Nakita kong mangiyak ngiyak na ang mga nanay namin kaya tumayo na ko.

"Iingatan ko po sya, mama at papa. Thank you for giving us your blessings" nararapat ko pa ding gawin to kahit na sila naman ang nag arrange talaga nito.

Nakita kong tumango sila at masayang ngumiti.

"Sige po, mauna na kayo sa party. Sabay na po kaming magpupunta ni Klaire doon" sabi ko. Nakita kong tumayo na sila at isa isang lumabas kaya umakyat na ko para katukin si Klaire sa kwarto.

Kumatok ako at narinig ko ang pagsabi nitong pumasok na ako.

Nakita ko syang nagsusuot na ng puting stiletto, Katulad nga ng sabi nya. Naka blue sya na dress na bumagay sa kanya. Napansin ko ding unat ang buhok nya.

"Hindi ikaw si kulot today" sabi ko.

Napahawak sya sa buhok nya sabay hampas sakin.

"Ikaw talaga!" umirap ito sakin.. "Tara na nga! Nandoon na ang mga bisita"

"Let's go" sabi ko sabay taas ng braso ko. Nagulat sya at mukhang nag aalangan sya pero sa huli ay kumapit sya sakin at nagtatawanan kaming bumaba at sumakay sa kotse nya. Napag usapan kasi naming sya ang magmamaneho ngayon.

Nung makarating na kami sa venue ng party ay ang dami ng sasakyan. Nung bumaba kami sa sasakyan ay agad kaming sinalubong ng mga organizer at mukhang in inform na ang host dun kaya pagbukas ng pinto ay sumalubong samin ang.

"Ladies and Gentleman! The future husband and wife, Mr. Dwayne Elliniel Chua and  Ms. Klaire Louise Lim" masayang pagpapakilala samin ng host.

Nagpalakpakan ang mga tao. Naka angkla pa rin si Klaire sa braso ko, Parehas kaming nakangiti. Parang isa talaga kaming couple na nagmamahalan which is not true. Hindi na namin mahal ang isa't isa. Diba ?

Sa pagdaan namin patungo sa upuan namin ay ang daming bumabati ng congratulations at nagsasabing bagay daw kami para sa isa't isa.

Natatawa na lang kami parehas dahil siguro napaka corny ng sinasabi nila.

Maya maya lang ay umupo na kami sa isa sa mga tables kasama ang mga magulang namin.

Isa isang umakyat ang mga bisita para magbigay ng mensahe sa amin, Nagsimula sa mga kaibigan ng mga magulang namin na kasama sa negosyo, sumunod ay ang mga kaibigan namin ni Klaire, The Magnificent na kumanta pa para samin, mga kamag anak namin, hanggang sa mga kapatid at pamangkin naming dalawa at ang pinakahuli ay ang mga magulang namin.

Pinag usapan na namin ni Klaire na umaktong totoong couple sa harap ng mga tao lalo na sa magulang at Investors namin.

Hanggang sa dumating na ang oras ng pagbibigay namin ng mensahe sa isa't isa which is very uncomfortable. Si Klaire ang nag umpisa.

"So yun" she laughed. "Who would expect that after what happened between the two of us, eh tayo pa rin pala ang magkasamang haharap sa altar. Ikaw pa din yung lalaking sasabihan ko ng I DO ko, yung mapapangasawa ko. Alam kong marami ang nagulat sa biglaan nating pagpapakasal but I'm very thankful na ikaw na talaga" sabi nya.

Ewan ko pero parang mula sa puso ang sinasabi nya kaya damang dama ko. So I did my best to come up with something na galing sa puso ko.

"Tama ka, who would expect na tayo pa rin sa huli, Ika nga nila sa hinaba haba ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy, na sa hinaba haba ng ups and downs na, na-encounter natin, ito pala ang magiging result. I'm so blessed to marry a girl like you, I can't wait to spend the rest of my life with you" I said which is a big fat lie. Dahil magdi divorce din naman kami, alam ko naman na pinag usapan na nila ni Rain ito, kami din ni Ashley.

I have to keep my heart safe. Nakita kong parang medyo na stuck si Klaire at teary eyed sya nung tatanungin ko sya ay bigla syang nag iwas ng tingin sakin at uminom ng tubig.

Overall ay masaya naman ang kinalabasan ng party. Maya maya lang ay tumugtog na ang isang slow romantic music na I Will Always Love You at pinilit nila kaming magsayaw. Ito ang unang sayaw namin after our break up.

Humawak na sya sa balikat ko at ako naman sa bewang nya. Nakayuko sya nung una, pero maya maya ay tumingala na sya at tumitig sakin. Pakiramdam ko ay malulunod kami sa titigan ng isa't isa ng magulat kami ng magsigawan ang mga tao na.

"Kiss! Kiss! Kiss!" kaya tumingin sya ng nababahala sakin. Tuloy pa rin sa pag udyok ang mga tao.

I lowered my face so I can reach her and gave her a sweet blissful kiss











In the forehead

----------

To be continued.

What's your dream wedding?

- KayeEinstein

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon