CHAPTER 1: WHAT DO YOU FEAR THE MOST?

9 0 0
                                    

JAEMIE SELLAPHIELLE VILLASEÑOR'S P.O.V

Gabi na at mag-isa akong naglalakad pauwi sa bahay, hindi naman na ako natatakot dahil bukod sa may self-defense weapons ako ay sanay na rin ako dahil dito ako madalas dumaraan, pero napahinto ako nang may maramdaman ang paghawak sa kanang binti ko dahilan para magulat at mapatigil ako sa paglalakad at nakita ang isang matandang babae na nakaupo, "B-bakit po?" Nauutal kong saad habang nakayuko ang mga ulo niya para hindi ko makita ang mukha niya.

"Hija...matanong lang kita, ano ang pinakakinatatakutan mo sa lahat?" Saad ng matanda habang ako ay sinimulan nang kabahan.

"K-kamatayan po" matapos kong sabihin iyon ay binitawan na niya ang binti ko, muntik nang madapa pero ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko at napailing-iling at napaisip pa.

Totoo naman hindi ba? Karamihan sa mga tao ang kinakatakutan talaga ay ang kamatayan na ni isa ay walang makapipigil dahil kapag oras mo na ay kailangan mong iwanan ang lahat sa mundo, nakakatakot ang kamatayan dahil may mga mahal ka sa buhay na kailangang iwanan o 'di kaya mga ari-arian, sa totoo lang wala namang pernamente sa mundo, kahit ang buhay ng tao ay mawawala rin pagdating ng araw.

Habang tulalang naglalakad ay bigla akong natauhan nang biglang sumakit ang kanang binti ko kung saan ako hinawakan ng matandang babae kanina dahilan para matumba ako pero bago pa ako mapaupo sa sahig ay may humawak agad sa baywang ko at sa madilim na gabi na tanging ilaw lang sa kalsada ang pagbibigay liwanag ay nakita ko ang isang lalaking naka-coat na itim, white na polo panloob, black pants at black shoes habang ang appearance naman niya ay two block hairstyle, white skin, brown eyes, red lips at matangos din ang ilong niya.

Pinagmasdan ko ang mga mata niyang nakatitig lang sa dibdib ko dahilan para makaramdam ako ng pagkailang, lumayo ako pero nakatitig pa rin siya at tatakbo na rin sana ako sa manyak na pogi nang bigla siyang magsalita.

"You don't have to hide it, I can see it" kumulo ang dugo ko sa narinig ko, nagsimula na ring umusbong ang kakaibang takot sa katawan ko na kahit anong oras ay tutulo na naman ang walang tigil kong mga luha at sa totoo lang gusto kong ihampas sa kaniya ang bag ko at tumakbo palayo mula sa manyak na poging ito, pogi nga manyak naman.

"Alam mo pogi ka sana manyak ka lang---"

"You're traumatized by your past and that monster's still living with you, am I right?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, bukod sa kamatayan may isa pa akong kinatatakutan at iyon ay ang childhood trauma ko na hanggang ngayon ay pasan-pasan ko pa rin, pero ano ba talaga ang mas kinatatakutan ko? Ang trauma ko o ang mamatay? Minsan sa totoo lang, gusto ko na lang mamatay kapag umatake ang trauma ko.

"H-ha? A-ano'ng i-ibig mong sabihin?" Nauutal ko na namang saad habang hindi na naman mapigilan ang flashbacks sa isipan ko, lumapit siya sa akin habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa ng pantalon niya ay lumapit siya sa akin at nang tuluyan ng makalapit ay ngumiti siya pero ang ngiting iyon ay mala-kontra bida, well, okay lang naman, ako naman ang bida sa k'wentong ito.

"I already explained it didn't I?" Tugon niya at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style at sa isang iglap ay nasa bahay na agad ako.

"P-paano nangyari iyon? Ha?" Binagsak niya ako sa sala at naupo naman siya sa tabi ko at chineck ang binti ko na may marka ng kamay na kulay itim dahilan para magulat ako.

