"Nat-nat!" Napalingon ako nang bigla akong yakapin nang mahigpit ni Kobs. 

Nakipag-ayos na rin ako sa mga kaibigan ko. Hindi naman nila kasalanan. Iyong isang groupmate namin ang may kasalanan sa citation. Siguro 'yong work ethics lang nila at quality ng gawa ang problema, pero sinabihan ko na sila tungkol doon. They promised to be better and that was enough. Ganoon naman dapat, 'di ba? Ako rin, eh... I was trying to be better. Wala namang perpekto sa amin. Hindi dapat mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil may mga kasalanan din ako. May mga mali rin ako.

"Si Zahra, imbes na maghanap ng members sa club namin, naghahanap ng eabab na lalandiin!" pagsusumbong niya. 

"Gago ka, hindi ako naghahanap!" Hinatak pabalik ni Zahra si Kobs sa kwelyo. "Magtrabaho ka na kaya?! Mamigay ka ng flyers!" 

"Huwag n'yong jojowain 'to! She's choking me!" sigaw niya. "I mean, if kink n'yo 'yon, okay-" 

"Nat, water, oh." Inabutan ako ni Laya ng tubig nang makasalubong ako. "Tinatanong pala ng ka-club ko kung single ka." 

Natawa ako. "Ano'ng sabi mo?" Kumalat na rin siguro sa campus na hiwalay na kami ni Yori. Wala lang nakakaalam kung bakit. Siguro si Jap lang... Kaya hinihiling ko na lang na hindi ko siya makasalubong. 

"Ako ang sumagot! Sabi ko, single 'yon, pero wala kang chance doon! Nakita mo ba ex noon? Talampakan ka lang noon-" Tinakpan kaagad ni Laya ang bibig ni Kobs. 

Days and weeks went by without me seeing Yori on campus. Akala ko nga ay nag-Japan na siya pero sabi nina Kobs ay nakikita naman nila paminsan-minsan. Hindi ko naman siya hinahanap at hindi ko rin hinihiling na magkita kami. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon ko... o kung ano ang mararamdaman ko. Doon ko lang kasi malalaman kung wala na talaga. Kung okay na talaga ako. 

"Ano'ng nakuha mo, Nat?" tanong ni Zahra nang binalik ang exam papers namin. It was October. Kakatapos lang ng midterms. 

Nagkibit-balikat ako at binuksan ang paper ko. "Ninety-three. Not bad," natatawang sabi ko at tinago na 'yon sa bag ko. 

I couldn't say that I didn't care about my grades anymore dahil ayaw ko pa ring mawala sa Dean's list, but I changed my attitude about it. Kung mataas, masaya. Kung mababa... May next time pa. Ganoon na lang. It wasn't the end of the world, and I already knew that. My mom and dad made me realize that by telling me their experiences. It will be okay. 

I didn't stop competing, pero mas focused na ako sa journalism competition namin. Part ako ng broadcasting team at nag-compete kami recently sa national level. We were only in second place. Humbling, really... but it didn't matter so much. 

"It's okay. We did our best," sabi ko na lang sa kanila. Hindi ko masasabing may next time pa dahil graduating na ako, pero more chances and opportunities will come. 

My life didn't revolve around winning anymore. It revolved around chasing my dream. 

Pagkabalik namin ng campus pagkatapos ng competition, dumeretso ako sa broadcasting room para kuhanin ang gamit ko. May naiwan kasi ako roon. Pagkatapos ay lumabas ako ay nadaanan ko ang e-games room. Ongoing ang training nila. Tuloy-tuloy lang akong naglakad palabas. Nakita ko ang mukha ni Yori sa LED screen ng school. The school was congratulating him and the whole team. A small smile was plastered on my face while looking at it. 

"Congratulations," bulong ko sa sarili ko bago ako nagpatuloy maglakad. 

Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng pagkain ko for dinner. Pagkarating ko sa counter, nilapag ko kaagad ang bayad. Cup noodles lang iyong binili ko.

"Cup noodles na naman?" sabi ni Alia, ayaw tanggapin ang binili ko. Napangiti ako at natawa sa sinabi niya. "May baon akong pagkain! Hintayin mo na lang ako. Malapit na matapos ang shift ko."

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Where stories live. Discover now