CUATRO - THE EYE MASK GIRL

En başından başla
                                    

"M-miss." Huminga ako ng malalim pero di pa rin mawala ang kaba. Talagang nakatayo lang siya at nakatingin sa direksyon ko, sa akin mismo.



"Miss...o-okay ka lang ba? I'm sorry." Muling paumanhin ko and this time ay nagkaroon ako ng pagkakataon para pasadahan ng tingin ang buong katawan niya, i mean yung mga suot niya.



Tulad ng mga pinapanood ko kanina sa mga performer ay may suot itong eye mask pero hindi siya nakasuot ng mga revealing outfit tulad nila. Nakasuot ito ng white tank top na pinangingibabawan ng dark gray blazer at medium black skirt with slit. Sa suot nitong mga dark colors ay umiibabaw ang tingkad ng kulay niyang porselana. Mukhang galing lang ito sa meeting or what pero di makakaikala ang pagka-elegante niya. At medyo matangkad lang siya sa'kin dahil nakasuot siya ng stiletto.



Bumalik ang tingin ko sa kaniyang itaas, sa mukha. Di ko maiwasan mapahinga ng malalim nang kumabog ang dibdib ko ng malakas. She's staring at me with a deadpan look on while I'm checking her out.



She looks hot.



Imbes na kabahan ako ng masama ay iginala ko muli ang tingin sa buong mukha niya, kahit natatakpan ang mga mata niya ay di maitatanggi na maganda siya. Sa tungki pa lang ng ilong niya at napaka well-defined lips at hulma ng mukha halatang may lahi.



"Are you done?"



Napapitlag ako nang magsalita ito na hindi ko inaasahan. It's just three words pero her voice is sounds deep and like a threat. Nando'n pa ang accent, do'n pa lang konpirmd, may lahi.



Kinda familiar.



"H-ha?"



"What else do you want to see?"



Hindi agad ako nakakibo at sunod na napalunok nang humakbang ito ng isang hakbang palapit sa'kin.



"Ah...M-miss, ano bang pinagsasabi mo?" Maang kong tanong at umaktong inosente na kala mo hindi ginawa ang krimen na pag titig sa kaniya.



Inosente naman talaga ako e! Kasalanan niya 'yon masyado kasi siyang irresistible. Di ko mapigilan, mygoodness sake!



"You silly pervert." Aniya. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi na ikinaawang ng bibig ko. I was about to protest but I immediately closed it and got confused by what she said next. "You just wasted the opportunity, Idiot."



Silly, wasted the opportunity, idiot..



"Ha?" Di ko na mapigilan bulalas sa kaniya dahil hindi ko talaga nagets ng malinaw.



I was saying sorry for many times and then, tatanungin niya ako ng strange question.



Dahil ba 'yon sa pagtitig ko sa kaniya? Ayun ba tinutukoy niyang opportunity? Bibigyan niya ako chance para makita iba pang parte niya and for free? At sa isang stranger? What the--May gano'n ba?



Daheck, ang gulo.



"New face?" Pambabalewala niyang tanong sa mga sinabi ko mula sa isipan.



Wala man lang konting elaboration diyan?



"Y-yes. First time ko lang dito." Sagot ko na lang dito at di pa rin mawala ang pagka ilang sa katawan ko.



"I see." Tumango tango pa siya at muli na naman ako pinagkatitigan. Mula ulo hanggang paa, siya naman ngayon ang may matang mapanghusga.



Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Aalis na ba ako? Wala naman na kami paguusapan nito. Hindi nga rin 'to nagsorry e. Iwan ko na siya dito? Hindi pa naman tapos ang mga sexy performers, ahh oo don na lang ako pupunta. Pero baka magalit siya--



"You're such a paranoid thinker. Do you know that?" Pukaw niya sa atensyon ko. Nirolyohan niya ako ng mata nang tingnan ko ito saka ako nito biglang tinalikuran at humakbang palayo sa'kin. Luh?



At bago pa ako magsimula makipagtalo sa isipan ay sandali siyang huminto at nilingunan ako.



"Follow me." She sounds authoritative bago nagpatuloy sa paglalakad.



Hindi pa man ako sumasagot kahit di siya nagtatanong ay kusa na ang mga katawan ko ang kumilos para sundan siya.



Weird feeling pero my body tells me that I can trust her even tho she's a stranger.



CHAROT!



Maganda kasi kaya nabigay agad ako. Hmp!







~•~•~

tbc...

ANG BIRDIE NI JASTINE Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin