Chapter One

82 31 19
                                    

𝗔𝗻𝗴𝗶𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗢𝗳 𝗩𝗶𝗲𝘄.

"Love!" Tawag ko sa boyfriend ko nang makita kong nasa harapan siya ng gate namin. Galing ako sa grocery, nautusan ako ni mommy na bumili ng mga pagkain. Humarap siya sa dereksyon ko't naglakad palapit saakin para salubungin ako.

Kinuha niya ang dalawang plastic na bitbit ko. Hindi naman mabigat pero dahil kinuha niya, binigay ko. He kiss me in my forehead. Shit! Kinikilig ako.

He's smilling!!

Putik! Ang pogi niya! Mas lalo pa siyang pumupogi kapag ngumingiti~ mamatay ata agad ako ng maaga nito. Nauna siyang maglakad kaya sumunod naman na ako. Ako na nagbukas ng gate kasi may hawak ang magkabilang kamay niya.

"Mom! Jerald is here!" Sigaw ko pagpasok ko ng pintuan. Lumabas naman si mommy mula sa kusina.

Nakangiting lumapit si Jerald kay mommy saka nagmano. "Hi po, tita."

"Kaawaan ka ng dyos. Ngayon ka na lang ata nakadalaw dito sa bahay, akala ko nga wala na kayo ng anak ko." Pabirong sabi naman ni mommy.

Pinagcross ko namn ang arms ko atsaka sinamaan ng tingin si mommy. Tama ba naman sabihin 'yon?

Haist!

Si mommy talaga.

"Oh, siya, iho, maupo ka muna diyan at ipaghahanda kita ng maiinom." Presenta ni mommy.

"Ahh, salamat po, tita."

Nakangiting bumalik sa kusina si mommy. Kahit kailan talaga boto si mom kay Jerald. Pogi na, mayaman pa! At syempre mabait~

Shit! Ang swerte ko~

Nagpaalam kami kay mommy na lalabas kami para magdate. Taray date! Haha... Kanto-kanto date... Pumayag naman si mommy dahil may tiwala siya kay Jerald. I am blessed that I have mother like her. Hindi niya ako ini-spoiled o kaya naman pinagbabawalan sa kahit anong bagay pero hindi niya din ako kinukunsinti sa mga bagay na ikasisira ng buhay ko, basta, si mommy ang gusto lang ay maging masaya ako, i-enjoy ko lang daw ang buhay ko 'cuz life is short.

Pasado alas otso na ng gabi at halos wala nang tao, nasa harap kami ngayon ng boyfriend ko nitong seven eleven, kumakain ng ice cream... Ayt, dinidilaan pala. Treat niya 'to syempre. Ito ang madalas naming bilhin kapag lumalabas kami, ewan? Pero gusto laging nag-a-ice cream, favorite ko.

Habang dinidilaan itong ice cream na tig-bente pesos ay pinag-uusapan namin ang mangyayare in the future. Like, kapag kinasal kami dapat nasa sikat na simbahan kami, kapag namn nagkaanak kami, siya mag aalaga at ako mag-wo-work. Baliktad na mundo ngayon eh.

"Hahaha" tawa niya sa sinabi ko.

"Hoy, anong nakakatawa? Ikaw nga mag-aalaga ng babies natin at ako mag-wowork."

"Haha," pinisil niya ilong ko. "Hindi p'wede, ako ang lalaki kaya ako magtra-trabaho." Nakangiti niyang sabi. Shocks! Ano bang meron? Nakangiti siya ulit! Kakaiba 'to. Madalas kasing naka pokar peys siya.

Suddenly, may grupo ng mga lalaki ang dumating. Lima sila.

'Yong lalaking mataba na may hawak na baseball bat ang nasa gitna nila. Naka smirk siya at nakatingin sa'kin, 'yong tingin na hinuhubaran ako. "Chixz" sabi noong matabang lalaki. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "P're, baka p'wedeng pahiram lang saglit ng chixz na kasama mo." Dagdag pa niya't lumapit ng kaunti sa'min.

Sinamaan sila ng tingin ng boyfriend ko. Tatayo na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya, seninyasan ko siyang 'wag niya na lang patulan ang mg panget na 'yan. Napagpasyahan na lang namin umalis nang walang gulo pero ng aalis na sana kami ay biglang hinawakan ng lalaking mataba ang braso ko dahilan para mahinto kami.

"Saglit lang, saan kayo pupunta? Nag-uusap pa tayo eihh..."  Sabi noong lalaking mataba na nakahawak pa din sa braso ko.

"Bitawan mo ang girlfriend ko."  May diin na pagsabi ni Jerald. Binawi ko ang braso ko't nakita kong may pasa. Ang higpit kasi ng pagkakahawak ng lalaking iyon. Tsk!

Nanlilisik ang mga tingin ni Jerald sa limang lalaki. "Naghahamon ka ba ng away?" Tanong ng payat. "Grabeng mga matang iyan." Dagdag niya.

"Tsk!"

Sumugod ng hindi nag -iisip ang isang lalaki na may berding buhok buti na lang at madaling naka-iwas si Jerald. Hinawakan ni Jerald ang kamay ng lalaking sumugod atsaka sinikmuraan. Namilipit naman ito sa sakit. Bigla na lang nagsabay sumugod ang dalawang lalaki. Pareho nilang hinawakan ang magkabilang braso ni Jerald para hindi makagalaw pero madaling iwinasiwas ni Jerald ng dalawa dahilan para matumba sa sahig. Bukod sa mayaman, gwapo at matangkad, malakas na lalaki din ang boyfriend ko, hindi ko naman siya sasagutin kung lalampa-lampa yan.

"Tsk!" Daing ng dalawa. "Halimaw." Dagdag pa.

Muling tumayo ang dalawa atsaka lumapit sa matabang lalaki sa tingin ko siya ang leader at pasimuno. May kung anong binulong ang matabang lalaki sa tatlo. Bigla na lang umangas at naging matapang ang mga hitsura nila habang nakangiti.

Sinamaan ko sila ng tingin.

'Yong tatlong kasama ng mataba ay sabay sabay na sumugod sa boyfriend ko.

Tsk.

Hahanda na rin sana ako para makipag-rambulan pero hinarangan ako ng boyfriend ko, pumunta siya sa harapan ko. Sinasabi niyang sa likod niya lang daw ako.

"Okay..." Umatras ako para hindi ako madamay diyan. Malakas ang boyfriend ko at may tiwala akong mananalo siya sa mga kulugong iyon.

Sabay sabay nilang sinugod ang boyfriend ko at sabay sabay din silang tumumba. Haha... Hanggang sa niyakap nila ang boyfriend ko para hindi maka-galaw. Nang hindi na pumalag ang boyfriend ko ay lumapit ang lalaking mataba atsaka hinampas sa ulo ang boyfriend ko dahilan para matumba't mawalan ng malay.

"Uh..Ohh..." Sabi ng matabang lalaki. Naka-smirk siyang tumingin saakin. "Paano ba 'yan, tulog na an boyfriend mo." Nakakalukong sabi niya. Tsk!

Lumapit siya saakin.

Akmang hahawakan niya na ako ng may bumato sa lalaking mataba. Pareho kaming napatingin sa nangbato hindi kalayuan sa'min. Kitang kita namin siya dahil sa suot niyang kulay yellow na jacket at pants.

𝘈-𝘢𝘭𝘦𝘹𝘢𝘯𝘥𝘳𝘢? 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘥𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳𝘦?

"Haha, mukhang may dumating na anghel para tulungan ka." Sabi noong payat na lalaki, siya iyong sinikmuraan ni Jerald.

I smirk with them. "I don't need an angel to save me." I calmly said.

𝓜𝓙𝓐_𝓫𝓮𝓪𝓾𝓽𝔂

HER GIRLFRIEND (Complete)Where stories live. Discover now