Tinulak ako ni Cassy at sinugod si Ingrid ngunit humarang ako. Mariin ko s’yang tinignan kaya napaatras s’ya. 

“Tama na, Cassy,” sabi ko. “Hindi pa ba kayo tapos? Tingnan mo nga ang sarili mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”

“Tumabi ka diyan at hayaan mo akong kausapin si Ingrid!” sigaw ni Cassy. “Wala kang alam sa ginawa ni Ingrid kaya manahimik ka at umalis ka sa daan ko!”

Umiling ako ngunit tinapik ako ni Ingrid kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lang s’ya at marahan akong tinulak. Kahit may band aid ang noo ni Ingrid maging ang pisngi niya ay lumilitaw pa rin ang ganda niya. Napailing ako at huminga ng malalim pero bago ’yon napasinghap ako nang makita si Ingrid na pinaglalaruan ang kutsilyo niya. 

“Gusto mo bang dagdagan ko ’yan?” tanong ni Ingrid. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya.

“You should be thankful that someone saved you last night dahil kung hindi? Patay ka na sa harapan namin,” sabi ni Cassy. “Kagaya ng ate mo… nakahandusay ka na din sa harap ng school na ’to!”

“Pangit pakinggan,” ngumiti si Ingrid. “Mas gugustuhin ko pang makita kang nakahandusay at duguan kaysa kay Ivory pero mas maganda rin… na sa pag tulog mo…nandoon ang ate ko.” Tila nang-aasar ang boses ni Ingrid. 

“A-Anong sabi mo?” tanong ni Cassy. 

“Kasama ka sa pagpatay sa ate ko, Cassy. Witness kayong dalawa ni Manuel pero dahil takot kayo at may masama kayong ginawa sa ate ko, hinayaan niyo s’ya,” sabi ni Ingrid. 

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Ingrid. Kitang-kita ko na hindi niya na nagugustuhan ang nangyari dahil maraming nadadamay. Hindi ko alam paano ako babawi kay Ingrid at maamin sa kanya na mahal na mahal ko ang ate niya. Napailing ako at mabilis na umalis habang nag-uusap silang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ’to.

“Okay ka lang?” tanong ni Lance. Tinignan naman ako ni Timothy. 

“Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa school. Natatakot lang ako sa maraming possibilities na baka katulad noon… maging miserable na naman ang dating maayos na school,” sabi ko. 

“Wala tayong magagawa dahil Dela Torre ang involve dito. Hindi gagawin ng mga Dela Torre ang ipadala ang isa pang alas nila… kung walang gulo na mangyayari. Ang kailangan nating gawin ay ’yung tama at maging kakampi ni Ingrid,” sabi ni Timothy. 

Huminga ako ng malalim at tumango. Maya maya lang ay pumunta ako sa nasunog na basement at pinagmasdan ang basement na nasunog. Habang tinitignan ang mga ’yon ay may narinig akong mga yabag kaya mabilis akong nagtago. 

“Ano na ang balak natin? Alam na ni Ingrid!” boses ni Ian. 

“Tang ina hindi ko alam!” boses ng isa pa. 

Kumunot ang noo ko at sinilip ang nangyayari. Dalawa lang silang nag-uusap. Nakatalikod si Ian habang nakaharap naman sa gawi ko ang isa pang lalaki. Kumunot ang noo ko at mas lalo pang pinakinggan ang dalawa. 

“Wala pa sinasabi si daddy kung ano ang dapat gawin. Mukhang may hinihintay s’ya at hindi ko alam kung ano ’yon.”

“Tang ina… kating-kati na akong patayin ’yang Ingrid na ’yan!” sigaw ni Ian. 

Humarap ang lalaki sa gawi ko at natigilan ako nang makitang tanggalin nito ang maskara na nakabalot sa buo niyang mukha sa harap ni Ian. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na tama nga si Ingrid, na iisa lang silang dalawa!

“Kakausapin ko si daddy at ikaw na ang bahala dito,” sabi ni Ian. “Kuya Ian magagawan ko ng paraan ang lahat ng ’to.”

“Nangangati na ako Israel… nangangati na akong patayin si Ingrid!” Nilabas ng totoong Ian ang lighter. 

Napasinghap ako at tila naging konektado ang mga tuldok sa utak ko. Ang totoong may-ari ng lighter ay si Ian. Natigilan ako nang mapagtanto na magaling magtago ang kambal sa lahat. Tinignan ko silang muli na parehong naninigarilyo. 

“May isa pa tayong problema, ang taong nagligtas kay Ingrid kagabi. Kilala mo ba?” tanong ng may pangalan na Israel. 

“Hindi pero alam kong Dela Torre ’yon,” sabi ni Ian. “Gusto kong alamin mo ’yon.”

Tumango ang may pangalan na Israel at napatingin sa gawin ko. Nanlaki ang mga mata ko ngunit bago pa ako makagawa ng hakbang ay may nagtakip sa bibig ko kaya nanlaki ang mga mata ko. 

“Shh…” mahinang sabi niya at binitawan ang bibig ko.

“S-Sino ka?” tanong ko. “At paano mo nalaman na nandito ako?”

“Mahalaga pa ba ’yon? Nasaan si Ingrid?” tanong niya.

Napa kurap ako at tinignan ang babaeng nasa harapan ko. Seryoso ang mga mata niya at malakas ang pakiramdam ko na isa s’yang Dela Torre. 

“You’re a Dela Torre?” tanong ko. 

Tinignan niya lang ako bago umayos ng tayo nang makitang wala na sila Ian. 

“Pinadala ka rin ba ng—no… ikaw ang tumulong sa amin kagabi,” gulat na sabi ko at napatingin sa palaso na nakalagay sa bag na nasa balikat niya. “Isa ka rin ba—”

“Kailangan kong makausap si Ingrid sa lalong madaling panahon. May kailangan akong sabihin sa kanya. Kaya mo ba akong tulungan?” tanong niya. 

Mabilis akong tumango. Ngumiti s’ya at agad na tumango pabalik.

Du Mort University: The Untold MysteryWhere stories live. Discover now