Chapter 14

6 2 0
                                    

Lahat kami ay pare-parehong napatingin sa bumalik na si Cato, muli na itong umupo sa upuan at si Vaire naman ay patuloy pa rin ang panunukso kahit na nandito na ang chinichismis niya.

"Do you still want anything?" Tanong ni Cato na siyang nagpatahimik kay Vaire.

Pinanlakihan ko naman ng mata si Vaire at ang gaga ay tila walang pake at patuloy lang na nakangiti.

"Sus, dami alam." Hindi nakatakas sa akin ang bulong na iyon ni Waze, napatingin sa kaniya si Cato na tingin ko ay narinig rin ang bulong ngunit wala namang sinabi at binalik lang ang tingin sa akin.

"Ah, wala na busog na ako." Sagot ko na tinanguan naman niya.

"By the way, That's Elaira." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Cato.

Elaira? Sino 'yon?

"Ha? Sino?" Takang tanong ko.

"The one who keeps calling me, siya rin ang nakausap mo nung isang araw." Paliwanag niya. Napatango tango naman ako.

"She's my classmate in college, we're not really close but I acknowledge her as one of my closest friend." Patuloy pa ni Cato.

"Ay gbf? Balita ko panget at red flag daw yung mga may girl best friend kasi sila daw yung nakakasira ng relationship ng mag couple? Well rinig ko lang naman 'yon." Biglang sabat ni Vaire kaya naman napatingin sa kaniya si Cato.

"Really? Do you think I should avoid her?" Maging ako ay nagulat sa naging tanong na iyon ni Cato.

Bakit ba siya nakikinig kay Vaire?

"Ay kung ako ha kung ako lang naman ang tatanungin, mas pipiliin ko nalang talagang maging single kesa magkaroon ng boyfriend na may gbf ay naku big red flag kasi rin iyon for me." Sagot naman ni Vaire.

Napatango tango naman si Cato.

"Magkasing-edad ba kayo non, Cato?" Tanong pa ni Vaire.

"Yup, why?"

"Ito ha, Cato. Makinig ka. Kung may natitipuhan ka na ngayon palang iwasan mo na 'yang si Elisha ba 'yon? Basta yung babae na tawag nang tawag sa'yo. Kasi once na mag enter ka na sa relationship, for sure na hindi kayo magtatagal kung mag gbf ka na gan'yan, tawag nang tawag." Saad ni Vaire.

Nakikinig lang kami ni Waze sa sinasabi ng babaita.

"It's Elaira, And I think I would consider your advice. I'm eyeing on someone na rin kasi and I don't want her to overthink because of Elaira so  will talk to her later." Saad naman ni Cato.

Wow, may nagugustuhan na pala siya.

Siguro kung ako ang nagugustuhan niya at malaman kong may tawag nang tawag sa kaniyang babae ay magagalit rin ako, pabor ako sa mga sinabi ni Vaire kasi oo nga naman mahirap kapag may ibang babaeng malapit sa boyfriend mo.

"As you should! Saka baka naman pwedeng malaman ang nagugustuhan mo, Cato. Baka lang naman ano." Saad pa ni Vaire.

Napangiti naman si Cato bago tumingin sa akin.

"Actually, I really want it to keep private until I confess to her so for now I can't tell." Sagot ni Cato habang matamang nakatingin sa akin.

May ibig sabihin ba 'yang mga tingin mo na 'yan?

"Woah! Kahit clue bawal? Well sige okay lang naman hintayin ko nalang na makapag confess ka sa kaibigan este sa bet mo at Good luck! Sana ay may magandang kalabasan 'yang pag coconfess mo sa kung sino man ang natitipuhan mo." Parang may lamang sabi ni Vaire.

"Cr lang ako." Saad bigla ni Waze at tumayo na para pumuntang Cr.

Sinundan ko naman siya ng tingin, nagtataka ako dahil sa pananahimik niya na oo nga at talagang tahimik siya pero hindi naman ganito na talagang hindi na siya nagsasalita at saka kami kami lang naman ito.

Kaya naman nagpaalam muna ako sa dalawa na mag cr rin muna pero ang totoo ay aabangan ko si Waze para makausap.

Naghintay ako sa may labas ng hallway ng cr, wala kasing cr doon sa ice cream store pero buti ay malapit lang sa tabi non ang pinaka cr ng mall.

Maya maya ay natanaw ko na si Waze at nagulat pa siya nang makita ako, hinatak ko siya sa medyo walang taong parte ng mall at saka binitawan.

"Bakit mo ako dinala dito? Iniwan mo sila?" Tanong ni Waze.

"Oo nagpaalam ako, hindi na kasi ako makatiis. May problema ka ba? Bakit ang tahimik mo? Ni halos hindi ka nakikisali sa usapan doon kanina." Saad ko.

"Ayos lang, hindi lang ako makasabay sa usapan niyo kaya mas pinili ko nalang manahimik. Ayon lang ba? Tara na balik na tayo." Yaya niya at hinawakan ang kamay ko para maglakad na pabalik pero pinigilan ko siya.

Napatingin siya sa akin na may halong pagtataka.

"May problema ka ba kay Cato?" Diretsahang tanong ko.

Napapansin ko na ito at hindi ko nalang talaga pinupuna pero ngayon ay hindi ko na kaya, ayokong may hindi nagkakaayos lalo na kung pareho silang malapit sa akin at magkikita at magkakasama kapag kasama ako.

"You know the answer. I'm sorry, Saffi. But I think hindi talaga kami magkakasundo, may mga kilos siyang hindi ko nagugustuhan at hindi ko naman iyon tinatago but I still respect him." Ani ni Waze.

"Ano? Ano ang hindi mo nagugustuhan sa kaniya? Waze, Cato is a good man. At saka di ba nga nasabi ko naman na sa'yo na hindi pipili si mama ng masamang tao para makasama ko? Just understand him, maiintindihan mo rin kung bakit si Vaire ay magaan ang loob sa kaniya." Paliwanag ko.

"I don't like the way he looks at you. It's the same as I look to you and it's freaking irritating! Lalaki rin ako, Saffi kaya alam ko ang mga galawan niya. It's obvious na may gusto siya sa sa'yo—"

"Waze! Stop it, Halos apat na taon ang tanda niya sa akin and I'm just 17. You know me, hindi ako pumapatol sa parang kuya ko na. And please napag-usapan na natin ito di ba? Na i set aside mo na 'yang kung anumang nararamdaman mo sa akin. Ayokong masira ang friendship natin." Pagputol ko sa sinasabi ni Waze.

"Saffiasia?"

Itutuloy.
❄️
Hala si Bbf naman seloso, nasaan ang karapatan po???

Wise Path To YouWhere stories live. Discover now