Hindi ko na sila pinansin at tumingin ako sa paligid, nakita ko sila Eyen at Aiden kasama yung Ex Boyfriend ko at Ex bestfriend ko, kaya bigla kong niyakap si Gemini, at alam ko nagulat sya sa ginawa ko pati rin yung mga kasama namin

"Mahal? Okey ka lang?" pag-alala nyang tanong

Hindi ako sumagot, pero tumanggo lang ako; hinigpitan ko yung yakap ko.

"Anyari dyan?" tanong ni no
"Bakit bawal ba yakapin yung Fiancé ko?" tanong ko

Kumalas ako sa pag yakap, sabay tumingin sa kanila, At nag smile maya maya dumating na din sila Aou, Boom, Joong at Dunk

"Sa wakas tapos na rin kayo" sabi ni Uno
"Kanina pa yan nag reklamo" sabi ni Khao
"Oo nga pati rin si Pond" sabi ni Phuwin
"Gagoo, ako lagi nakita nyo" reklamo ni Pond
"Tara na nga gutom na ako" sabi ko
"Tara" sabi ni Gemini
"Teka pano kaming basa" tanong ni Joong
"Alangan naman pumunta kayo dun na basa" sabi ko
"Malamang mag bihis muna kayo" sabi ni Gemini
"Pwede din naman hindi, pero Good luck sa lamig" sabi ko
"bihis muna kami, tara na Phuwin" sabi ni Pond
"Anong bilis, hindi na kayo basa at mahigit 1 hour na kaya kayo nandito na kasama namin, gumawa ka lang ng excuse para masulo si Phuwin eh" sabi ko
"Kaya nga, makakasama mo naman sya eh, mamaya na" sabi ni Gemini
"Inamo Gemini at Fourth" sabi ni Pond
"Later na lang" sabi ni Phuwin sabay hatak kay Pond paalis
"Kami din" sabi ni Dunk
"Kami din pala hihihi" sabi ni Khao
"Same" sabi ni Boom
"Dun na lang kami maghihintay sa inyo ah" sabi ko
"and sinabihan ko na sila Dad, on the way na daw sila" sabi ni Gemini

Tumanggo lang kami, umalis na din sila Joong, Dunk, Uno, Khaotung, Aou and Boom, at inalalayan ako ni Gemini patayo, dumiretso na kami ni Gemini sa Restaurant, pag dating namin wala pa sila kaya, umupo na kami sa favorite spot namin at pina reserve talaga namin, at buti na lang available pa yung favorite spot namin, sobrang tanaw yung dalampasigan, umupo na kaming dalawa.

"Later na lang tayo umorder pag dating nila" sabi nya
"Okey hindi pa naman ako gutom eh" sabi ko

Tumanggo lang sya at tumitingin sa Menu, ako namam tinitignan ko lang yung Dalampasigan, after 2 minutes tumingin ako sa kanya

"Mahal, Cr muna ako ahh" paalam nya
"Sige Mahal" sabi ko

Tumayo na sya agad naman umalis, kinuha ko yung phone at ichat yung mga kaibigan ko, nang may biglang kumalabit sakin kaya napatingin ako at nakita ko sila Aiden at Eyen kasama sila Mick at Aungpao, my ex bestfriend and my Ex boyfriend, bigla akong kinabahan

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Aiden
"Nakita mo na nga nakaupo yung tao eh, nag tatanong ka pa ng obvious" sabi ni Eyen
"May business trip kasi kami dito, tapos Qiuck Vacation na rin kasama ang Barkada, at magiging Pamilya ko" sabi ko
"May pamilya ka na pala?" Tanong ni Mick
"Yahh, may dalawang Anak na rin" sabi ko
"Ahh akala namin kaya ka nandito para sa Reunion natin" sabi ni Aiden
"No! Nagkataon lang, dito yung business trip namin" sabi ko
"Sinabihan ka kaya namin nag email at nag chat kami sayo pero hindi ka nag seen at nag reply" sabi ni Eyen
"Long time no see" bati sakin ni Mick, ex Bestfriend ko
"Same" sagot ko
"Kamusta ka na?" tanong ni Aungpao
"Feeling close" bulong ko
"May sinasabi ka?" tanong ni Aiden
"Ahh wala, sabi ko Okey lang ako" sagot ko
"nga pala asan mga kasama mo?" tanong ni Eyen
"Nas-"

hindi ko natapos yung sasabihin ko biglang dumating sila Joong, Dunk, Uno at Khao, at buti na lang hindi si Phuwin, kundi magkaka world war 5 talaga, pero hindi din tayo sure kong magkaka world war 5 ba ngayon

"Fourth" Tawag ni Joong sakin kaya napatingin kaming lahat sa kanya
"Ohh hi Aiden, Hi Eyen" bati ni Dunk
"hiii" bati rin ni Eyen
"Sino yung kasama nyo?" tanong ni Uno sabay turo kila Aungpao at Mick
"Ahhh sila Aungpao Ochiris at Mick Metas mga kaibigan namin ni Fourth" sabi ni Aiden
"They used to be my friends, when we were in high school." prangka kong sabi kanila kaya napatingin silang lahat sakin
"Pero-" hindi natuloy yung sasabihin ni Aiden, biglang sumingit si Uno
"bakit anong nangyari?" Tanong ni Uno
"Ang chismoso mo" Khao
"Nag tanong lang eh" sabi ni Uno
"Nice too meet you Mick at Aunpao, Ako nga pala si Joong Archen si Dunk Natachai, First Kanaphan at Khaotung Thanawat, barkada kami ni Fourth" pakilala ni Joong

Nakita ko nag roll-eyes si Aungpao, at alam ko nakita din nila yun, nakita kong nagpigil si Uno at Joong na suntukin sya, nakahawak si Khaotung sa braso ni Uno, habang si Dunk naman pinalayo si Joong kay Aungpao.

"Nice to meet you all" singit ni Mick, kaya napatingin kami sa kanya
"Sino sa kanila yung Fiancé mo?" Tanong ni Aungpao
"Wala ka ng pake kong sino sa kanila yung Fiancé ko" sabi ko
"Nag tatanong lang naman ako, baka nag sinungaling ka lang na may Fiancé ka na, pero yung totoo wala talaga" asar nya

Ngumiti ako sa kanya at pinakita sa kanya yung SingSing nasa kamay ko

"Satisfied ka na sa sing-sing? at kong wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis" inis kong sabi
"nakapag Thailand ka lang sumama na ugali mo" sabi ni Aungpao
"Eh ikaw hanggang ngayon, yung ugali mo hindi parin nagbabago, basura parin, umalis na kayo dito, bago pa ako tumawag ni security" sabi ko
"Sino ka ba dito sa tingin mo" tanong nya
"hindi mo magugustuhan pag malaman mo, kaya umalis na kayo" sabi ko
"Tara na" aya ni Aiden
"tara na Aungpao" aya ni Eyen
"Anyways, una na kami ahh thank you sa time at sorry sa abala" Sabi ni Mick sabay hila kay Aungpao
"Paki tali nang maayos yung aso nyo baka tatahol ulit" sigaw ni Uno sabay tawa, tumawa din sila Joong, Dunk at Khao

Umiling lang ako pero sobrang nagulat ako kasi first time kong makita si Aungpao ibully, kasi dati walang may lakas ng loob ibully sya dahil anak sya ng isang Governor sa School namin, pero ngayon binubully na sya, at hindi nya pa kilala.

"Wag nyo nang ibully baka umiyak" sabi naman ni Joong at nag tatawanan ulit sila

New Characters Unlock:

Gemini's Parents:
Force Jiratchapong as Force Jiratchapong
Book Kasidet as Book Kasidet

Fourth's Ex Boyfriend and Bestfriend:
Aungpao Ochiris as Aungpao Ochiris
Mick Metas as Mick Metas

Arrange Marriage (Gemini-Fourth)Where stories live. Discover now