BAGONG BAHAY

1 0 0
                                    

Magandang gabi sa inyong lahat. Nandito ulit ako upang maghatid ng panibagong kwento.

Ang kwentong ito ay nangyari sa bagong bahay namin. Na-demolished kasi kami sa dati naming bahay.

So back to the story, gising pa ako around 12 am habang nagcecellphone ako ay biglang may naramdaman ako na presensya na naglakad sa may bandang likod ko.

I think papunta siyang kusina kaya naman ang ginawa ko is lumingon ako para tingnan kung sino yung lumakad na yun.

Pagkatingin ko ay wala namang tao kaya sumilip ako sa may kwarto para tingnan kung isa lang sa mga kapatid ko yung naglakad na yun pero pagkasilip ko mahimbing na silang natutulog kaya kinilabutan ako ng malala kasi kung hindi sila yun edi sino?

Yung Papa ko naman tulog na rin. Iniisip ko na baka namali lang ako ng rinig pero hindi ako pwedeng magkamali kasi naramdaman ko yung presensya ng naglakad eh at yung tunog ng paglakad niya rinig ko rin.

Dahil sa nangyari ay natulog na lang ako at nagtalukbong ng kumot. Thank God hindi na ulit nangyari itong experience ko na ito nakakakilabot kasi. Yun lang byeee.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Real Creppy StoriesWhere stories live. Discover now