Chapter One

37 2 0
                                    

HAPON na nang makapag-settle na sila sa bago nilang bahay sa Hermoso Avenue. Hindi na naman nila kailangan dalhin pa ang iba nilang gamit at appliances dahil fully furnished naman ang nilipatan nila. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng bahay ay hindi siya nanghinayang sa binitawan niyang malaking halaga. Worth it naman ang mga bunga ng sakripisyo at pagod niya kumabag, it's time to give herself a gift. At ang gift na iyon ay ang napakagandang bahay nila na titirhan ngayon. Hindi man iyon kasing engrande tulad ng ibang bahay sa Hermoso ay hindi naman ito magpapahuli din sa istraktura at disenyo.

Masaya siya sa kaalamang napasaya din niya ang kapatid niya. She never seen her sister na ganoon ka-excited. Iba na talaga ang pakiramdam kapag nakatira ka sa isa sa pinakamagandang subdivision sa buong Ka-Maynilaan.

Hermoso Avenue is not an ordinary subdivision. Isa ito sa pinakamalaking subdivision sa bansa. Bakit nga ba hindi? May sarili itong golf club sa loon na exclusive lang para sa residente nito. You cannot avail their membership hanggat hindi ka taga-Hermoso. Nabalitaan din niyang may bowling center, shooting center, cafes, botiques, bookstores, shops, spas and even the prestige club and famous restaurant are located at Hermoso. Masasabi niyang napakaraming ammenities ang nasa loob niyon.

Isa pa sa mga nagustuhan niya ay ang security system ng buong subdivision. Bawat kanto ay may naka-install na CCTV kaya siguradao siyang safe and sound sila ng kapatid niya. Pinagmamalaki din ng association ng Hermoso na walang krimen ang naganap sa loob ng subdivision. Ang main gate ay may automatic registration system ant it will only open for their residences. Kumabaga monitor nila ang bawat tao na pumapasok sa loob. Talagang masasabi niyang Hermoso Avenue is one of the famous and most prestige subdivision in the country. Bukod pa sa ang lugar na ito ay mga lungga ng mga kilalang personalidad sa bansa.

"Ate! Can you buy me pizza? I'm hungry already."

Narinig niyang sigaw sa kanya ng kapatid niya mula sa kusina.

"Magpadeliver ka nalang."ganting sigaw niya.

"Gusto ko yung pizza na nadaanan natin on our way here. It looks delicious kasi."

Napailing na lang siya. Pinalaki niya kasing spoiled si Alyssa kaya nakasanayan na tlaga niyo na lahat ng hinihiling sa kanya ay binibigay niya agad. Gusto kasi niyang mapunan ang pagiging magulang at kapatid dito. Ayaw niyang maranasan nito ang hirap na dinanas niya ng mawala ang magulang niya.

"Your wish is my command, Princess Alyssa."

Rinig niya ang malakas na paghalakhak nito. Maya -maya ay dumiretso na siya sa garahe nila.

Sa pagkakatanda niya ay malapit sa gate ng Hermoso ang tinutukoy ni nito na pizza parlor kaya minabuti na lamang niyang gamitin ang kotse niya. Nakalabas na siya ng gate nila ng may biglang humarurot na kotse sa harapan niya. Mabuti nalang ay hindi niya dinere-diretso ang pagpapatakbo. Kung hindi siya nagkakamali ay isang pulang Lexus Convertible ang modelo ng kotse na iyon.

Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Mukhang dapat na niyang sanayin ang sarili niya kung anong klase ang pamumuhay dito sa loob ng Hermoso.

Wala pang ten minutes ay nakarating na siya sa The Slicery. Mukhang tama nga ang kapatid niya na masarap ang pizza doon. Sa nakikita niya kasi ay maraming parokyanto ito.

Ipinarada niya sa gilid ng shop ang kotse. Wala na kasing bakanteng parking lot ang shop.

Kumunot ang noo niya ng mahagip ng mata niya ang kulay pulang Lexus sportscar na nakita niya kani-kanina lang. Nagkibit balikat siya. Hindi na niya dapat pag-aksayahang isipin kung sino ang harubas na nagmamaneho nun.

Nag-te-text siya habang nagmamadaling pumunta sa pintuan ng shop. Dahil abala sa pagtext sa kapatid niya ay hindi niya napansin ang biglang pagbukas ng glass door at tumama iyon sa noo niya.

Hermoso Avenue Book I: Second Chances in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon