Lihim ng pamilya 11

Start from the beginning
                                    

"Okay lang, anak. Hindi namin sinabi sa kanila na may anak kame ni Caleb. Kaya walang nakakaalam sa kanila tungkol dun." Ang paliwanag ni Laura.

Pagkatapos nun ay ibaba na sana ni Laura ang kwintas ng mapansin niya ang itsura ng kwintas ni Trisha at laking gulat niya sa nakita. Kaparehas kase ng kwintas ng anak niya.

Hugis puso na may initials na JK sa magkabilang bahagi ng pendant na hugis puso. Ang chain naman ay may nakalagay din na JK.

Nagsimula naman umiyak si Laura na siyang kinagulat ni Trisha. Napansin niya din na nanginginig na ang kamay ni Laura.

"Mommy, what's wrong?" Ang tanong ni Trisha at tinangka niya ito pakalmahin.

"Trisha, is this really yours?" Ang tanong naman ni Laura.

"Yes, mommy. Sabi sa akin ng mama ko. Kung gusto niyo tawagan natin sila para tanungin tungkol diyan." Ang sagot naman ni Trisha. Medyo naguguluhan naman si Trisha ngunit sinagot naman niya ng maayos si Laura.

Ilang minuto naman pinagmasdan maigi ni Laura ang kwintas niya. Sa oras na ito naisip din ni Trisha na si Laura at si Caleb ang magulang niya.

Ngunit gusto niya muna makasigurado.

Ilang sandali pa ay napansin ni Laura na pwede mabuksan ang hugis puso na pendant. Agad naman binuksan ni Laura iyun at dito niya napagtanto na eto nga ang kwintas ng nawawala niyang anak.

Napansin naman ni Trisha iyun at nagulat din siya. Hindi niya inakala na pwede palang buksan ang pendant.

Nang tignan niya mabuti ay nagulat siya sa nakita niya. Nakita niya kase na andun sina Laura at Caleb. Kahit alam niya na nasa 20's palang sila nun ay namumukhaan niya sila. Nakita din niya na may buhay silang baby nun at laking gulat niya ng makita na siya ung baby na buhat buhay nila.

Hindi siya makapagsalita sa nakita niya at tinignan niya si Laura.

Nagkatitigan naman sila at nakita ni Trisha ang luhaang mata ni Laura.

"Anak ko, huhuhu. Anak." Ang sabi ni Laura at hinawakan ang pisngi niya at niyakap niya agad si Trisha.

Hindi naman makagalaw si Trisha. Hindi niya inaakala na si Laura at si Caleb ang hinanap niya, ang kanyang tunay na magulang.

Sa una gusto sana magalit si Trisha at tanggalin ang pagkakayakap ni Laura sa kanya dahil sa natagpuan siya sa basurahan ngunit ng maalala niya ang kwento ni Laura na kinidnap siya ay huminahon siya.

Naisip niya na maaaring totoo ang sinasabi ni Laura. Kung si Laura at si Caleb ang totoo niyang magulang ay iyun lang ang maaaring mangyari. Hindi niya maaaring isipin na itinapon siya sa basurahan dahil sa wala silang kakayahan na buhayin siya. Dahil matagal ng kilala ni Trisha ang dalawa ay hindi niya maaaring isipin na hindi siya mahal. Minahal siya ng dalawa kahit na hindi pa nila alam na anak nila siya. Tinulungan pa nga siya at iniligtas siya kahit hindi pa niya alam na anak siya nila.

Ilang sandali ay nagsimula na din tumulo ang luha niya.

"Anak, hindi ko inaakala na matagal na pala kita kasama. Kaya pala nung una palang kita makita ay napakagaan na ng loob ko sa iyo at pagprotekta ko sa iyo. At kaya pala iba ang kutob ko nun nakita ko ang balat mo sa likod." Ang pahayag ni Laura.

"Patawarin mo kami ng daddy mo anak. Hindi namin sinasadya na matapon ka sa basurahan. Huhuhu. Patawarin mo kame at sumuko kame ng daddy mo sa paghahanap sa iyo. At sana maniwala na hindi ka namin kinalimutan ng daddy mo." Ang dagdag niya at patuloy na umiyak.

Dito na din tuluyan tumulo ang luha ni Trisha. Naramdaman ni Trisha kung gaano siya kamahal ni Laura.

"Mommy?... " Ang sabi niya ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng mapansin niya na gustong lumuhod si Laura.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now