Naging close na kami ni Alia nang ipakilala siya ni Seven sa akin. Nagkagulatan pa nga kami. Siyempre, gulatan talaga! Hindi na ako masyadong nagso-social media kaya nagulat ako nang magpalit ng profile picture si Seven! Tangina, pag-ibig lang pala makakapagpapalit ng profile picture doon kay anime guy! Ilang beses ko siyang sinabihang magpalit, jowa lang pala ang kailangan?! 

Hindi pa rin ako sanay na may jowa na siya. Iyong lalaking 'yon?! Hindi ko na-imagine na magkakaroon ng girlfriend 'yon, eh! Puro volleyball lang nasa isip noon, tapos ngayon, puro Alia na lang ang nasa isip! Puro si Alia ang naririnig ko sa bibig. Iyong pangalang 'yon na lang ang laman ng utak niya. Buti nakakasagot pa siya sa exams.

Lumabas ako at naghintay kay Alia sa may mga lamesa. Mayamaya ay lumabas na rin siya at hinain ang baon niyang pagkain. 

"Pinapagalitan mo ako sa cup noodles pero ganito ka rin naman!" reklamo ko sa kanya pagkaupo niya sa tapat ko. "Sabay pa nga tayong kumakain! Nagbago ka na... Nagbabaon ka na ng pagkain ngayon..." maarteng sabi ko na parang maiiyak pa. 

"Ngayon lang," bulong niya sa tainga ko. "Nagluto si Seven."

"Ah, natulog siya sa apartment mo?" 

"H-huh?" Namula kaagad ang pisngi niya.

"Nag-chup chup kayo..." Pinagdikit ko pa ang mga daliri ko na parang nagki-kiss. "Tapos nag-ano..." 

"Hala, hindi, ah! Ano ba 'yang sinasabi mo, Nat!" Hinampas niya ako nang mahina sa braso. "Kumain na nga lang tayo!" Pulang-pula na ang pisngi niya kaya natawa ako nang malakas. Nakakatawa talaga siya asarin. Ang cute-cute niya. 

Alam na rin ni Alia ang talambuhay ko. Pati iyong tungkol kay Yori ay alam na niya rin dahil nga palagi kaming nagkakasabay kumain sa tapat ng convenience store. Wala kasi akong pagkain sa condo. Mas gusto kong bumibili na lang sa convenience store para... convenient? 

"Nakikita ko 'yong ex mo sa convenience store minsan..." pagkekwento niya sa akin.

Napatango lang ako. "Ah... Ano'ng binibili?" curious na tanong ko. "Cup noodles din?" Natawa ako nang malakas.

"Pagkain at inumin, siyempre. Mas pogi na siya ngayon kaysa sa picture na pinakita mo noon. Sayang, hindi kayo nagkikita." 

May mas ikapopogi pa pala 'yong taong 'yon? "Oh, well. Happy for him." Iyon na lang ang sinabi ko at nagkibit-balikat. 

December. Finals week na ng university kaya halos lahat ng estudyante ay busy na kakaaral. Naging busy na rin ako kakagawa ng paper kaya palagi na akong tambay sa library. Dahil puno ang ground floor ay umakyat ako sa may second floor. May mga individual study spaces doon. Mahabang table na may mga harang sa gitna para hindi kayo nagkakakitaan. Isa na lang ang bakante kaya roon ako umupo. 

Tahimik akong gumagawa ng paper habang suot ang earphones ko. Nang mapagod na ang mga mata ko ay kinuha ko ang bag ko para kumuha ng eye drops. 

"Shit," bulong ko nang mahulog 'yon at tumalsik sa katapat kong table. Lumuhod ako at yumuko para subukang abutin pero napunta na sa likod ng sapatos ng nasa tapat ko. Napansin niya ata kaya may nakita akong kamay na kumuha noon.

Tumayo ako nang maayos para abutin sa kabilang side. Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo rin ang nasa katapat ko kaya nagkita kami. Natigilan siya habang hawak ang eyedrop ko. 

Yori... Fuck, ano'ng sasabihin ko? 

He was wearing a hoodie, and he had his headphones on. Tama nga si Alia. He looked so much better. We were just staring at each other for so long before he extended his hand, inaabot sa akin iyong eyedrop.

"Thank you," sabi ko. He just gave me a small smile before taking his seat again. Umupo na lang din ako at agad napahawak sa magkabilang side ng ulo ko. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Where stories live. Discover now