Laglag panga naman ang mga taong nasa loob ng kwartong ito, at di makapaniwalang tinitingnan ako...

M--ura?
..mura ba ang limang daang piso para sa iyo binibini?...ikaw ba ay isang anak maharlika?...

Sos naman masyado bang nahalata ang sabi ko?... ayssst hindi kasi nag iingat ng sinasabi amber eh...

Ahmmm naku hindi po ako anak maharlika... ahmm ibig ko pong sabihin ay ang ganda po ng lugar, namali lang po ako ng sabi...

Pag rarason ko , sana makalusot...ayssst...

Ganoon ba binibini, ahmm kung ganoon ay simulan na natin, heto ang papeles at titulo ng lupa, ang mga kasambahay ay kasama sa pagbili mo ng lugar ko...

Lalo namang nagulat ako, what the! Pati mga kasambahay? Seriously.?...

Ganoon ho ba... ahmm heto po ang bayad ko...

So sakto lang na 500 pesos ang binigay ko baka mapagkamalan pa akong yayamanin eh... haha...kahit totoo naman...chosss...

....

Hanggang sa natapos na ibigay sa akin ang papel ng lupang ito, infairness ang lawak talaga parang palasyo din ang lawak ng bahay, grabe naman anv halaga diba? Hamakin mo yon pati maid kasama sa pag purchase?..kaloka...

........






Senyorita, nakahanda na po ang inyong pagkain
Sabi ng isang maid

Sosyal ba? Maka jackpot kaba naman sa pagbili ng lupa at bahay kasama na ang maid, hays .... nakaka awa din ang mga maid dito eh,

Pansin ko na ang papayat nila, wala bang pagkain dito? O di kaya ay nagtitipid ba sila?...

Nga pala mga gals, matapos na binigay sa akin ng may ari ang papeles ng lugar na ito ay agad kong pina ayos ang silod ko at nag paluto na din ako,

Gutom is real na kasi, mag gagabi nadin, feel ko mag 6pm na,kaluka wala man lang silang reli dito kaya ano tamang hula hula lang... patawa.


Makakain na nga, I'm so hungry---



.

Nang makarating ako sa dining hall, ehem mala prinsesa ang datingan, ang haba pa ng mesa tapos ako lang naman kakain, may mga maid pa sa kada paligid ng mesa, nakaka intimidate tuloy kumain...

...

Ahmm maaari niyo ba akong sabayan sa pagkain?
Offer ko sa mga new maids ko, sayang naman netong mga hinanda nila noh. Ang dami kaya, saka sakto naman na ang papayat nila, mga kulang sa bitamina..

Naku Senyorita, hindi pi maaari na sumabay saiyo ang mababang uring katulad namin
-maid 1

Huh? May ganon bang patakaran? Bat di ako nainform?...aist grabe naman iyon,kawawa naman nila...

Ah basta gusto kong lahat kayo ay sabayan akong kumain, paki tawag narin ang bantay sa labas, ...

Utos ko sa isang maid, para naman makakain kaming lahat, grabe tao din naman sila, napaka walang puso naman noon kong di mo pakainin..


------


Senyorita, pinatawag niyo raw ho kami
-Guard 1

Hmmm' sabayan niyo akong kumain, wag na kayong mahiya, umupo na kayong lahat at ng makakain na tayo, sayang naman ng mga pagkain oh..


Nahihiya pa sila pero mga ilang sandali lamang ay nagsi upuan na, napansin ko din ang iba na naiiyak na... aisst ang bababaw naman ng kaligayahan,

Halos mga kanya kaniyang kuha ng pagkain, nakaka touch naman sila, ang mga maids kasi ay nag hahatian ng pagkain, parang ngayon lamang sila nakakain ng ganoon...

Senyorita, maraming salamat po dahil kahit na mababang uri lamang kami ay inyo kaming pinakisamahan na parang ka uri niyo..

-Maid 2

Oo nga po Senyorita, nagagalak din po kami na kayo ang nakabili sa lugar na ito, ang bait niyo po

-Maid 5

Kabaliktaran po ng dating may ari, napaka lupit po sa amin
-Guard 1

Grabe naman ang mga naranasan ng mga katulong dito, ang lupit pala ng trato sa kanila tskkkk...

Ano ba naman kayo, para sa akin pantay panray tayo, ang gusto ko lang ay maging tapat kayong lahat sa akin, kong gusto niyong umuwi sa inyo para mag bakasyon pupwede naman, o kaya dalhin niyo nalang dito ang mga pamilya niyo, ang lawak pa naman ng lugar eh,...

Napa nganga naman sila sa sinabi ko, ehhh? Mali ba?...

Naku Senyorita nakaka hiya naman po kong pati po pamilya namin ay dalhin namin dito
-Guard 2

Hmmm sige ganito una ano ang mga pangalan niyo?

Ako po si Marya -Maid 1

Lura-Maid 2

Pil-Maid 3

Toya-Maid 4

Soha- Maid 5

Gasto- Guard 1

Kahel- Guard 2

Tomas- Guard 3

Wala ba kayong apelyedo?
Nagtataka kong tanong sa kanila, pano ba naman puro pangalan lang eh...

Naku, wala ho, tanging mga mayaman lamang ang may karapatang magka apelyedo..

Hala siya! Bat naman ganern, kaluka naman...

Eh?... wag niyo nang pansinin ang sinabi ko, ahmm ako naman pala si Amelie Brei

Pakilala ko sa kanilang lahat, napansin ko namang namula ang mga pisngi ng mga maids at guards, aba anyare?...


Maharlika po pala kayo Senyorita Amelie Brei
Nahihiyang sabi ni Tomas

Naku naman ano ba kayo kahit kayo pwede naman magka apelyido, pangalan lang naman yon...

Nga pala matanong ko lang, hindi ba kayo pinapasahod ng dating may ari ng lugar na ito?

Malungkot silang napa iling, it means wala silang sahod...patawa naman..

Huh? Bakit naman?

Senyorita kasi ang sabi ng dating may ari ng lugar na ito ay pinatira na kami ng libre at pakain kaya iyon na lamang ang bayad...
Naluluhang sabi ni toya at sinang ayunan naman ng lahat...

Naku nakakagigil naman ang matandang iyon, ang kapal naman ng mukha! Buti nalang hindi ko pinasubrahan ang bayad sa lupa tskkk...


Hayaan niyo dahil ako na ang may ari ng lugar na ito kaya makaka tanggap kayo ng sahod buwan buwan..

Nabigla silang lahat sa sinabi ko at halos malaglag pa sa upuan dahil sa gulat, grabe big deal na ba iyon sa kanila?..

Senyorita napaka buti niyo po, kami pong lahat ay nangangako na magiging tapat po sainyo..
-Guard 2


Awwww, nakaka touch naman sila, kapag may ganiyang mga tao sa paligid mo dapat pahalagahan mo..


Oj siya ituloy na natin ang pagkain, at bukas na bukas din, dalhin niyo na dito ang mga pamilya niyo....




SALAMAT PO SENYORITA!!!!


............

Adventurer Girl Who Travel In The PAST/Series'3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin