"Rain, ang sarap talaga ng luto mo, nakaka-inlove" sabi ko sabay tawa.

Umupo sya sa harapan ko at nginitian ako.

Maybe ito na ang tamang oras. Maybe I should give him the chance he deserve.

"Rain, should I start dating you?" sabi ko sabay taas baba ng kilay at tumatawa.

Halatang nagulat sya, kaya uminom muna sya ng tubig. Nakikita mong namumula ang tenga nya.

"Are you serious? Hey stop kidding me Klaire" sabi nya.

"I'm not, Matagal mo ng hinintay ang chance na ito. Why don't you grab it?" sabi ko sabay tayo.

Tumayo din sya at natatawa. Nagulat na lang ako ng bigla nya kong yakapin.

"Why are you doing this Klaire? It'll be hard for me to let you go" sabi nya habang nakayakap sakin.

Isinandal ko ang ulo ko sa chest nya.

"Ano? Bakit mo naman ako ile let go? Wag mong sabihing ikaw naman ang mang ba basted sakin?" sabi ko bago tumingin sa kanya.

"Of course not, syempre tina try mo pa ko. You don't really love me yet. You see, you might change your mind" sabi nito sakin

Oo nga pala.

Magaling na magtagalog si Rain. Yung slang lang nya talaga ang problema. Medyo ang hirap talagang ayusin pero mapapagtiyagaan naman.

"Tsk! Stop being madrama, okay? Hindi magbabago ang isip ko" sabi ko atsaka ko sya niyakap ulit.

"Klaire, we're going back to the Philippines" napapitlag ako sa sinabi nyang yun kaya napalayo ako.

"What? Ano bang sinasabi mo? Okay na tayo dito ha? Bakit pa tayo babalik ng pinas?" sabi ko, kinabahan ako bigla. Hindi ko na inisip na bumalik pa sa bansang iyon.

"Your mom called. There will be a big reunion for Walshein. You and I need to be there, If we don't go back, your dad will definitely do something to make us go home" sabi ni Rain.

Kinabahan ako. Alam na ni papa kung nasaan ako, I'm sure about that. Magaling ang koneksyon nya and if I don't follow him, my life would be a living hell.

Ayoko pa. Ayoko nang bumalik sa bansang yun. Di naman sa di pa ko nakakapag move on pero ayoko lang talaga doon.

Pero ano bang magagawa ko, ang magulang ko na ang nag uutos na umuwi ako. 

"Yeah I agree, we should really head back home, basta sasamahan mo ko ha?" sabi ko kay Rain

"Yes, nandito lang ako" sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Nginitian ko sya. Panahon na siguro, madami na din akong namiss doon. Lalo na ang pamilya ko at kaibigan ko. Kinasal na si Dianne, Tessa, Love at Haria ng di ako nakaka attend pati sa binyag ng mga inaanak ko ay missing in action ako. Tama na ang pagtatago. It's time to go back and face my past.

Sa nakalipas na limang taon ngayon ko na lang binuksan ulit ang facebook ko. Hindi kasi ako nagso social media.

Tumambak sakin ang

3677 friend request
890 messages
4200 notification.

I scanned all of them. May mga messages si Dwayne dito last 5 years ago pero hindi na ko nag bother buksan, hindi ko alam. Hindi ko kayang malaman ang nasa isip nya kaya blinock ko na lang ang account nya. In accept ko ang mga kilala ko at nagreply sa ilang mensahe at after 5 years here I am, Typing my status.

Status:
Guess who's coming back to her hometown?

Natuwa ako sa status ko, ang cute at pabebe lang? Iniwan ko sandali ang laptop ko para inumin ang gamot ko sa sakit sa puso at kung meron mang isang hindi nagbago sakin, yun ay ang sakit ko sa puso. Natatakot akong magpa opera kasi wala namang kasiguraduhan na makaka survive ako kaya gamot gamot na lang at iwas sa stress. Nag decide na din akong maglinis saglit ng kwarto ko.

Binalikan ko ang laptop ko at halos lumuwa ang mata ko sa daming likes at comments ng status ko.

854 likes.
192 comments.

OMG anong nangyari? Namiss ba nila ako ng todo? Viniew ko ang unang comments and guess what kung kanino galing? Sa mga lukaret na kaibigan ko lang naman.

Tessa
Omo! Is it true? Totoo ba to? UUWI NA ANG BABAENG AKALA NAMIN PATAY NA! Hmm! PM mo ko kung kailan ang dating mo para mapahaba ko yung kuko at nang makalmot ko yang medulla oblongata mo dahil nakalimot ka!
Ps. Miss you!

Haria Palis-Cabahug
Ya! Naku naman! Hahaha, may pasalubong dapat yung mga inaanak mo dito ha! Humanda ka talaga samin!

Diana De Jesus-Laroza
Akala ko pa naman uuwi ka na pag may naka burol na samin, buti nagising ka kasi papa hunting na sana kita. See you!

Aira Flores
Yes! Makakapunta kang loka loka ka sa engagement party ko. Kumpleto tayo, my heart is so happy pero malaki ang atraso mo samin, kaya humanda ka!

Cherry-Lyn
Waaaaah! Kaka propose lang ni Jhong sakin tas ise share ko pa lang sa facebook . Ito nasa unahan ng newsfeed ko. Uwaaaaah! Bakit ang swerte ko? Ikakasal na din kami at nandoon ang maid of honor ko! But still di ka lusot samin.

Baleng Blanks
Patay ka sakin girl! I need your explanation! Di bale, masaya ako na nandito ka na. Special mention ka sa guesting ko later!

Nagtaka ako kung sino sya, kaya viniew ko ang profile nya. Bulaklak lang ang profile pic nya at yung iba cartoons lang. Friends nya din ang mga kaibigan ko. Nung nasa may dulo na ko ng profile pics nya ay nakita ko na ang nasa picture na yun ay kaming pito nung second year college kami.

Nagulat ako nung biglang may mag pop up na chat at mula yun sa Baleng Blanks.

Baleng Blanks:
Stop stalking my wall girl, I know nagtataka ka kung sino ako.

Klaire Louise:
Yeah, sino ka?

Baleng Blanks:
Awwts. Di mo nga yata talaga nahalata kung sino ako. Read my name again at isipin mo if it rings a bell.

Tinitigan kong maigi ang pangalan nya. Baleng? Baleng? Wait! Naalala kong Balen ang nickname ni-
Napatingin ako sa apelyido nya. Blanks?

I'm so stupid hoho

Klaire Louise:
VALERIN!

Baleng Blanks:
The one and only.

Klaire Louise:
Bakit ganyan yung pangalan mo sa facebook?

Baleng Blanks:
Loka loka ka ba? Artista ako diba? Tsk ayokong mag add ng fans ko dito or i add nila ako dahil baka i-hack pa nila facebook ko. Mga importanteng tao lang ang naka add at nakakaalam nito. Alam mo na?

Klaire Louise:
Yeah right. Famous friend.

Baleng Blanks:
Nakakatampo ka! Di ka na nagparamdam pero bakit ganoon? Di ko matago ang pagkamiss sayo! Kelan ba uwi mo dito?

Klaire Louise:
Di ko pa sure pero inform agad kita dahil di pa kami nakakapag book ng flight ni Rain kaya ikaw na bahalang magsabi sa kanila. Sige na bye na muna mag iimpake na ko. Labyu! See you.

Baleng Blanks:
Yeah! Go! Go! Ingat ka. May kutos ka pa samin. Labyumore.

Pagkabasa ko nun ay nag sign off na ko at inayos na ang mga gamit ko. Hihintayin ko na lang ang pag bumalik na si Rain kasama ng ticket namin pauwi sa pilipinas.

Nahiga na ko sa kama ko at inisip ang mangyayari oras na makauwi na ko. Masaya ako dahil makikita ko na ang pamilya ko at mga kaibigan ko pero di maalis sa puso ko ang kaba.

Ang kaba dahil malaki ang tiyansang magkita rin kami ng lalaki at babaeng yun.

Am I ready to face him?

Will I ever be ready to face Dwayne?

------
To be continued.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat