Part 2

83 1 0
                                    


Nasa oval ang ALE.  Pinag jogging sila ni coach Bundit.  Pagod na pagod na sila.  Halos lumabas na ang mga dila nila sa pagod.   Nasa pinakahuli sila Louisse at Bea.  Hinihintay kasi ni Bea si Louisse.

Pawis na pawis na silang lahat.   Mababagal na ang pagtakbo nila.

Bundit :  Water break!  Fifteen minutes!

Napabagsak naman silang lahat sa bermuda grass.  Nakahiga na silang lahat.

Nakadapa naman si Louisse.  Hingal na hingal.  Nasa tabi lang nya si Bea.  Hinahaplos ang likod ni Louisse.  Kahit paano ay nagbibigay pagpakalma ang ginagawa ni Bea.

Tumayo si Bea at kumuha ng dalawang gatorade.  Ibinigay nya ang isa kay Louisse.  Uminom naman si Louisse.  Konti na lang ang natira sa gatorade.

Louisse :  G-grabe.  K-kapagod.

Bea :  Bilis mo tumakbo.

Tiningnan naman ng masama ni Louisse si Bea.

Louisse :  Nananadya ka ba?

Bea :  Nope.

Louisse :  Kulelat nga ako, e.

Bea :  At least, you survived.

Louisse :  Yeah.  Pero labas dila na ako.

Natawa naman si Bea. 

Louisse :  Sakit ng paa ko, bhe.

Pa baby talk nito.

Tumabi pa si Bea kay Louisse.  Kinuha nya ang mga paa ni Louisse.  At minasahe na ito.  Napapikit naman si Louisse.  Habang minamasahe ni Bea ang paa ni Louisse ay nakatitig lang sya sa mukha ng kaibigan.  Maganda pa rin sya kahit pawis na pawis.  Kahit medyo magulo na ang buhok nya.  Tumayo si Bea at pumunta sa likod ni Louisse.  Tinanggal nya ang tali nito at sinuklay gamit ang mga kamay nya ang buhok nito.  Tinali nya ito ulit.  Nag massage sya ulit sa paa ni Louisse.

Louisse :  Thank you, bhe.

Nakapikit pa rin ito.

Bea :  Your welcome, bhe.


Pagkatapos ng water break at ang training na sila ulit.  Kung ano ano ang pinapabuhat sa kanila.

The team were so exhausted.  Pero, tuloy pa rin sila.   Halos matanggal na ang mga braso nila sa kakabuhat.    Isang sakong bigas, napakalaking gulong at kung ano ano pa.  Ito ang pinakamahirap na training nila.

Sabado ngayon at mabuti na lang at wala silang training bukas dahil Sunday.

Bagsak silang lahat pagkatapos ng traning.   Nakahiga sa bermuda grass silang lahat.

Bundit :  Next training Monday!

Napangiti lang silang lahat.  Magsisigawan sila kung di sila pagod na pagod.  Dalawang araw din ang pahinga nila.   Umalis na ang coaching staff at naiwan ang ALE na nakahiga sa bermuda grass.  Nakatulog na ang iba.    Pinunasan ni Bea si Louisse at isinakay sa kotse nya.  

Tahimik lang syang nag drive papunta sa dorm.  Nasa backseat si Louisse nakahiga.

Nang makarating sila sa dorm ay pinasan ulit ni Bea si Louisse at pumasok na ng dorm.

Dahan dahang inihiga ni Bea si Louisse sa kama.  Inalis nya ang shoes nito.  Hinubaran ng shirt at shorts.  Pinunasan nya muna bago bihisan ng malinis na shirt at shorts.

Naligo na si Bea at nagbihis.  Humiga na sya sa tabi ni Louisse.  Super pagod na pagod na sya.   Hinalikan nya muna ang noo ni Louisse at yinakap ito.  Nakatulog na sya dahil sa pagod.

Tulak ng Bibig, Kabig ng DibdibWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu