Dumating ang pinakamasakit na nangyare sa buhay ko ang pagkawala ng Dad ko.

Inatake sa puso si Dad.iniwanan na niya ako.

Simula noon si Lolo na ang naging pamilya ko.
Kinupkop niya ako.akala ko nung una masama siyang tao pero ng tumagal napa mahal na siya sa akin at tinuring na nila akong kapamilya tutal ikakasal na din naman ako sa apo niya. At yun na nga si Vice. Unang pagkikita pa lang namin alam ko ng bakla siya.akalain mo nga naman ano?ikinasal nga kami at nauwi pa kami sa ganito na magmamahalan kami. Di ko ata kaya pag nawala pa si Vice sa akin. Siya na lang ata yung natitirang lakas ko. Takot na takot akong mawala siya sa akin.Muli nanaman akong humagulgol at umiyak.
--------

"Karylle? Gising ka na ba?"

Minulat ko ang mata ko at nakita kong nasa loob ako ng clinic.

Umupo ako sa kama at nakita ko naman si Billy na nakaupo sa tabi ko.

"Nahimatay ka sa sobrang pag-iyakano? Ok ka lang ba?"

"Ayos lang ako." Sabi ko at kinuha ko ang sapatos ko sa lapag inunahan niya naman ako at tinulungan niyang ikabit ang sapatos ko.

"Billy."ayoko ipakita sa kanya na ok kami dahil ayoko na tuluyan na siyang umasa na magkakaroon ng KAMI.

"Oo na oo na alam ko na.I know you too well Karylle.I know what's going through your mind.tinutulungan lang kita dahil mag boyfriend at girlfriend PARIN tayo."

Nag nod na lang ako at tumayo.

Nagpaalam kami sa personnel sa clinic at lumabas na kami sa clinic.

"Gusto mo ba pumunta na tayo sa hall? May activity pa and i bet you want to continue where you left off right? o kaya sa cottage mo na lang kaya para mag rerest ka na lang."

"May kukunin lang ako sa cottage mauna kana susunod na lang ako."

"You sure?samahan na kita?"

"Wag na!kaya ko na."

Nag shrug na lang siya at tumalikod.

Napakamot ako sa ulo.

"Saan nga ulit yung cottage?"

Naka ilang ikot na ako pero di ko talaga maalala ang path pabalik sa cottage.

"Pupunta din pala ako sa hall . Kesa naman na magpaikot ikot ako dito."

Ok lang din naman kase maganda yung lugar di naman nakakatakot.ayokong maging malungkot pero kanina kase talaga.gusto kong makita si Vice.gusto ko siyang yakapin.

Pagdating ko sa hall nakasalubong ko sila anne at lumapit siya agad.

"Oh Karylle? Akala ko nasa clinic ka?bakit ka umalis agad? namumutla ka pa kase."

"Ok nanaman ako eh tsaka pupunta dapat ako sa cottage kaso di ko tanda kung saan gawa ng unconcious naman ako nung dinala akong clinic"

"Si Billy nasaan?"

"Nauna na siya sa akin eh."

"Nako di naman siya bumalik eh."

"Hayaan niyo nandyan lang yun."pag aassure ko.

"So anung sunod na gagawin?"tanong ni erika isa ko pang kaklase.

"Dinner daw then Campfire may mag stostory telling daw!parang girlscout lang ano ahhaha"binaling ni anne ang ulo niya kay erika at nagbelat.

"Baliw ka talaga."tumawa sila at naglakad na kami papuntang dining hall.

Habang naglalakad inexplain nila yung mga namiss ko nanghinayang tuloy ako.sayang din kase eh..
Kumain kami ng dinner at after nun pumunta kami sa cottage.

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon