Kita ko ang pag-awang sa labi niya bago niya ako sinapak. Napahawak ako sa balikat ko at tinignan siya na hindi nakapaniwala.

“Miss? Ulol! Miss mo mukha mo!” sigaw niya.

Napatigil ang ibang estudyante nung sumigaw si Enitha. Halos ang iba ay bumubulong dahil halos nandito ay kilala kami, napabuntong hininga ako at sinundan ko agad siya, rinig ko ang mga reklamo niya sa akin kahit siya naman itong may atraso sa akin. ’Tong bruha talaga, hindi man lang magpa-awat, ako nalang lagi ang kasalanan.

“Sige na, sorry na.” usal ko nung nakabalik na kami sa waiting shed, ’kala ko ay pupunta siya kung saan, babalik lang pala dito. “Sorry na.”

Hindi siya umimik at kumain lang sa siomai na dala dala niya kanina palang na hindi nauubos. She ignored me just like what I did earlier. Great, the tables turned that quickly. Lumapit ako sakanya at napabuntong hininga.

“Hindi mo ako pinapansin kanina, kaya hindi sana kita papansinin pero umiiral nanaman ang pagka-maldita mo,” pag buntong hininga ko. Kita ko ang pag-galaw niya na parang lumalayo sa akin kung saan ako umupo. I cleared my throat, “Hindi mo nga ako sinama sa mga kaibigan mo, kaya ayon hindi kita pinansin, ayaw ko naman maki-join, ayaw ko naman sabihan ako ng mga kaibigan mo na sawsawero ’no?”

Hindi pa rin siya umimik kaya mas lalo akong napabuntong hininga, “Atsaka, mukhang mag bestfriend pa kayo nung Roylan na ’yon ah?”

Ngumuya pa siya at unti-unting tumingin sa akin. “Hindi ko naman siya bestfriend.”

I snapped my fingers, “Exactly, hindi mo siya bestfriend pero mas nagmumukha kayong close.”

Nagkibit-balikat siya, “Bawal ba makipag-close sa iba? Nakaka-sura na rin pagmumukha mo, kaya kung ako sa’yo manahimik ka nalang,” she smirked and looked at me almost laughing.

Napahawak agad ako sa dib-dib ko at kinumbinsi nalang ang sarili ko na ’wag ma-offend. Ano pa ba maaasahan ko sa bruha na ’to?

Tumunog ang cellphone niya kaya tinignan ko siya pero wala ’atang plano na sagutin ang tawag kaya nagmamadali akong kunin ’yon sa bulsa niya at nilagay sa tainga. Tinignan ko si Enitha nung ang mommy niya ang tumawag, hindi na ako nagtataka na hindi niya ’to sinagot at hinayaan lang. Sinenyasan ko siya na sagutin ang tawag at umiling lang siya at umiwas.

“Busy pa po kasi siya,” pang-rarason ko. Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya siguro ay wala siyang magawa at alam ko na alam niya na rason ko lang ’yon para pagtakpan si Enitha. I stared blankly as she said her goodbyes before the call started to beep — it means she finally drop the call.

Binalik ko ’yon at tinanggap niya naman.

Linagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at tinignan ang paligid na konti na lang ang mga estudyante na pumapaligid. I gave her a quick smile as I stood up.

“Bati naba tayo?” I asked. She didn’t respond but instead she gave me furrowed brows. She still eating the somai earlier, I rolled my eyes, kinuha ko ’yong hawak niya at kinain ’yong isang natitira sa loob.

Hindi naman siya umimik kaya tumahimk nalang din ako hanggang naka-abot na sundo niya. Kinuha ko ang bag niya at lumapit ni Uncle Terry — driver niya. Nginitian ko si Uncle habang ’yong alaga niya naman ubod ng sungit dahil tinarayan pa ako.

“Ingat po kayo uncle!” usal ko.

Tumawa si Uncle, “Palagi naman ako nag-iingat, Eros.”

“Hindi po sa kalsada. . . sa bruha po. . .” I said almost whispering the last one. Uncle Terry immediately chuckled and even gave me a thumbs up. Nilipat ko ang mga mata ko papunta kay Enitha at nakita ko na sinamaan niya na ako ng tingin.

Nilabas ko ang dila ko at ginaya ang pag tataray niya sa akin kanina bago ako tumawa at tumalikod.

Nung naka-uwi na ako ay napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog. My mouth immediately in a thin line when I saw familiar name on my feed.

Enitha Pascual mentioned Roylan Alvarez in a comment

Enitha Pascual: hi @Roylan single kba XD

Napataas agad ang kilay ko lalo na ni-comment niya ’yon sa picture ni Roylan na naka hawak ng libro habang nasa library ng school. I immediately regret when I clicked the comment button.

Eros Fernando: Hoy @Enitha anak ka ng butchi hanggang dito ba naman? awatin mo sarili mo uy

Instantly, she replied to my comment.

Enitha Pascual: HOY EROS!? ANO BA ATRASO KO SAYO AT HALOS LAHAT NG GAGAWIN KO PINUPUNA MO! IKAW ANG UMAWAT SA SARILI MO! SIGURO INGGIT KA LANG DAHIL GUSTO MO IKAW LANG IPAPRAISE NG MGA TAO, HUY ULOL, HINDI LANG IKAW ANG MUNDO KO, HINDI LANG IKAW ANG MUNDO NILA! PAAWAT KA NAMAN! AKALA MO GWAPO

Napasimangot agad ako sa nabasa. I immediately clicked my whole fingers as I prepare to type. Trashtalk pala gusto mo ha, lsm ka sa’kin.

Eros Fernando: @Enitha Una sa lahat, kapal ng mukha mo no? Ikaw nalang ata ang pinaka-makapal na mukha sa balat ng lupa! Pinanganak ka siguro habang dumadaan si satanas dahil sobrang maldita mo! Kala mo naman kinaganda mo yan... Hoy... Kalerky... :P Akala mo hindi sinabi ni mama na may nunal ka sa pwet kaya siguro malas ka ng taon ang ayaw na ayaw ko pa naman yong malas pero dahil sa sobrang clingy mo halos hindi ko na mailayo sarili ko. IN FACT, ikaw pa tong lumalapit sa akin, kapal naman sa “hindi lang ikaw ang mundo ko” Lol kailan mo pa ako naging mundo bruha ka? Saan kaba nung nag topic tayo ng solar system? Wala naman akong naalala na may planet ka na Eros pangalan? At pangalawa sa lahat, kumakapal talaga mukha mo kahit ibaligtad ko ang mga pangyayari, kapal naman sa “akala mo gwapo” baka nakalimutan mo na hinahabol ka ng mga fan girls ko dati dahil may gusto sila sa akin, kapal muks mo talaga haha ano ngayon sino na ang gwapo ha? Sus alam kaya ni Roylan na sobrang maldita mo sa personal? Hmm let's watch and see... Tignan natin... Tapos for you information alam ko na medyo walang connect ang ibang sinasabi ko dito pero yang mga sinasabi mo walang connect, i-connect mo yan sa baga mo para maintindihan naman namin kung saang part ka nagalit ://

I immediately laughed at my remarks, hindi ko alam kung matatawa ako dahil na-imagine ko na siya kung gaano siya ka-inis sa pinagsasabi ko. When her name pop up again to my notifications I excitedly clicked it.

Enitha Pascual: I ain’t reading allat

I sighed deeply before I started to laugh. Pinanganak ko na ’ata siya para maging kaaway lagi.

Us Again (Losers Series #1)Where stories live. Discover now