Ito yung namiss ko talaga. Miss na miss ko sila.

"Bes, nga pala may pinadalang kotse ang papa mo, sayo na ko sasabay, I love your car" sabi ni Haria

"Huh? Talaga?" napatayo ako at agad agad para lumabas at ng makita ko iyon ay napanganga sa kotseng nasa harapan ko.

LAMBORGHINI

Ang dream car ko!

Maya maya lang ay lumapit na sakin ang long time butler namin.

"Mr. Mark!" sabi ko bago sya niyakap. Kaedaran ni papa itong butler namin.

"Ang tagal mong nawala Ms. Klaire, Nakakamiss iyang mga ngiti mo, mas lalo kang gumanda" pagpuri nya sakin.

"Mr. Mark talaga ang bolero. Kamusta po kayo?"

"Ayos lang naman, masaya akong kumpleto na ang pamilyang tatlumpunt taon ko ng pinagsisilbihan" sabi nito. "Ms. Klaire, Ihanda nyo na daw po ang sarili nyo sabi ni Madam Caren, dahil sa hindi nyo pagdating sa binyag ng pamangkin nyo"

Napatapik ako sa ulo ko. Oo nga pala, lagot ako kay ate. Bakit naman kasi?! Hays! Ihahanda ko na ang tenga ko sa bunganga nung nakakatanda kong kapatid.

"Pero wag nyo na po munang isipin yan Ms. Klaire. Ito po ang susi ng sasakyan nyo" sabi nito sabay abot sakin ng susi.

"Akin po ba talaga yan?" tanong ko habang nagniningning ang mata.

"Yes po Ms. Klaire, welcome gift ng papa nyo at ang welcome gift naman po ng mama nyo ay nirentahan nya ang paborito nyong mall dahil alam nyang mamimili po kayo ng kasuotan para sa reunion bukas" sabi nito.

Di nga ako nagkamaling bumalik sa Pilipinas. Hello benefits! This is why I love my parents.

"Girls, tara na! Sa favorite mall natin tayo pupunta!" sigaw ko sa kanila habang pasakay sa kotse ko.

I mouthed thank you to Mr. Mark bago kami sumakay ni Haria sa kotse ko at yung anim naman ay sa sasakyan na ni Dianne sumakay.

We went to the mall at mukha talaga itong ghost town kung wala lang ang mga sales ladies na ngiting ngiti samin ay matatakot akong pumasok.

Pagpasok namin ay may kinabit na ng pulang linyang pangharang na may nakasulat na "For VVIP only"

Ayaw siguro ni mama na makipagsiksikan kami kaya kahit na may jetlag pa ko ay na excite akong mamili.

Dwayne's POV.

"So kailan mo balak pakasalan yang Ashley mo?" tanong ni Kath na mukhang iritable.

Magkakasama kami ngayon dahil may practice kami dahil kakanta kami sa reunion ng Walshein.

"Yayayain pa lang" sabi ko.

"Sure namang papayag yan" sabi naman ni Airene na mukhang inis pa rin.

"You hate Ashley that much no?" tanong ko sa kanila.

"Paano naman namin sya magugustuhan, ang taas ng ere nyang girlfriend mo!" Kath.

"Oo nga! Di man lang talaga sya gumawa ng way para kaibiganin kami. Kung ayaw nya samin, hell we care, ayaw rin namin sa kanya" sabi ni Airene na pinagdudutdut ang keyboard nya sa inis.

Di ko naman sila masisisi dahil may mali din si Ash. She hates them just like how much they hate her kaya hinahayaan na lang namin sila.

"Naku pare, pasensya na talaga sa mga misis namin" sabi ni Anthony.

"Anong pase-pasensya?! Di naman tama yun no?! Ano kami pa mali?" sigaw ni Airene sa mister nya.

"Eh kasi naman pare, mali talaga si Ashley" sabi ni Ticman na halatang natakot sa asawa kaya natawa na lang kami sa kanya.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon