kailangan niya magpahinga.

"Do you have clothes?" Tanong ni Asher habang nakaupo kaming dalawa sa couch at pinagmamasdan si Ali.

"Yup, I decided to sleep here with Ali. Why?" Tumingin ako sa kaniya at nakatingin din pala siya sa akin.

"I'm going to sleep here too." Tumango lang ako at ngumiti bago bumaling muli kay Ali.

"She's so pretty." I said.

"Yes, she is." Sagot lamang ni Asher.

Gabi ng mapansin kong nakatulog pala ako sa braso ni Asher.

"Sorry." Umayos ka agad ako ng umupo.

"It's okay." Ngumiti siya sa akin at inayos ang nagulo kong buhok. Hinayaan ko lang siyang ayusin yon havang nakatingin lang ako sa magaganda niyang mga mata. I can see his sincerity. Does he like me? What the hell Xiana, Why are you thinking about that.

Stay With MeWhere stories live. Discover now