Chapter 9

9 3 5
                                    

Tumabi ako sa may gilid at pumasok naman siya, sinara ko ang pinto at sinundan si Cato. Natagpuan ko siya sa may kusina at umiinom ng tubig.

"Cato, bakit ka uminom?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at sinundan ko lang siya nang tingin nang tingin nang umalis siya ng kusina at pumuntang sala, maya maya ay sinundan ko na rin siya roon.

Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa habang anakasandal dito, nakalagay rin ang magkabilaan niyang braso sa sandalan nito.

Nakapikit ang mga mata niya at mukha na siyang inaantok pero kung inaantok na siya bakit hindi pa siya pumunta sa kwarto niya at matulog?

"Cato, umakyat ka na sa kwarto mo." Muling sabi ko.

Katulad kanina ay hindi ulit siya kumibo, ni hindi man lang siya gumalaw sa kinauupuan niya at tila walang naririnig.

So ano? Hangin lang ako dito?

Hindi na ako nakatiis pa at nilapitan siya, kinalabit ko siya pero wala dedma.

Ni hindi man lang dumilat ang loko.

"Cato, naririnig mo ba ako? Ang sabi ko umakyat ka na sa kwarto para makapag pahinga." Saad ko sa ikatlong pagkakataon na umaasang papakinggan niya na ako.

Naiinis na talaga ako lalo na nung hindi pa rin siya kumikilos, aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at sa gulat ko ay hindi ko nabalanse ang sarili at napaupo sa kandungan niya.

"Ayy! Cato!"

"Don't leave. Please." Tanginang sinabi niya.

"H-ha? E gabi na e. Saka lasing ka, umakyat ka na rin para makapagpahinga ka na." Saad ko.

"Can we stay like this? Just a little longer please I just wanna do this... I miss you, I'm sorry." Bulong niya na halos hindi ko na maintindihan.

Paano e halos nakasubsob na siya sa leeg ko at medyo nakikiliti na rin ako sa pagtama ng hininga niya sa may leeg ko.

"Huh? Ano ba sinasabi mo? Hindi na kita maintindihan saka ano ba nakikiliti na ako e." Sabi ko at akmang aalis na sana nang mas higpitan niya ang yakap sa akin.

"I want to stay like this forever... You in my arms feels unreal. I never imagine that I can do this to you, Saffiasia you..." Hindi ko na talaga naintindihan ang mga sinasabi niya hanggang sa maramdaman ko nalang na tuluyan na siyang nakatulog.

Nagawa ko na rin makalas ang yakap niya at tumayo, at dahil hindi ko naman siya kayang iakyat pa sa kwarto niya ay inayos ko nalang ang higa niya sa sofa.

Tinanggal ko rin ang sapatos niya at binabaan siya ng kumot dahil malamig sa gabi.

Nang makampante na ako sa ayos niya ay umakyat na ako sa taas upang makatulog na rin.

Panatag na ako dahil nandito na siya.

Nandito na si Cato.

Kinabukasan ay sabado naman kaya walang pasok at pwedeng hindi ako maaga gumising kaya naman pasado alas dyes na ako nagising.

Bumaba na ako at nagtaka nang wala pang nakahain na pagkain, usually kasi ay kahit weekends ay laging may pagkain na sa mesa.

Sinilip ko naman siya sa may sala at gano'n nalang ang pagtataka ko nang madatnan siyang tulog pa.

Huh? Si Cato tulog pa sa ganitong oras?

Hindi ko nalang siya pinansin at nagluto nalang ng almusal para sa akin, for sure ay may hangover siya pagkagising kaya gumawa na rin ako ng soup para may makain na siya pagkagising.

Natapos na ako lahat lahat magluto at kumain ay tulog pa rin siya, mag 12 na rin ng tanghali at lumamig na ang soup na ginawa ko ay himbing na himbing pa rin ang tulog niya.

Aakyat na sana ako sa kwarto ng marinig ko ang cellphone niya na tumutunog.

Nakalagay yon sa may mesa sa sala kaya naman kinuha ko at tinignan ang tumatawag, hindi naman nakarehistro ang numero at hindi ko rin sinagot ngunit muli itong tumawag kaya naisip kong baka importante at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello? Who's this? Bakit ikaw ang sumagot sa phone ni Cato? Don't tell me hindi umuwi si Cato at nasa hotel kayo ngayon!?" Boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya at nailayo ko ito nang lumakas ang boses niya.

"Ah hindi po, Ako po si Saffi kasama ni Cato dito sa bahay, ako po yung inaalagaan niya. Bakit po pala kayo tumawag? Sabihin ko nalang po pagkagising niya." Paliwanag ko.

"Oh? Saffi? That's familiar. Anyways are you serious? Tulog pa ang lokong 'yan? Gisingin mo! Sabihin mo may lakad pa kami mamayang 3pm, naka schedule na 'yon hays siguro ay dami na naman niyang nainom. Oh siya, wake him up! Okay? Dapat by 2pm nakaayos na siya para sunduin ako. K bye!" Pagkatapos ay namatay na ang tawag at tinignan ko lang ang numero nitong walang pangalan at ni hindi rin naka save.

Sino ba siya? At bakit alam niyang uminom si Cato?

Nagkibit balikat nalang ako at inisip kung gigisingin ko ba talaga si Cato.

Pero mukha pang ang sarap sarap ng tulog niya pero ang sabi ng babae kanina ay may lakad pa sila mamaya.

Mas pinili ko nalang na sundin ang babae at saka anong oras na rin naman upang makakain pa siya at maayos ang hangover.

"Cato, Cato, Cato!" Kalabit ko kay Cato na ilang minuto pa bago bumangon.

Sa huli ay nagising ko rin ito, pikit pikit pa ang mata nitong umupo sa may sofa habang nababalutan ng kumot.

Hindi ko alam kung paanong wala na siyang pang itaas pero ayon wala nga.

"What time is it?" Tanong niya, tinignan ko naman ang oras at sinabi sa kaniya.

"12:10 na, tumawag yung babae mo may lakad daw kayo mamayang 3pm kaya pinagising ka niya, may niluto rin akong soup. Kainin mo at inom ka na rin ng gamot para sa hangover, ge akyat na ako." Saad ko at hindi na siya muli pang hinintay na magsalita at umakyat na nang kwarto.

Breakfast palang ang kinain ko at sa tingin ko ay mamaya pa ako ulit magugutom at lunch na rin kaya baka magpaorder nalang rin ako.

Ala una nang magpadeliver ako ng pagkain at wala na rin sa baba si Cato pagkakuha ko sa pagkain, wala na rin ang kotse niya na ayon pala ang narinig ko kaninang umalis.

Hindi man lang nagpaalam.

Itutuloy.
❄️
Bakit magpapaalam??
Uy btw tapos na ang chap 9-12 hehe pero 1 chapter per day lang para hindi naman maging super bilis or depende sa mood ko hehehe



Wise Path To YouWhere stories live. Discover now