Flashback (Part 1)

22.3K 426 3
                                    

"Daniel is my name." wika ko sa babaeng nakasakay sa katabi kong upuan sa kotse. Nakita ko itong naghihintay ng masasakyan sa may waiting shed ng school kanina. Lumipas ang mahigit isang oras ay naroon pa rin ito. Maulan kasi kaya bihira ang nadaraang jeep. Ipinasya kong pasakayin ito at ihatid.

"Ahm.Ako naman si Sandra." mahinang sagot nito.

"San banda ang bahay niyo?" tanong ko sa kanya. Napansin kong giniginaw ito kaya hininaan ko ang aircon ng kotse.

"Sa may cubao mo na lang ako ihatid.Pasensiya na sa abala at salamat." sagot niya.

Napansin ko na may pagkatsinita din ito ngunit hindi kaputian.Marahil ay may lahi ding intsik tulad namin.

"Tell me exactly where your house is at doon kita ihahatid." sabi ko.

Parang nabigla ito sa sinabi ko pero sumagot din. "No. 50, New york st. sa may cubao.Doon ang boarding house ko."

"Okay.Doon kita ihahatid." sabi ko saka tinahak ang lugar na sinabi niya.

Naging matagal ang biyahe namin dahil sa traffic kaya ipinasya kong magdrive thru sa isang mcdo.

"Lets eat first." aya ko. Inabot ko sa kanya ang isang big n tasty, fries at drinks gayun din sa akin. Inihinto ko sa parking ang sasakyan at saka kumain.

Nang mapansin na hindi pa ito kumain ay nagsalita ako. "Sabayan mo na rin kaya akong kumain.Dont worry malapit na tayo.Matraffic lang saka gutom na ako eh."

"Salamat ulit." wika niya saka nagsimulang kumain.

Hindi naman mahirap hanapin ang boarding house nito na tinutuluyan.

Maliit lamang iyon ngunit malinis. Ang ipinagtataka ko ay paano niya naafford na makapag-aral sa university namin. Halos lahat ng naroon ay mga elites at maykaya.

DANIEL - MY PAST AND PRESENTWhere stories live. Discover now