"Sir... Sorry to leave you! We'll just continue or works outside...", wika ni Mya na kikindat sa kawawang si Janice, "Janice...". Iiwan nilang nag-i-scan ng email sa laptop ang Manager.

"What a mess!!!", banggit ni Mya na naunang lumusong kay Janice na nagsara ng pintuan sa labas ng opisina ng Manager. Makakarinig ng sitsit si Janice sa hindi kalayuan.

"Sis... okay ka lang?!", usisa ni Rhyna sa kanyang cubicle

"O... Okay lang!", malumanay na sagot ni Janice

"Sis...", banggit ni Rhyna na nakatingin sa nakaupong si Mya sa kanyang desk, "Inaway ka ba nung baklang pumalit sa posisyon ni Pam?!"

"Hindi naman... pero nahihiwagaan ako sa kanya! Parang may kakaiba sa ikinikilos niya sa akin...", sambit ni Janice

"Naku Sis... Mag-ingat ingat ka diyan! Inggit lang siguro yan sa beauty mo! Mas mukha ka kasing Miss U kaysa sa kanya. Tsaka, mas matalino ka kasi kaysa sa peg niya!", mahinang banggit ni Rhyna na naglalagay ng couponband sa printer para magprint, "Sabihin mo lang kung binuburaot ka niyan... ay naku! gigilitan ko talaga ng leeg ang bruhang yan! Lintik lang ang walang ganti..."

"Ssssssssh... Tama na! Actually ako naman talaga ang may kasalanan eh! Hindi rin ako tumingin kasi ng schedule of activities sa White Bulletin Board natin kaya nakalimutan ko ang appointment namin! Haaay... loser talaga ako!", sambit ni Janice

"Alam mo naman kung paano mo mapapasaya ulit si Manager 'di ba?... Go! You can do it! You are Janice Behosano and not Mya Lopez... helerr..."

"Hehe... Ano daw?!? Basta, magiging alert na ako next time! and...", sambit ni Janice

"Huwag mo na munang isipin si Julius... Let him Go!"

"Su... subukan ko!", sambit ni Janice na titingin sa iba pang abalang staff, "Oh siya! Punta na ako sa cubicle ko at baka ma-ireport na naman tayo ni Mya kay Manager! See you later..."

"Okay! Ingat!", banggit ni Rhyna na babasahin ang papel na nai-print, "Shocks! Mali!!!"

May dinarayong bar sa Timog na paboritong lugar ng Manager nina Janice dahil dito siya nakakatikim ng mga mamahaling alak galing Europe. Mahusay rin ang DJ rito na gumagamit ng iba-ibang mixer sa tugtog upang mas maengganyong umindak ang mga customer. Ang mga ilaw na patay sindi at strobes ay nagpapadagdag atraksiyon pa upang lalong maglaan ng maligalig na pakiramdam sa mga gustong lumimot ng problema sa kalaliman ng gabi. Isa pa sa nagpapagaan ng loob sa mga staff ng kanilang Broadcasting Company rito ay ang dating staff na nagtrabaho sa Entertainment Section at ngayon ay mahusay na bartender ng naturang bar. Maluwang ang stage para sa mga nagpe-perform at ang mga lamesang bilog ay gawa sa marmol na pinakinis ng imported polisher galing Jamaica. Napiling himlayan ng ibang mga staff sa pang-umagang shift ang mahabang upuang malambot at may sandalan sa gilid kasabay ng pag-order ng isang case na beer upang pagsaluhan nila kabilang sina Janice, Rubie, Rhyna, ang Manager at kanyang fiancee.

"Sir! My treat...", banggit ni Janice sabay bigay ng beer sa Manager galing sa case

"Oh! I'm sorry if I don't know what to celebrate tonight...", sabi ng Manager na kinuha ang bote at ininom. Binigyan din ni Janice ang nakaakap at nakahawak sa dibdib ng Manager na kasintahan nito. Magsasalita sana muli si Janice ngunit sisingit ang naglalasing na Rhyna.

"Ah Sir! Celebration po sa magandang feedback sa news article natin about that 'Poisonous Milk'! That is because of our high caliber efforts and of course Janice!", sambit ni Rhyna at kikindat kay Janice

"Well... that's sounds great! Ituloy mo lang 'yan Miss Behosano...", sabi ng Manager na ngingiti sa iba pang mga staff at tila may inaapuhap, "In-invite niyo ba si Miss Lopez?"

"Ah... si Mya po?!", tanong ni Rhyna na titingin sa gumigiling na si Rubie at ibang boys

"Yes! Para naman maka-bonding natin at maging close sa buong organization!"

"But Sir... sinusubukan po naming kontakin as of now kaso cannot be reach po phone niya, hopefully next time ", sagot ni Janice

"Oh, Okay! I guess let's just start the party!!!",sigaw ng masayang Manager sa kasama

HOOOOH! CHEEEERS! DRINK! DRINK! DRINK!





May ibubulong ang fiancee sa tainga ng Manager at magsasalita muli sa lahat. "Hey Guys Listen... I'll be out tomorrow para asikasuhin ang Wedding Reception namin, but...", mag-iisip na putol ng Manager, "Anyways... Saturday na rin bukas nuh?!"

"Yes Sir!", banggit ng lahat

"Anyone here! If you want an off to take rest for tomorrow, Sige! Push niyo 'yan!", tatayong sambit ng Manager at hahalakhak, "Enjoy!!!"

At nagpatuloy ang grupo sa kanilang party habang sumasayaw ang ilaw sa dilim.

Ang nakakaindayog na tunog na inilalabas ng mga 'KonZert' speakers ay lalong nagpapatindig balahibo sa mga customers ng bar. Malapit kina Janice, may isang babaeng mabigat ang dinadamdam mula sa dulong stage ang nagsasayaw ng solo na kikilalanin ng isang payat na binatang nakainom din at aakbay sa nasabing babae at sasabayang sumayaw. Nang dumating ang maskuladong boyfriend ng babae na galing sa Toilet Area ay magseselos ito sa nakita at uundayan ng suntok ang payat na nilalang. Hindi na gumanti ang nakisayaw na lalaki bagkos ay pinigilan na lamang sila ng mga bouncer upang hindi na lumaki ang gulo at nagpatuloy sa party ang ibang nakakita sa insidente. Lumabas sa Emergency Exit ang nasuntok na lalaki na pinanuod naman ng isang nakaupo sa couch na binata.

"Kawawa naman si Dude! Kung ako dun, pakakainin ko ng basag na bote yung boyfriend! parang nakikisayaw lang naman dun sa malungkot na chick!", ika ni Lawrence na sisikuhin ang katabing lalaki, "Ano sa tingin mo Tol?"

Pagkalingon ni Lawrence ay makikita ang nakaupong kaakbay na nilalaplapan ni Trumpet ang nakuhang chick.

"Hayaan mo na sila Bae...", wika ng babaeng ka-inuman ni Lawrence sa tabi

"Ano pa nga ba, Syd!", banggit ni Lawrence na kukunin ang basong alak sa mesa

"Ano... What's next?", wika ni Sydney habang pilit na idinidikit ang katawan sa nakaupong si Lawrence. Iinom muna ito ng beer, "My place... or your place?!"

Paiikutin ni Lawrence ang yelo sa kanyang baso at magwiwika, "This place!"

"Huh?!", pagtataka ni Sydney na inilalantad ang cleavage sa kausap




"Diyan sa parking... Tahimik dun...", mapang-akit na sagot ni Lawrence at ngingiti ang dalaga. Kukunin ni Sydney ang kanang palad ng binata at tutumbukin ang gitnang daliri. Ilalabas niya ang dila at sisipsipin ng buo ang daliri habang nakatingin sa binata.

If we fall in-luvحيث تعيش القصص. اكتشف الآن