"oh maam anyari sa damit nyo" sege manong mag tanong kapa

"wala lang to manong tara alis na tayo" sagot ko kay manong trycicle...malas talaga nang araw nato.

kanina muntik pang masunog yung sinaing ko hindi lang pala muntik, eh nasunog talaga. Paano ba naman eh naka tulog lang naman ako habang nag hihintay na maluto ang sinaing ko sa stove. sa stove na ako nag saing kahit na may rice cooker naman kami, at para narin bawas sa kuryente.

at kung tinatanong nyo kung bakit ako puyat eh puyat lang naman ako kaka basa ng wattpad stories ewan koba at naadik ako sa apps nayon. tig anong oras na ako nakakatulog kung gabe kung minsan inuumaga pa ako. pasalamat ako at wlang klase.

"salamat manong" sabi ko kay manong at bumaba na sa trycicle.

finally at nakarating narin...after 20 minutes nakarating narin ako sa bahay nang kaibigan kung kulangit.

hanggang ngayon ang init parin ng ulo ko dahil sa lalakeng yon. lalo na at hindi parin ako nakapag bihis ng damit. manghihiram nalang ako nang damit ni Ian

"oh bes, bat ganyan yung mukha mo. huwag kang ngumuso para kang pato" bwesit na Ian kadadating kolang eh.

"wag mokong asarin ngayon Ian at baka ma sipa ko na naman yang alaga mo" inis na sabi ko sa kanya
" at pahiram narin pala nang damit mo. at oo nga pala may binili akung corneto na para lang dapat sakin kaso ngalang na aawa ako sayo at nawalan ako sa mood kumain nyan kaya sayo nalang." sabiko sa kanya sabay hagis ng plastic bag na may lamang ice cream na para naman talaga sa kanya

" asus eh para naman talaga sakin yan ehh...sege salamat ilalagay kolang to sa ref at kukuhaan na kita ng damit" sabi nya at tinalikuran na ako.

habang nag hihintay sa kanya ay umupo muna ako sa kanilang sofa at ipinalibot yung paningin ko sa kabuoan ng sala...maganda yung bahay nila parang mansyon may dalawang hagdan sa gitna pag ka pasok na pagkapasok mo sa pinto nila. sa may kaliwang side yung sala nila at sa kanang side namanyung kitchen. laging nasa trabaho yung mommy at daddy nya kaya ang madalas nyang kasama dito sa mansyon nila ay yung mga kasambahay nila at hindi narin ako mag tataka kung palagi syang wla deto dahil gaya nga nang sabi nya ay ang boring daw.

pareho lang kaming nag iisang anak kaya parang mag kapatid na kaming dalawa. pero para kaming mga aso't pusa

"oh eto na yung damit" biglang sabi nya inihagis sakin yung t-shirt nya at sapol talaga ako sa mukha. aba bastos na bata to ahh "doon ka nalang sa kithchen na cr mag bihis"

"wala kang galang Ian" naiinis na sabi ko sabay tayo at tinalikuran sya at pumunta na sa kithchen.

"ayy sorry po lola gurang"pero bago ako maka pasok sa kithchen ay narinig kopa syang may sinabi at tumawa...sira ulo

pag dating ko sa kithchen ay dumiretso ako sa cr nila at nag bihis na. medyo malake sakin yung damit ni Ian pero ok narin yun at sanay naman ako sa mga over size shirt.

"wala paba yung mga kaibigan mo?" tanong ko kay Ian pag dating ko sa sala naabotan ko syang nakapandekwartong nanonood ng basket sa flat screen tv nila habang kumakain ng cookies, at nung icecream na binigay ko sa kanya

" wala pa mamaya payong alas nwebe 7:55 palang naman" sabi nya sabay tingin sa kanyang wrist watch

"Ahh!...salamat manang" sabi ko kay manang nang i abot nya sakin yung isang basong orange juice.

"nga pala anyare sa damit mo kanina? bakit may kape yon?" tanong nya sakin at dahil sa tanong nya bigla na namng uminit yung ulo ko dahil naalala ko na naman yung nangyare kanina.

"may nakabunggo lang naman sakin kanina sa 7/11 habang papalabas ako" inis na sagot ko sa kanya sabay hilata sa katabi nyang sofa

"buti at ice coffe yung binili mo eh paano kung mainit na kape yun ede na paso ka" may pag-aalala nyang saad

" tsk. buti nga...tapos kainis pa nong lalake, hindi ko pinag kakaila na gwapo sya ah kaso ang yabang tapos ang haba ng sinabi ko sa kanya tapos yung sagot sakin eh isang letrang K lang" inis na sabi ko at sumubo nang cookie

" oh chill lang haha. high blood ka naman masyado at saka deserve mo yan hahha buti at demo nasipa" natatawang sabi ng mokong. akala mo naman nag aalala na tsk lalo nya lang akung iniinis eh.
itinirik ko nalang yung mga mata ko at hindi nalang sya pinansin vaka pag sinagot koto lalo lang akung maiinis at baka sa kanya ko maibuntong yung lahat ng init ng ulo ko

—2 hour later

"oh anong oras na? bat wla parin yung mga kaibigan mo" tanong ko kay Ian sa ginta ng panonood namin ng tv

"on the way na daw sila. mag bibihis lang ako sa itaas. at saka ipaayos narin to kay manang" ani nya at tumayo na. tinanguan kolang sya at umakyat narin sya sa itaas

"manang sabi ni Ian paki ayos daw po muna nitong coffe table at parating na daw po yung mga kaibigan nya" sabi ko kay manang ng dumaan sy papuntang kusina

"sege iha dadalhin ko lang to don sa kusena"- ani ni manang belen tinanguan ko lang ito at nginitian. mag kakilala na kami ni aking belen dahil lage rin naman akung nandeto noon sya yung yaya ni Ian noong bata pa sya actually hanggang ngayon kaya medyo close narin kami ni manang belen dahil matagal na kaming mag kakilala.

simula elementary mag kaibigan na kami ni Ian mag kaibigan yung mama ko at ang mommy ni Ian at mag kakilala naman si papa at daddy nya kaya kami nag ka kilala ay dahil sa mga magulang namin.

sa totoo lang sobrang epik nong una naming pag kikita ni Ian seguro mga grade 2 kami non.

"manang belen pagawa ngapo pala ng sandwich para sa mga kaibigan ko"-Ian kay maang belen

"sege iho"-manag velen kay Ian

naka jersey na si Ian ng bumababa sya at dala nya na rin yung neregalo kong bola sa kanya noong birthday nya last 2 months.

(ding,dong)

"ako na" sabi ko kay Ian ng may nag doorbell sa pinto, baka mga kaibigan nya na yon umiinom pa kase sya ng tubig.

"pre,bilisan mo na jan nagugutom na ako eh" sabi nung isang lalake na hindi kataasan na chinito...pag bukas ko ng pinto yung pag tatalo agad nila yung nadatnan ko.

"tsk. kasalanan ba namin yun na hindi ka kumain bago tayo umalis" sagot naman nung isa na half afam.

"wow huh! hiyang hiya naman ako sa inyo kumain ba kayo pag alis natin eh alam ko namang gutom narin kayo" sagot nung chinito."tsk. dalian nyo na kase"

"ayy mumu!" pfttt hahah kakatawa yung mukha nung moreno hahahha.

mag dodoorbell na sana ulit ung moreno kaso pag baling nya sa pinto ay bukas na at nandun na ako. halos mapa talon sya eh.

"k-kanina kapa jan" tanong sakin nung moreno.

"nauutal ka yata pre" nakangising sabi nung chinito.

"gago malamang eh nagulat ako" sagot nya sa kaibigan at binalingan ulit ako "kanina kapa jan?" tanong nya ulit sakin kaya tumango ako.

"pumasok na daw kayo sabi ni Ian" sabi ko sa kanila at isa-isa silang tinignan hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa taong kinaiinisan ko ngayung araw

bahagyang nanlaki ang aking mata ng makita ko kung sino ang isa sa mga kasama nila

"ikaw?!" gulat at inis kung tanong sa lalakeng nakabangga lang naman sakin kanina sa 7/11.
tinaasan lang ako ng kilay ng putek, deba sya magugulat katulad ko or magrereact man lang na "oh ikaw yung babae kanina sa 7/11 ah na sinagot kolang ng K sa haba ng sinabi"

edi wow

"do you know each other?" biglang sabi ng isa sa kanila kaya natigil ang matatalim kung tingin sa lalake...lima sila ang nandito ngayon sa harapan ko kaya mukhang lima lang din ang kaibigan ni ian dahil narin sa kadahilanang sinabi nya saking pupunta daw lahat ng barkada o ka grupo nya

napairap ako sa tanong nang lalake
"hindi" kaagad kung sagot, kumunot nuo lang ang lalake at hindi narin nag tanong

"ang tagal nyo kaya sumunod na ako deto" sabay-sabay kaming napalingon sa pinggalingan ng boses

"tara na sa loob" akat ni ian kaya agad kaming sumonod sa kanya sa loob

His first loveWhere stories live. Discover now