Chapter 15

4 2 0
                                    

Napaharap ako sa tumawag sa pangalan ko na walang iba kundi si Cato, nagtataka itong nagpapabalik balik ang tingin sa amin ni Waze.

"Napansin kong ang tagal niyo kaya hinanap ko na kayo? What's going on?" Tanong ni Cato.

Napatingin naman ako kay Waze na nag-iwas lang ng tingin, kalaunan ay lumakad na siya at napailing nalang ako ng banggain niya si Cato na mukhang nagulat rin sa ginawa ng isa.

"What his problem?" Tanong ni Cato sa akin.

"Uhm, huwag mo nalang siyang pansinin. Badtrip lang, ako na rin ang humihingi ng tawad sa pagsangga niya sa'yo, hindi niya 'yon sinasadya." Bagkus ay saad ko imbes na sagutin ang tanong niya.

Hindi ko naman pwedeng aminin na siya ahh problema ni Waze lalo na at wala naman siyang ginagawang masama rito.

Sabay na kami ni Cato bumalik sa ice cream store at nadatnan naming kinakausap ni Vaire si Waze na tila hindi naman nakikinig sa kaniya at suplado pang nakaiwas ng tingin.

"Huy, andito na pala kayo. Ubos na rin ang mga ice cream natin, ayos lang ba kung mag arcade naman tayo?" Tanong ni Vaire pagkakita sa amin.

"Sure! Grabe parang ang tagal rin nating hindi nakapaglaro doon!" Tugon ko.

"Yown! So ano pang hinihintay? Tara na! Waze tara na at ilaro nalang natin 'yang kinaiinisan mo!" Sabi ni Vaire at hinatak si Waze na nagpahatak naman at nauna pa ang dalawa kaya natawa ako bago kami sumunod ni Cato.

Nang makarating sa may arcade ay agad nagpapalit ng token si Vaire na sinundan naman ni Cato.

Nang makapagpalit ay agad na kaming hinatak ni Vaire sa mga laro, una niyang sinubukan ang claw machine na puro daya lang naman dahil halos wala pa akong nakikitang nanalo sa ganito.

Naka tatlong subok pa si Vaire bago ko siya hinatak sa iba pang mga laro na mas worth it kesa sa claw machine.

At sa tingin ko ay nasa tamang desisyon naman kaming gamitin ang mga token sa larong may premyong ticket. Talagang bata palang ako ay nag-iipon na ako ng ticket sa mga ganito para ipalit sa mga bear o di kaya ay laruan.

Nagulat nalang ako ng may kuromi stuff toy ang naglahad sa gilid ko, pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko ang namumulang pisngi ni Cato.

"Uhm... I got this, I'm not a fan so yeah this is yours now." Saad niya habang nakalahad ang laruan.

Nanlaki naman ang mata ko at agad iyong kinuha sa kaniya.

"Oh my! Kuromi!" Tili ko at niyakap si Kuromi.

Actually, kanina ko pa ito tinitingnan at kaya rin hinayaan ko si Vaire na makatatlong laro doon ay nagbabakasali akong makachamba siya at hindi ko naman inakala na marunong pala sa ganoong laro si Cato.

"Thank you! Kung hindi mo natatanong, isa si Kuromi sa mga favorite ko kaya super thankful ako sa'yo heheh." Saad ko habang tinititigan si Kuromi.

Napaka cute talaga!

"Uh you're welcome... And uh Happy Valentine's Day." Napaangat ang tingin kong muli kay Cato dahil sa sinabi niya gano'n rin ang dalawa kong kaibigan.

"WHAT VALENTINE'S NGAYON?"

"Valentine's day ngayon?"

Sabay na tanong ni Vaire at Waze.

Napabalik balik naman ang tingin sa kanila ni Cato bago mabagal na tumango.

"You don't know? I thought kaya kayo magkasama ngayon ay dahil nag-celebrate—"

"Man, stop right there. We're Clueless okay? So stop assuming that our gala is a type of some valentine shit." Pagputol ni Waze sa sinasabi ni Cato.

"Huy! Waze, ang harsh mo naman! Sorry Cato ah, masyado lang talagang matalas ang dila niyan at oo hindi talaga kami aware na Valentine's ngayon tho may mga nakikita na akong couple na may mga hawak na bulaklak but hindi ko naisip na dahil pala sa 14 ngayon." Saad ni Vaire.

"Anyways, We should continue having fun! Also let's celebrate this valentine's day together!" Pagpapabalik sigla ni Vaire kaya naman naghanap pa kami ng ibang laro at sakto namang bakante ang basketball na laro kaya doon kami pumunta.

Saktong sakto talaga dahil dalawa ang bakante kaya naman tig-isa sila Cato at Waze ng laruan.

Sabay silang naglaro at sa unang shoot palang ay bokya na si Waze habang si Cato naman ay naka 3 pts agad.

Agad kong nilabas ang phone ko at kinuhaan ng video ang dalawang manlalaro.

Manghang mangha ako sa husay ng bawat tira ni Cato, halos lahat pasok habang si Waze ay sakto lang ngunit mas lamang ang hindi niya pagka shoot.

Pansin kong naiirita na si Waze dahil mas nanggigil na ito maglaro kada nakikita niya ang pag shoot ni Cato at hanggang sa matapos ang laro ay sabay-sabay kaming napasigaw kasama ng mga nanonood ng maka 40 pts si Cato habang 15 pts naman si Waze.

"Wooooow! Hindi ko akalain na may tinatago ka rin palang skills pagdating sa bola ah Cato, angas grabee pano ba yan panis ka na naman ni Cato, Waze?" Pabirong saad ni Vaire ngunit hindi ata iyon tinatanggap ni Waze at pabalang na tinanggal ang kamay ni Vaire sa balikat niya at lumabas ng arcade.

Agad naman namin siyang sinundan tatlo.

"Hala? Bakit naman ang init ng ulo ni Waze? Nagbibiro lang ako ah. Usually naman nakikisabay siya sa akin bakit ngayon parang napikon?" Tanong ni Vaire habang hinahanap namin kung saan nagpunta si Waze.

Sa bilis kasi niya tumakbo ay hindi na namin nasundan.

"Excuse me, I'll check the men's bathroom." Saad ni Cato at napatango nalang kami.

Hinintay nalang namin sa labas ng cr ang si Cato at nagbabakasakaling nando'n niya mahanap si Waze.

Pero pareho kaming nagulat ni Vaire nang magtakbuhan palabas ang mga tao sa cr.

Napaatras nalang rin kami ng lumabas ang sanhi ng pagkataranta ng mga tao.

Dahil si Waze at Cato pala ay nagsusuntukan!

Itutuloy.
❄️
Huyy long time no update hehehhez sorry poooo, na busy ako this past few weeks talaga. 2nd sem na rin kasi at no joke para siyang parusa sa mga kasalanan ko bwhahaha anyways it's late but still...

Happy hearts Day my loves! May all your hearts field with love and joy, Happy heart months everyone!
🤍❤️🧡💛💚💙💜🤎🖤💖

Wise Path To YouWhere stories live. Discover now