"Siya na naman?" Tugon niya at bakas sa pananalita niya ang pagkainis, ano'ng ibig niyang sabihin?

"Ha?"

"Nevermind"

Tugon niya at hinawakan ang binti ko at nawala ang mark at ang sakit, napansin ko rin na may scar siya na parang nasunog sa kanang dorsal side ng kamay niya na hugis star dahilan para pagdudahan ko ang pagkatao niya, tao ba siya, grim reaper o demonyo? "Pinagaling mo?" Gulat kong saad at nagpapalit-palit na lang ng tingin sa binti ko, "Hindi ko pinagaling 'yan, pinawala ko lang ang sakit, as long as i'm next to you, you're safe" napangiti ako ng nakakaloko sa sinabi niya, parang hindi nga siya grim reaper o demonyo. "Naks, Jeong Gu-won is that you?" Binalibag niya ang binti ko na hadlang sa pagtayo niya tsaka siya tumayo.

"I'm not him" tugon niya at napaiwas ng tingin sa akin habang nakapamewang.

"Then, who are you?" Tanong ko habang nakangiti, actually takot ako sa mga lalaki at iwas talaga ako sa kanila dahil nga sa past ko pero hindi ako nakakaramdam ng takot sa kaniya.

"I'm Hyun-woo Choi, a gr----" napakunot ang noo ko sa sinabi niya, Koreanong fluent magtagalog?

"Namali ka yata ng bansa----"

"No, i've been in the Philippines for a century at nakita ko pa kung paano mamatay ang mga ninuno mo"

"Hala? Talaga? Eh, bakit ang pogi mo pa rin? And are you an pre-school student na naniniwala sa mga grim reapers, vampires or werewolves?" Saad ko pero napatulala nang ma-realize ang ginawa niya kanina, paano nga pala nangyari iyon?

"Paano---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang hinawakan ang pulso ko at napunta sa kuwarto, nagkatitigan kami nang mapagtantong nakapatong siya sa akin, nagtagal naman iyon ng ilang segundo hanggang sa itulak ko siya dahilan para bumagsak siya sa sahig at napaupo naman ako sa kama.

"Ano ba?! Lumayas ka nga! Ayoko nang maulit----"

"How come? Why does it looks like my powers are getting weaker?" Pagtataka niya habang nakatalikod na nag-iisip sa harapan ko, binato ko naman siya ng unan dahilan para lumingon siya sa akin.

"Ano ba?!" Inis niyang saad pero mas nanaig pa rin ang ka-cute-tan niya, cute niya palang mainis.

"Choi Hyun-woo!" Tawag ko sa kaniya pero nakatalikod na nakaupo pa rin siya sa lapag at nag-iisip.

"Sandali!"

"Hoy!"

"Wait lang!"

"Isa"

"Dalawa"

"Pagbilang ko ng tatlo at hindi mo pa ako----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang maglaho at tumabi sa akin sabay halik sa labi ko ng mabilisan dahilan para matikom ang bunganga ko sa gulat, napatingin ako sa kaniya na nakangiti sa akin ngayon at nag-isip ulit.

Tinaas niya ng bahagya ang kanang kamay niya at inangat ang libro na nasa taas ng isang upuan pero napagalaw niya lang ito ng bahagya.

"I really can't understand" saad niya at nahiga sa kama at pati na rin ako ay napapaisip.

"Teka lang, what if nagiging mahina ka na?" Tugon ko habang nakatitig sa librong sunubukan niyang iangat kanina, napaupo naman siya at natawa.

"Me? Getting weaker? I'm a grim reaper that has no weaknesses" tumingin naman ako sa kaniya na naka-smirk ngayon at nagsasalita with pride.

"Everyone in this world has a weakness even the strongest" tugon ko at napatulala nang maalala ang sinabi niya.

"Why are you staring into nothing?" Tanong niya at napatingin ulit ako sa kaniya.

"If you're a grim reaper, ibig-sabihin mamamatay na ako or patay na ako?" Hindi naman siya sumagot sa tanong ko.

A GRIM REAPER SAVED MY LIFE?Where stories live. Discover now