01

343 5 1
                                    

"Estella, sandali lang!"

Sigaw ng kaybigan ko habang tumatakbo papunta sa akin. Hingal na hingal itong huminto sa tabi ko.

"Bakit ka ba kase tumatakbo?" 

Tanong ko dito. Binigyan ko ito ng tubig ko. hinintay ko munang kumalma ito bago kami mag lakad ng sabay.

"May sasabihin kase ako sayo." 

Hay nako! ito na naman siya meron na naman siyang nasagap na chismis. 

"Ano na naman bayun Meggan?" 

Tanong ko dito habang nag nag lalakad. Papunta na kami sa unang klase namin. Classmate ko rin si meggan at nasa grade 8 na kami ngayon.

Bestfriend ko din talaga si meggan simula pa nung grade one kami at simula nun ay hindi na kami mapag hiwalay.

Mayaman ang pamilya ni meggan pero ewan ko ba sa babaeng ito mas gusto niyang pumasok sa maliit at mainit na public school na pinapasukan namin.

Kung ako lang masusunod papasok na ako sa mahal na school yung may aircon at syempre yung maganda ang uniform.

Natanong ko narin si meggan tungkol dito bakit ayaw niya sa private school kase kaya naman ng magulang niya. 

Ang sabi niya lang sakin ay mas gusto niya daw makasama ang mga taong katulad namin kesa sa mga mayayaman na nag aaral sa private.

Oo mayaman sila pero si meggan ay hindi maarte' siguro ay dahil narin sa pag papalaki ng magulang nito sa kaniya. Ayaw niya daw kase sa mga matapobre at maaarteng tao na akal nila ay sobrang linis.

Isa rin ito sa nagustuhan ko sa kaybigan kong si meggan. Hindi lang maganda at matalino kundi mabait pa.

"Me and my parents will decided to celebrate my fifteen birthday In our resort in zambales and I want you to be there." 

Sigurado ako na puro mayayaman ang bisita dun at hindi ako bagay dun. Pero baka naman kase mag tampo si meggan kung di ako pupunta.

Tska balita ko masarap ang mga pagkain sa mga ganun. Lagi naman akong invited sa lahat ng birthday party ni meggan pero ngayon lang sila hindi sa bahay gaganapin.

"M-may gagawin kase ata ak-"

Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni meggan ang kaniyang tenga.

"Wala akong naririnig! wala wala wala wala!" 

At nauna na itong mag lakad papuntang room.

"Meggan, teka lang naman!" 

Sumunod na ako sa kaniya. Hindi talaga na hindi siya papayag na hindi ako kasama. Naaalala ko tuloy yung sinabi niya sakin na okay lang kahit walang bisita na dumalo sa mga birthday party niya basta ang importante nandun ako.

Kaya kahit  minsan nakakainis at ang kulit kulit ni meggan ay mahal na mahal ko ito na parang kapatid.

Mag isa nalang kase talaga ako sa buhay simula ng pumanaw ang magulang ko dahil sa isang car accident. kaya simula nun ay natuto na akong mag isa.

Pero ako ay pansamantalang tumutuloy sa bahay ng tita vanessa ko. Kapatid siya ng nanay ko at sa kaniya din ako binilin ng yumao kong ina.

Natapos na ang klase namin ni meggan kaya naman ay nag lalakad na kami sa hallway at lumabas na.

Pumayag narin ako sa gusto ni meggan napumunta ako sa birthday niya at isasabay na lang daw nito sa kanila para daw hindi na ako mamasahe dahil medyo malayo daw yun.

"Oh basta ah save the date estella don't forget we will wait for you at the house tommorow." 

Paalala nito sa akin. Naka ilang ulit na ba siyang paalala sa akin?

"Oo na pupunta ako wag ka mag alala."

Kita ko naman ang saya sa mga ngiti niya. kaya naman masaya ako dahil napapasaya ko din siya.

"Sige na nandito na ang sundo ko." 

Nakita ko ang itim kotse na dumating at lumabas ang driver nila. Piang buksan ng pinto nito si megga. pero bago pa pumasok si meggan ay tumingin ito ulit sa akin.

"Sumabay kana kaya samin?"

Aya nito sa akin. Tumanggi na lang ako dahil sobrang lapit lang ng bahay namin dito sa school at iikot pa sila panigurado.

"Salamat na lang meggan pero wag na, Sige na mag ingat ka."

Kumaway ako dito at gayun din siya sa akin. Sumakay na ito at and driver din. Ng maka alis ang sasakyan nila meggan ay nag lakad narin ako pauwi.

Ng makauwi ako ay naabutan ko si tita na nag wawalis sa labas ng bahay. 

"Andito na po ako mama." 

Mama ang tawag ko dito nung maliit pa ako hanggang ngayon. Gusto rin kase ni tita na tinatawag ko siyang mama dahil poarang anak niya na din daw ako.

"Oh, bakit ang aga mo yata ngayon ella?" 

Nag mano ako dito at binaba muna ang bag na dala ko sa upuan. kinuha ko sa kaniya ang walis para ako na ang mag tuloy.

"Wala po kase kaming teacher sa huling klase namin kaya po pina uwi na lang po kami."

Sagot ko dito. Matandang dalaga ni tita, hindi na siya nakapag asawa dahil nag trabaho ito ng matagal sa japan.

"Kumain ka na muna, ikaw talagang bata ka kakauwi mo lang' ako na dyan at pumasok kana."

Kinuha ulit ni tita ang walis kaya naman ay diko na pinigilan ito, nagugutom narin naman ako eh.

Ng makapasok ako ay dumiretyo muna ako sa kwarto ko para makapag palit ng damit. Ng matapos ako ay pumunta na ako sa kusina.

Nakita ko na nag luto si tita ng sinigang pero kangkong at okra lang ang laman. Pero kahit na ganto lang ang ulam ay sobrang sarap mag luto ni tita.

Ng matapos ako kumain ay lumabas muna ako tinignan si tita sa labas. Naabutan kong umiinom ito ng tyaa.

"Tita..."

Tawag ko dito. Lumingon naman ito at nginitian ako.

"May kaylangan ka ba?" 

Lumapit ako dito at tumabi sa kaniya. Siguro mag papaalam narin ako para bukas.

"Ah..tita gusto ko po sana mag paalam bukas, birthday po kase meggan at gusto po niya akong nandun."

Tumango tango naman si tita habang nakikinig sa sinasabi ko.

"Ganun ba, oh sige basta mag iingat ka."

Paalala nito sa akin at nag pasalamat narin ako dito. Ang swerte ko talaga dahil kahit wala na ang totoong nanay ko ay parang hindi ako nag hahanap ng kalinga ng isang ina dahil kay tita.

Kung nasaan kaman nay, maayos ako dito at inaalagan at minamahal ako ng tita ng sobra.







Your Not My BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon