TRES - THE CELEBRANT

Start from the beginning
                                    

Simula na pumayag  ako sa offer ni Jacob ay tinanggal ko na ang mga larawan sa dingding. It's a self-deal. Once na may matanggap akong ibang bagay o maranasan ay may kailangan tanggalin o mawala. 


Just to discipline my self.


Nagsimula na 'ko maghubad at magbihis ng damit. Kung ano na lang ang kinuha ko sa cabinet at nagminie einie mini mo na lang ako, jusko. Pag maraming magagandang damit ang hirap mamili.


Trouser pants, black blouse with details at white sneakers ang pormahan ko ngayon. Not bad pero may kulang.


Lumapit ako sa side table at binuksan ang unang drawer. Kinuha ko ang maliit na black box, binuksan, at kinuha agad laman no'n saka binalik sa loob ng drawer ang black box bago isara.


"Cool." Ngisi kong sambit nang suotin ko ang mamahaling relo ko na Omega, oops! flex ko lang. 



Someone gifted this to me. Sabi ni Mama.



"Oh nice outfit! Birthday mo kaya mas pogi ka ngayon sa'kin." Unang bungad agad ni Jacob nang makalabas ako sa kwarto.


"Kahit 'di ko birthday, kailan ka ba pumogi?" Inirapan ko siya bago nagtuloy na sa paglalakad.


"Ang sama naman ng ugali mo."


"Coming from you."


"Aba't saan kayo pupunta, ha?" Tanong ni Mama nang mapansin kaming bihis na bihis ngayon kumpara kanina.


Napatikom naman ako bigla ng bibig dahil mukhang di pa ata papayag si Mama. Twenty na ako pero ang strict niya pa rin sa big baby birdie ko. Hindi na naawa.


huhu.


"Papasyal lang kami ni Jastine, diyan lang naman sa kanto. Hindi po kami papaumaga ng uwi." Ang pinaka dabest engot na dahilan ni Jacob.


Ang totoo niyan ay sa kabilang siyudad pa ang pupuntahan namin.


"Mag gagabi na ah? balak niyo bang hindi matulog dito?!" Yan na nga ba sinasabi ko, strict mode on na si mudra.


Magsasalita sana si Jacob nang biglang dumating naman si Tito Josh at pumunta sa tabi ni Mama at nilambing ang balikat. Oh, gosh! Thank you talaga Tito Josh for saving our lives. Mukha kasing hahighbloodin agad si Mama.


"Enola, hayaan mo na mga anak natin. Minsan lang naman lumabas yan na magkasama. Lagi pang lunod sa pagaaral si Jastine, hindi na niya ata alam kung pano makihalubilo sa iba. Kaya mabuti na sumama muna siya kay Jacob."


Nakangiting malawak naman ngayon si Jacob nang kumampi sa'min si Tito Josh. Well, ako din sana ay matutuwa 'di ko lang pwede ihalata baka lalong maurong si bagyong Ola.


"Tama ka diyan, Dad. Tuturuan ko rin si Jastine kung pa'no makipagsocialize sa labas."


 Inakbayan pa ako ni Jacob para ipahalata sa kanila yung nakakadiring closeness namin. Pansin ko ang pagiba ng awra ni Mama. Kinakabahan din ako sa sasabihin niya ngayon. Pinagkatitigan niya kami ni Jacob na parang may masamang iniisip pero kinalauna'y lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Mama at huminga ng malalim.


"Hay nako, osiya sige. Kahit hindi ako naniniwala sa pasyal lang ang gagawin niyo.  Siguraduhin niyo lang na hindi kayo gagawa ng mali at labag sa binibilin ko." Huminto si Mama at tiningnan ako. "Lalo ka na, Jastine."


Nanigas ako sandali sa kinatatayuan ko dahil sa tono ng pagbabanta ni Mama sa'min. Kinakabahan ako dahil ito na ata ang worst na pagsisinungaling na gagawin ko sa kaniya.


ANG BIRDIE NI JASTINE Where stories live. Discover now