" Alam mo na paano? " takang tanong nya " iilan lang sinabihan nya about dyan kahit si jass ay hindi alam yun "

" Sinabi nya po sakin " pag sisinungaling ko kaysa naman malaman nila na nag sex na kami ni ate baka makarating agad kay mommy mahirap na .

" Mabuti naman alam mo . Ganito kasi yan ija , natatakot syang pandirihan sya ng tao  " aniya nito . Napakunot naman ang noo ko dahil dun .

" Hindi naman nakakadiri yun ah " aniya ko .

" Basta ija , alagaan mo sya ah  " matamis na ngiti ang binigay nya bago sya umalis .

Tapos na din kasi yung mga niluluto namin . Pumunta naman ako kay ate para gisingin ito pero kahit anong tapik ko sa kanya ay hindi sya magising . Hinaplos ko muna mukha nya bago ito halikan .

" Gising na ate " bulong ko dito natawa na lang ako sa sarili ko dahil para akong multo na bumubulong sa kanya. Hindi pa rin sya gumigising.

" Ate louise wake up " aniya ko habang tinatapik mukha nya puro "hmm" lang ang sinasabi nito .

" Ate gising na kapag di ka gumising hindi ako mag dadalawang isip na sampalin ka ng malakas " pag babanta ko dito . Bigla naman syang bumangon na kinatawa ko .

" Aray " mahinang daing nito at humawak pa sa ulo nya.

" Ayan inom pa ate takaw mo mag inom sa susunod huwag kana uminom ah " aniya ko . Tumango-tango lang sya . Lumapit ako sa kanya tsaka ko hinilot ang sintido ng ulo nya.

" Ahhhh ang sarap nyan " aniya nya .

" Bukas ate punta tayo kay mommy ay mali ako lang pala kasi nag text sayo si tita na pumunta ka sa company nyo " tuwang-tuwa na sabi ko.

" Yun lang ang sinabi ? " tanong nya.

Hindi na ako nagulat ng yakapin nya ako , sanay na sanay na kasi ako kay ate tsaka magiging asawa ko naman sya kaya ayos lang .  Sya lang din naman nag bukas ng pananaw ko para sa mga kagaya nya.

" Mag iingat ka dun ah ilang linggo ka dun tsaka wala ako sa tabi mo " malambing nitong sabi.

" Opo tsaka gagala lang kami ni mommy " hinaplos ko buhok nya para naman kahit papaano ay maging  sweet ako sa kanya.

Hinawakan nya mag kabilang kamay ko at hinalikan .Natawa ako ng kumukot ang noo nya.

" Favorite ko yung niluto mo noh " ngiting turan nya . Lakas talaga ng pang amoy ih . Tumango ako at ang babae ayun tumayo bigla muntik pang matumba .

" Masaya sya ah ano meron ? " tanong ni nanay sy.

" Nalaman nya po kasi na pinag luto ko sya ng adobo na favorite nya kaya ayun muntik ng matumba " natawa si nanay sa sinabi ko ganun din ang asawa nito.

" Ngayon ko na lang ulit syang nakitang ganyan " aniya ni nanay. " Dati yung mga mata nya puno ng lungkot na hindi mo basta-basta mababasa kung ano yung mga sinasabi nun"

" Halata nga po sa kanya " aniya ko. Totoo naman kasi hindi ko mabasa ang nasa mata ni ate minsan kaya hindi na rin ako masyadong natingin sa mata nito.

" Nay , Tay kakain na tayo hoy nics nasaan yung favorite kong t-shirt ? " natawa na lang ako sa itsura ni ate ngayon hindi sa wala syang abs ah meron naman sya nun pero kasi yung buhok nya ang gulo hindi masyadong nag suklay eh.

" Naitapon ko po siguro yun ate ng mag linis ako ng kwarto ang kalat kasi eh " aniya ko.

" Nako bago pa kayo mag sabong na dalawa  tayo'y kumain na " singit ni nanay sy.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan na hindi matawa sa mukha ni ate na naka simangot . Yung damit nya kasing hinahanap ay ako pa ang bumili nun kaya nya naging paborito .

Sinipa nya binti ko sa ilalim ng table parang kanina lang ang sweet nya ah . Sinipa ko din sya pero inirapan nya lang ako.

" Bakit hindi maipinta yang mukha mo ? " tanong ni nanay sy kay ate hindi na rin siguro sya naka tiis hahahaha.

" Wala po ito nay " maikling sagot nito . " Labas po muna ako ah " aniya nito.

Pag kalabas nya ng bahay ay kusang ngumiti ang labi ko. Naubos nya yung niluto ko para sa kanya at naubos nya din yung luto ni nanay . Sya yung taong ayaw ma disappoint ang iba sa mga ginagawa nito sa kanya.

" Nako sundan mo na sya ija kami na bahala mag ligpit nito dalahan mo sya ng jacket " tumango na lang ako sa sinabi ni nanay.

Pagkakuha ko ng jacket at bumaba na agad ako para sundan si ate sinuot ko muna yung  damit na hinahanap nya sarap nya kasing asarin hahahaha. Tsaka puro maiikli yung mga damit nya dito kaya ito ang sinuot ko .

Pag ka dating ko sa tabing dagat kung saan naka upo si ate ay agad kong pinatong sa balikat nya yung jacket tsaka umupo sa tabi nya.

" What are you doing here Janixen malamig na baka sipunin ka " aniya nito.

" Sasamahan ka po palagi naman natin itong ginagawa diba dun sa bahay kapag nandyan ang buwan " tumango naman sya .

" The moon is beautiful isn't " ngiting turan nya.

Hinalikan nya muna ako sa forehead bago nya sinandal ang ulo nya sa balikat ko.





" I love you too " aniya ko sa isip ko.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now